Chapter 30 - New Beginning

310 19 4
                                    



Nicole's POV

Nandito kaming tatlo nila Warren, ako at si Jamie sa cabin na tinutuluyan ni Jamie. Bigla nalang kasi siyang sumulpot sa kagubatan kung saan kami naroroon. At nang dumating siya, biglang nawala ang babaeng humahabol sa amin kanina. Tahimik lang kami. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako maka-paniwala sa nang-yayari.

Ang huling pag-kikita namin ay noong naging infected na siya. Tila Napansin naman iyon ni Warren kaya't siya nalang ang bumubuhay sa katahimikan. Alam na siguro iyon ni Jamie kaya't napapa-tingin siya sa akin.

Hanggang maya-maya pa ay hindi na ako nakatiis. "Jamie, hindi ba infected ka na...?" - nag-aalangang tanong ko. Ewan ko lang kung natatandaan nya pa na naging infected siya pero , Ackk!!! Bahala na!

Nginitian nya naman ako at bumuntong hininga. "Ewan ko nga ba. Noong nagising kasi ako at naroon ako sa kwarto ni Maelee at hindi ko mabuksan ang pinto kaya sa bintana ako dumaan."- Pag-kekwento niya.

"Eh? Pano nang-yari iyon?"- Hindi maka-paniwalang tanong ko. Kung sana man lang ay nakita ko kung paano naging ganap na ganyan ulit si Jamie, baka nalaman ko na ang nawawalang sangkap sa Chemical na ginagawa ko na maaaring tatapos sa tadhanang aking sinimulan.

"Hindi ko rin alam. Basta isa lang ang nasisi-guro ko. Mayroon pang ibang epekto ang virus na ginawa niyo. "- saad niya.

Ibang epekto?

Napa-isip ako sa sinasabi ni Jamie. Kung totoo naman o kung sakali mang may ibang epekto ang Virus na ginawa ko, ano naman kaya iyon? Kailangan ko nang Clue para maka-gawa ako nang Solution at para ma-sugpo ang virus. Madali lang sana iyan kung makakatawid kami sa ibang bansa upang maka-kuha nang mga sangkap pero hindi yon ganoong kadali.

Bago kami mag-tagumpay sa pag-gawa nang virus ay puro failed muna ang resulta sa kadahilanang kulang sa sangkap, at ang mga sangkap na kulang dito ay limitado lamang at hindi madaling hanapin. At Kung makaka-hagilap naman ay nakaka-butas ng bulsa sa sobrang laki ng halaga.

Kaya malamang ay ito ang dahilan kung bakit pursigido ang lahat nang mga kasamahan kong scientist na magawa ang virus. Sayang nga lang at hindi iyon natupad dahil sa pag-kamatay ni Mr. Jacobs. Nasa kanya kasi ang plano at noong nabalitaan namin siyang mamatay, malaking pang-hihinayang ang nang-yari sa grupo namin. Kung sabagay ay pera lang din naman ang habol nang iba kaya sila nakumbinsing sumama sa amin.

"Sa ngayon, dito muna kayo sa nahanap kong Hideout manuluyan. Pero pasensya na pero kailangan ko munang umalis, hindi ko lang alam kung kailang ako makaka-balik."- saad ni Jamie at tumayo.

"Saan ka naman pupunta?"- tanong ko. Wala kasi akong maalala na Adventurer ma pala si Jamie. Hindi kasi siya yung tipong mag-papagod ---- i mean, tamad siya.

Binalingan niya lang ako ng yingin at nginitian. "Hahanapin ko sila."- matipid niyang saad. "Dito lang kayo at kapag nakita ko na sila, dadalhin ko din sila dito."- dag-dag pa niya.

Lumakad na siya papunta sa pinto kaya tumayo ako at sumunod sa kaniya. "Mag-iingat ka."- pag-papaalam ko sa kaniya.

Lumingon ulit siya sa akin at at ngumiti, tinapunan niya din ng timgin si Warren at nginitian bago nag-wikang; "Ingatan mo yang kaibigan ko."- nakangiting saad nito kaya natawa ako. Ngumiti naman si Warren at Sumaludo. "Areglado!"- saad ni Warren.

Muling bumaling sa akin si Jamie na naka-ngiti. "Isarado mo ang pinto kapag naka-alis na ko. At kahit sinumang kumatok, wag na wag nyong bubuksan."- bilin niya at tumango lang ako.

Lumabas na siya at tumakbo papalayo. Agad ko namang sinarado ang pinto at ni-lock. Ang boring nang buhay at alam kong kasalanan ko lahat nang ito sa simula pa lang.

Nag-lakad ako papunta sa kusina. Naramdaman kong sumunod si Warren, hinayaan ko lang siya. Nang makarating na ko sa kusina ay nag-hanap ako nang maaari kong masulatan, at hindi ako nag-kamali. May nakita akong Isang makapal na notebook sa ibabaw ng ref, malamang ay ito ang ginagamit nang may-ari nang bahay sa tuwing mag-gogrocery sila. Naka-lista kasi kasi ang mga pag-kain at kung anu-ano pang mga sabon.

Sa loob ng kusina ay iniayos ko ang mga gamit pwede kong gamitin upang bumuo ng isang maliit na Labolatory. Ipina-akyat ko kay Warren ang isang maliit na lamesita. Hindi kasi pwede na kulob ang labolatory dahil kailangang ma-balance ang temperatura sa buong paliigid o Average temperature.

Sa loob ng kusina ay may-roon ding mga ingridients at chemical na pwede kong gamitin sa pag-sasagawa ng eksperimento. Kinuha ko ang mga iyon. Nakakita rin ako nang mga de-latang pag-kain at napansin ko ang isang kapirasong papel na naka-dikit sa isa sa mga Lata. May note na naka-sulat ngunit maliliit ang pag-kakalikha nang mga salita at letra at halatang pinag-kasya sa maliit na papel ang mahabang liham.

'Krixtia ,

Kung saka-sakaling makuha mo ito ay malamang naka-alis na ako. Inihanda ko na kayo sa lahat nang mang-yayari at inihanda ko na rin ang mga pwede niyong kainin. Sa 2nd floor ay may generator upang mag-gamit nyo ang kuryente. May mga naka-handang pag-kain na rin sa kwarto sa 2ndfloor.

Kung sakali mang makaka-rinig kayo nang kaluskos at nasa 1st floor kayo, umakyat agad kayo sa ika-lawang palapag. May hindi magandang mang-yayari kung susuwayin niyo ang sulat na ito.

Makinig ka, malapit mo nang malupig ang epidemya, at ginagawa ko ito bilang kaibigan at upang matulungan ka, Kaya ako umalis ay upang hanapin si Daryll, sigurado akong malaki ang ganap niya sa solution na hinahanap mo. Huwag mong kalilimutan na Scientist din si Daryll at siya ang anak ni Mr. Jacobs na ngayon ay buhay pa. Balak niyang patayin lahat nang lalaban sa plano niya at isa ka na sa tina-target niya.

Sundin mo lang ang mga sinasabi ko sa iyo at pilitin mong manatiling ligtas. Dadalhin ko diyan si Daryll at kayo ang tatapos ng Epidemyang ito.

--------- Jamie

B-buhay.. si Mr. Jacobs?! At gusto niya akong patayin?!

@Ms_Aquaphobia

-

Survivor Where stories live. Discover now