Prolouge

1.1K 103 56
                                    

THIRD PERSON's POV


"Tsk! Experiment Fifty four, Failed. "- A familiar voice echoed in the whole labolatory. Naging dahilan ito kaya't maraming mga scientists; na kasalukuyang nagtatrabaho kasama niya ang nainis. Gayunpaman, ay wala silang magagawa ka kanya. Siya ang pinaka-mahalagang haligi nang kanilang grupo.

Yes. Ayaw man nila ay kailangan nila nang isang taong makakapag-pabago nang mundo at mag-dadala nang pera sa kanila. Mayroong isang sakit ang kasalukuyang kumakalat at isang malaking achievement kung sila ang unang makaka-tuklas nang lunas. Ang sakit na ito ay nakakatakot.

Ang gobyerno ay nababahala na din sa mga nang-yayari dahil ang epidemyang tinutukoy ay isang parasite na nakukuha sa pag-didikit nang balat nang infected. Ang sakit daw na ito ay galing sa maduduming hayop, unang una na dito ang daga. Hindi ito nalalayo sa tinatawag na black death nong unang panahon bagaman hindi nabubulok ang laman ng infected, nagkakanda lasog-lasog naman ang kanilang laman.

Kapag nahawa ay mayroon kang limang araw bago maramdaman ang pag-susuka nang dugo. Itoy dahil unti-unting kinakain nang mga nag-lalakihang uod ang mga lamang loob nang biktima nito. Mararanasan ito nang biktima sa loob nang labing isang araw bago ito mamatay dahil sa pag-kaubos ng laman loob. Bago mamatay ang mga infected na ito ay mararanasan muna nila ang nakakamatay na sakit sa loob nang labing isang araw habang dahan-dahan silang pinapatay.

Lahat ay nag-papanic na at masyado nang nag-kakagulo. Lahat nang tiwala ay nasa mga chemist na gumagawa at nag-coconduct nang research para sa maaaring gamot.

Nag-papaligsahan ang lahat nang corporasyon, kasama na ang kanila doon. Malaki ang tiwala nila sa dalaga and It wasn't impossible because of her. Matalino siya. Oo. Pero isa siya sa taong pinaka-mahirap pakisamahan. Maka-ilang beses na silang umangal na kung pwede ay iba nalang ang gumawa nang kanilang plano at palitan nalang 'sya' ngunit wala silang makitang katulad ng dalaga.

She was an experienced physician and got her masteral degree in Chemical Engineering. Highschool palang ito ngunit sa murang edad ay Maraming nang-hihinayang sa kaniyang talino at marami rin namang natutuwa at humahanga. Nanghihinayang dahil kung anong ikinatalino nito ay syang kinagaspang nang ugali sa kanila.

Nag-patuloy ang mga masasamang bulung-bulungan tungkol sa 'kanya' ngunit maya-maya pa'y tumahimik na rin dahil dumating ang Head scientist na si Mr.Jacobs na kakagaling lang sa France. Kinailangan nitong umattend sa isang seminar patungkol sa pag-papalawak nang pag-dedeliver nila ng mga gamot at hospital supplies. As a head doctor, He appointed 'her' as a head leader ,as his substitute while he was away kaya naman kahit labag sa loob nang mga professional scientists ay wala silang magawa kundi sundin ang isang babae na mas bata pa sa kanila.

Nabaling ang atensiyon nang lahat kay Mr. Jacobs. They all greeted him and he nods as an answer. Wala itong oras para makipag-usap dahil napaka-desidido na nitong makuha ang kanyang nais na gamot. Gusto rin niyang yumaman at sumikat ang kanyang pangalan at korporasyon sa buong mundo. Ito ang pinaka-magandang pag-kakataon para don.

Mr. Jacobs immidiately goes to Her. Kinamusta nito ang lagay nang kaniyang eksperimento at nilista ang lahat nang mga kakailanganin pang sangkap. Nag-bigay din ito nang ilang instructions and she attentively listened. May sinabi ito kay Mr. Jacobs dahilan upang tumango-tango naman ang matanda. Hindi iyon dinig nang lahat kahit na malapit pa sa kanila.

Una, kahit hindi pa dumarating si Mr. Jacobs ay kanina pa malayo ang grupo sa dalaga dahil ayaw nilang mautusan nito. Pangalawa, Ayaw ng dalaga na maraming tao ang naka-paligid sa kaniya dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya, at pangatlo, Mabilis siyang magalit tuwing may mga taong naka-paligid sa kaniya, at ayaw nilang makitang magalit ito sa ikalawang pag-kakataon. Mabait naman daw ito base sa mga naririnig nila pero hindi iyon ang nakikita nila sa ngayon.

Survivor Where stories live. Discover now