Chapter 16

406 35 9
                                    


Maelee's POV

"NICOLE!"- pag-awat ko nang bigla syang tumakbo papalapit kay Jamie na ngayon ay walang malay na nakahiga at nababalutan nang dugo na kanina ay isinuka nya.

Dali-dali namang tumakbo si Daryll papunta kay Nicole para tulungan akong awatin sya. Nalatingin lang samin si Ezekiel at walang alam sa pangyayari.

"Hasssshhrrr"

Lahat kami'y napalingon sa pinanggingan nang tunog.

Dahan-dahang tumayo si Jamie pero kakaibang Jamie na ngayon ang nakikita namin. Sobrang putla na nang balat nya at nanginginig ang buong katawan nya habang tumatayo.

"Ilayo mo na si Ezekiel. "- Ani Daryll

"Tara na."- dugtong nya pa bago hinila na din palabas si Nicole.

Bago ako lumabas ay tininganan ko muna si Jamie. Huling sulyap...

"Paalam.."

****************

"Ayos na ba yan? Baka naman biglang bumukas?"- paninigurado ko. Ni-lock namin ang pinto kung saan naroroon si Jamie. Wala na kasi kaming ibang magagawa dahil nakakatakot syang lapitan.

"Ayos na yan. Hindi nya naman siguro masisira yan. Wag mo lang palalapitin yung bata dito."- ani Daryll habang sinusuri ang padlock.

Aalis na sana ako nang may maalala ako. "Kailan ba tayo pupunta sa Evacuation center?"-
Tanong ko. Ngayon dapat kami pupunta pero nagkaroon nang problema kaya hindi natuloy. Malakas pa naman ang ulan sa labas.

" Ngayon na. Hindi tayo pwedeng magtagal dito dahil mahalaga ang bawat minuto. Hindi natin sigurado kung ano pang mga kayang gawin nang zombie na yan."- ani Daryll at tumayo na bago naglakad papunta sa baba.

Hayys. I guess we have no choice.


************

Marjorie's POV

"Kumain ka na! "- sigaw ko kay aaron na nakatulala.

Simula kasi nang magkita sila nila Warren ilang buwan na ang nakakalipas, lagi nalang syang nakatulala. Feeling ko tuloy nawawalan na sya nang oras sakin. Grrr!

"AARON!!!"- sigaw ko na may warning tone pero hindi pa rin sya natinag. Nakakainis na! Sayang lang lahat nang effort ko! Simula nang magkita kami, nung sinundo nila kami sa school, nagustuhan ko na sya. Yep. It was love at first sight. But then, nakita ko kung pano tumungin sa kanya yung kaibigan ni Julie kaya umaksyon na agad ako.

Once in a lifetime na nga lang ako magka-gusto, may eeksena pa? So ayun, hindi ko hinayaang mapunta lang sya sa walang kwentang babae na si Nicole no! Duh! Buti nga napapayag ko syang pagselosin si Nicole eh, nagkalapit tuloy kami at naging boyfriend ko pa sya! Although alam kong hindi sya seryoso sakin, hindi pa rin ako susuko!

"Ahh--?"- palinga-lingang sabi ni Aaron na parang ngayon lang nakarinig.

Bumuntong hininga ako para pigilan ang galit na kanina pa gustong lumabas. "Kumain ka na. Hindi ka na nga nag lunch, ayaw mo pa mag-dinner.."- malambing ma sambit ko bago ko sya niyakap pero agad nya din itong tinanggal. Tsk! Ano na namang problema nya?!!

"Wala akong gana. Mauna ka na."- malamig na sabi nya bago naglakad papasok.

Konti na lang! Konting konti nalang!

"Hayaan mo na sya. Kailangan lang nya magpahinga."- Biglang singit ni Kris

"Pakialam mo ba?"- mataray na saad ko sa kanya bago ko sinundan si Aaron.

Tss. Chismoso.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao dito! Kung hindi lang nawawala si Wency, edi sana may nakakausap pa kong matino.


"KRIIIIISSSSSSSS!!!"


Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob nang bahay na tinutuluyan namin, umalingawngaw na sa ground floor ang matinis na sigaw ni Giselle at sa tono nang sigaw nya, may hindi magandang nangyari. Agad akong tumakbo pababa at sinalubong sya. Nandun na rin sila Warren, Neithan at Kris.

"Anong nangyari?!"- sigaw ko habang papalapit sa kanila.

Tumingin sakin ang namumutlamg si Giselle. Balot nang dumi ang buong damit nya at mapapansin din ang mga sugat nito sa mukha at kamay. Halatang bago iyon dahil tumutulo pa ang dugo.

Dahan-dahan nyang tinanggal ang maputik nyang Jacket . Tumambad samin ang madugo niyang sando at sariwang sugat sa braso. Hindi ito pangkaraniwang sugat na makikita mo dahil Habang nagdudugo ang sugat, may mga kulay puting nakabaon sa mismong sugat na halatang napaka-sakit.

Ngipin.....

Bahagya akong napaatras......No way! Hindi namin pwedeng isama si Giselle kung ganyan ang sitwasyon nya!

Lumapit si Kris, Neithan at Warren kay Giselle at inalalayan ito para makaupo. Sinalubong naman nila ito nang napakaraming tanong. Halos lahat kami ay nag-aalala dito pero pano naman kami? Magiging mapanganib ang lahat kung mananatili pa si Giselle sa bahay na ito,

Pinagmasdan ko sila nang mabuti.
Mukhang nag-aalala talaga sila kay Giselle at mukhang hindi sila papayag na paalisin nalang si Giselle nang ganun lang.

I need to make a plan....

*****************
Nicole's POV
(2 days Later)

"Mag-impake ka na. Aalis na tayo."- Kalmadong utos ni Maelee.

Nandito kami sa kusina at nag-sisimula na rin sya sa pag iimpake pero hindi ko sya pinansin. Wala ako sa mood para mag-isip nang kung anu-ano lalo pa't sariwa pa ang mga nangyari.

Napansin nyang hindi ako kumikilos kaya tumindig sya nang tuwid at tinitigan ako. Nakita ko iyon sa peripheral vission kaya tinitigan ko rin sya.

Hindi tulad nang dati, ang makinis at maamo nyang mata ay naging tulad nalang nang mga taong pagod at kulang sa pahinga.

"Wala ka bang balak na kumilos..?"- bakas sa boses nya ang pakiki-usap. Marahil ay pagod na rin sya sa mga nangyayaring problema.

"Hindi mo ko maiintindihan..."- naiiling na bulong ko bago ibinaling ang paningin sa kawalan.

"ANO BANG HINDI KO MAINTINDIHAN?! "- Biglang sigaw nya na ikinagulat ko. Maging si Daryll ay nagmamadaling bumaba mula sa 2nd floor.

Hinarap ko sya. "KAHIT SABIHIN KO PA KASI SA INYO, HINDI NYO PA RIN MAIINTINDIHAN!"- ganting sigaw ko.

Bumuntong hininga si Maelee. Habang si Daryll naman ay pinapanood lang kami.

"Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito, pati kami rin. Ikaw lang ang iniisip namin. Ikaw! Iniisip namin kung kumakain ka ba nang ayos, kung nakakatulog ka pa ba tuwing gabi. Alam mo ba yon?..."- nanghihinang wika nya.

Saglit nya uli akong tinitigan bago lumapit sakin at yumakap. Isang mahigpit na yakap.


"Kaibigan mo kami. Hindi kaaway..." - mga salitang nagpagaan nang loob ko.

Survivor Where stories live. Discover now