Chapter 3

647 93 87
                                    


KRIXTIA NICOLE's POV

Dahan-dahan kaming nag-lakad patungo sa pinang-gagalingan ng ingay. Tinahak namin ang makipot nandaan sa pagitan ng mga shelves at nang marating namin ang lugar kung saan kaninang naka-pwesto ang mga estudyanteng humarang sa amin kanina ay wala na roon.

Doon lang kami nag-madaling tatlo at tinakbo ang daan pasulong. Naabutan namin don ang mga estudyante at mga guro na nag-papanic, mas malakas din mula dito ang sigawan. Masyadong Okupado ang mga ito kaya't hindi nila napansin ang pag-dating naming tatlo.

Mula sa bintanang salamin naman ay tanaw ang Naipon na mga infected. May pagka-tinted ang bintana kaya naman hindi kami masyadong kita, bagaman mahahalata mo na parang nag-kakagulo ang mga taong infected na naaagnas sa labas.

Nilapitan ko ang isa sa mga estudyanteng nag-papanic. "Ate? Bakit, anong nang yayari?"

Masama naman itong tumingin sakin ngunit bakas ang panginginig ng kamay at pamumutka sa mukha. Mukhang nag-dadalawang isip pa ito kung sasagutin nya ang tanong ko kaya't nilapitan kami ni Ren at sya na ang nag-tanong.

Sandali namang nagpalipat-lipat ng tingin ang babae sakin at doon sa lalaking engot bago tumingin ng masama dito. "K-kanina kasi...May kumatok!"

Nangunot naman ang noo ko. "Oh tapos?"

'Nangbitin pa, hanep!'

"T-tapos ano...may sumigaw na buksan daw namin! Tapos biglang dumami yung katok! Natakot kami lahat!"

"And then? What happened next?" Yung engot na si Ren.

"A-ayun...Nag-panic na kami. N-natakot kami..."

"Ayon lang?" Sumama naman ang tingin sakin nong babae pero hindi ko na iyon pinansin pa. Saglit ko munang tiningnan ang bintana, kung saan tanaw ang mga infected at unti-unti itong tinalikuran.

Akala ko naman kung ano na. Mas Komportable pa sa pwesto namin kanina sa sulok kesa mapaligiran ng mga taong to.

"Tara na, Mae." Pag-aaya ko dito at nag-simula ng mag-lakad.

"Tingnan mo to." Rinig kong saad ni Mae kaya't nilingon ko sya. Naka-tingin ito sa bintana na tinitingnan ko kanina kaya't muling nabaling doon ang atensyon ko.

Ang kaninang mga infected na nakita ko ay kasalukuyang nag-tatakbuhan sa kanang direksyon sa hindi ko malamang kadahilanan. Natahimik naman sa loob ng buong library at lahat ng atensyon ay napukol ss bintana. Kabado naming pinapanood ang mga nilalang sa labad ng makarinig kami ng sunod-sunod na katok.

"Buksan niyo!" Sigaw nang boses ng babaeng muka sa labas at kasunod non' ay ang sunod-sunod na kalabog nang pinto. Paulit-ulit ding pinipilit pihitin sng doorknob na hindi naman bumubukas, malamang ay naka-lock.

Bahagya naman akong nag-panic dahil mas gusto kong tumulong pero ang tindi ng sigawan sa labas ay nakaka-nginig ng tuhod.

"You good?" Ren asked. He probably noticed na nanginginig ako. Nasa gilid ko nga pala sya.

"O-oo."

"You sure?"

Ngunit tinanguan ko na lamang sya. Sya naman ay bahagyang ngumiti at tumingin sa pinto na ngayon ay huminto na sa pag-katok. Samantalang ang sigaw naman ng mga infected mula sa labas ay palapit ng palapit. Kabado naming pinanood ang bintana kung saan nakita naming tumatakbo ang mga infected kanina ngunit papunta naman sila sa kaliwa ngayon!

Ang iba sa loob ay nag-panic na ng tuluyan at ang iba naman ay nanatiling nag-tataka kung ano ba talagang nang-yayari.

"A-ano kayang nang-yayari?"

Survivor Where stories live. Discover now