Chapter 23

328 23 10
                                    


Warren's POV

Mula sa malayo ay tanaw namin ang isang pigura nang isang nilalang na hindi namin sigurado kung tao. Ang malamlam na liwanag ay hindi sapat upang malaman namin kung ito bay ay masama o kung ito ba ay may mabuting idudulot. Nasa kabilang side kami nang highway at siya 'iyon' naman ay nasa kabila namin.

Ngunit nasa malayo ito at kung didiretso kami ay madadaanan namin. Wala ni isang gumagalaw sa aking mga kasama. Tila ba'y nagtataka rin sa kung anong nilalang ba iyon. Marami na kaming nakitang kakaiba pero ito ang pinaka-weirdo sa lahat. Pare-parehas lang kaming nakatitig sa nilalang na iyon at nag-papakiramdaman.

"Anong ginagawa niya?"- Tanong ni Kris na ngayo'y titig na titig sa nilalang na iyon at hindi rin matukoy kung iyon nga ba ay tao at kung tao man nga ito, ano ang ginagawa nito at bakit iyon pa ang kanyang ginagawa kaysa mag-tago.

Unti-unti at dahan-dahan akong lumapit. Gayundin naman ang mga kasama ko na akala ko'y na freeze na sa kanilang kinatatayuan. Pilit kong inaninag ang pigura nang lalaki. Sa malayo, aakalain mo lang ito na isang lasing, ngunit habang papalapit ka rito, saka mo lang malalaman na hindi ito pang-karaniwang tao na makikita mo.

Pa-ese ese itong nag-lalakad at atras-abante. Ang buong mukha niya ay nakaharap sa kalangitan. He was smilling creepily while facing the dark sky. His face was shocked in horror. And then it hits me! Papalapit ito sa amin!

He's like a paychopath. Kung ganito ba naman ang masasalubong mo sa ganitong oras nang gabi, malamang sa malamang ay walang gagawin kundi ang sumigaw at tumakbo.

Habang lahat kami ay nakatitig sa mistulang baliw na lalaki, napansin kong mistulang bumibilis ang kanyang pag-atras abante papunta sa amin. Matangkad siya kaya't malalaki ang bawat hakbang niya. Tumawid din siya sa kabilang kalye, kung saan kami naroroon ngayon at kung tutuloy kami ay masasalubong namin siya.

Hindi man siya sa amin nakatingin, sa amin naman ang punta nang kaniyang direksiyon. Napansin din namin na habang papalapit ay nag-sasalita ito nang kakaibang ingay na para bang tuwang-tuwa dahil may nakita itong tao.

"G-guys...?"

Hindi na namin pinansin ang sinasabi ni Aaron dahil tumakbo na kami. Lumipat din kami sa kabilang direksiyon nang kalsada upang hindi namin siya maka-hanay ngunit lumipat din siya. Sa amin nga talaga ang direksiyon niya.

Habang lahat kami ay tumatakbo, nag-pasya akong lingunin ang kakaibang nilalang na kanina ay sumusunod sa amin , ngunit tila malayo na ito kaya't huminto ako. Pinag-masdan kong mabuti kung paano ito gumalaw. Mukhang hidi na nga ito umaalis sa posisyon niya. Napansin yata nang mga kasama ko na huminto ako kaya't tumakbo silang palapit sa akin at tiningnan din ang weirdong lalaki mula sa malayo.

Tahimik kaming lahat. Hindi kami makalakad pasulong dahil ma-tayrap kami kung patuloy niya kaming sisiilin sa kanto. Wala kaming madadaanan at macocorner kami. Inantay naming gumawa nang kakabiba ang lalaki at nangyari nga ang inaasahan.

Muli, sa mas mabilis at mas malalaki na pag-hakbang, tinungo nito ang aming direksiyon at lalo pa itong nag-ingay. Wala kaming nagawa kundi ang tumakbo. Naririnig ko na rin ang pinag-halong sigaw at iyak ni Marjorie dahil sa takot. Siya nalang pala ang natitirang babae sa aming grupo.

Malapit na kami sa hangganan nang kalye. Mula sa kinaroroonan namin ay Natatanaw ko na ang isang napaka-taas na pader na nag-hahati sa aming lupain. Wala pa akong ideya tungkol sa aming gagawin kung saka-sakaling abutan kami o ma-corner, sa tingin ko'y ganoon din ang aking mga kasama kaya kinabahan ako.

Nasapo ko ang aking noo nang marating namin ang hangganan nang kalye. Wala kaming nagawa kundi panoorin ang maaring gawin sa amin nang weirdong lalaki. Gayundin naman ang ginawa nang aking mga kasama dala nang wala na nga kaming pag-pipilian pa kundi antayin ang aming kamatayan.

Lahat kami ay nag-aabang sa lalaking weirdo kung ano ang kaniyang gagawin sa amin. Nang makalapit na ito, dahan-dahan siyang nang atras-abante sa aming harapan, still facing the sky. Hunahalakhak ito na parang may sira sa ulo.

Wala naman itong ginawa kundi ang mag-atras abante lang at hahalakhak na parang demonyong baliw. Hanggang doon lang. Si Marjorie ay nakayakap kay Aaron habang umiiyak, dala na rin siguro nang takot at phobia na idinulot nang kakaibang nilalang sa aming harapan na hanggang ngayon ay hindi pa rin naman lumalapit at hindi pa rin naman kami sinasaktan.

Ang nakakatakot lang ay ang kung paano ito umasta. Baka nga kung ako lang mag-isa ang makakasalubong nang ganito, wala na. Baka nabaliw na ko sa sobrang takot.

Maya-maya pa'y mas lalong lumapad ang ngiti nito, ngunit hindi pa rin tumitingin sa amin. Iniikot niya ang kanyang ulo, para tumalikod sa amin. Nag-katinginan kaming mga kalalakihan at the same time, nag-taka. Mabilis iyong nag-atras abanteng pumunta sa direksiyon kung saan siya galing kanina. Tila ba'y nag-pakita lamang sa amin at tinakot lang kami o baka naman ay nag-papansin. Something like that.

Nang maka-layo ito ay saka pa lamang kami naka-hinga nang maluwang. Si Marjorie ay nananatili pa ring umiiyak habang nakatulala sa kawalan. Tss. Hindi man lang iki-nomfort ni Aaron. Si Aaron naman, nakatingin lang din sa direksiyon kung saan pumunta ang weirdong lalaki kanina.

Si Kris naman, parang baliw na tatawa-tawa pa. Well, medyo weird talaga yang si Kris. As far as i know, naging kaklase ko siya nung First year at nakasama ko pa sa simbahan. Alam niya na yon. Hindi ko nga inakalang ganyan pala kalala yan.

Btw, si Nathan naman ay parang ewan na nag-kekwento nang kanyang nataramdaman habang sinusundan kami nang weirdong lalaki. Eto pa isa, hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ko ba yan naging kaibigan. Siguro dala na din nang panga-ngailangan at hinihingi na nang kapalaran na mag-kakasama kaming lahat.

Well, except her. I really really missed her. Masakit man para sa aking isipin na hindi ko alam kung buhay pa ba siya ngayon.... but of course she is! She's braver than me., and she must stay alive! For the cure. For her family, for her friends... and of course, for me....

Natigil ang pag-iisip ko nang makarinig kami nang malakas na sigaw kaya't sabay-sabay kaming napalingon kung saan iyon nanggaling.












And Only to think na nasa tapat pala kami nang gate nang bahay na pinanggalingan namin kanina lang.

Survivor Where stories live. Discover now