Chapter 14

441 46 25
                                    


Nicole's POV

Nakasakay kami sa Van ngayon na minamaneho ni Daryll. Tinutulungan namam namin si Jamie gamutin yung sugat nya. Hindi naman namin mapigilang mapa-ngiwi nang ki-nwento nya samin yung mga nangyari. At the same time, natatakot. Hindi ko nga pala sya nabigyan nang pampa-immune?

Kinapa ko ang bulsa nang Lab-gown na suot ko. Shet! Wala nga pala akong nadalang kahit na anong gamot!!! Pumunta lang kasi kami ni Daryll sa convinience store dahil bukod sa kailangan namin nang pagkain, kailangan din namin nang silica.

Wala din naman kaming balak magtagal sa convinience store dahil may inaasikaso kami sa Lab.

"Nandito na tayo"- inihinto ni Daryll ang van sa tapat nang gaye nang bahay nila Maelee. Pinatay nya ang makina nang sasakyan at patakbo kaming pumasok sa loob nang bahay.

"Magluluto lang ako."- saad ni Daryll at ibinaba si Ezekiel bago sya dumiretso sa kusina.

"Tss. Wala naman syang mailuluto don eh. Nasa can lahat nang pagkain."- Maelee

Tinanggal ko ang glasses ko at lumapit kay Jamie na ngayon ay parang namumutla.

"Tsk. Ano nararamdaman mo?"- tanong ko. Ngumiti lang sya at sarkastikong tumawa. "OA mo nickz!"- aniya

Bumuntong hininga ako at aktong titingnan na si Maelee para sana tanungin nang nahagip nang mata ko ang isang radyo. Napansin iyon ni Malee kaya agad syang nagsalita.

"Hindi yan gagana Kahit may kuryente dito. Sira na piyesa nyan."- ani Maelee

Kuryente? Oo nga no? So yung maingay pala na parang makina sa labas kanina ay generator?

Nilapitan ko ang radyo at kinuha. Tinitigan ko itong maigi habang dahan-dahang iniikot. Hmm...

"May Battery ka ba dyan?"-tanong ko kay Maelee.

"Hmm. Wala na eh."-Maelee

**************

"Nangangalay na ko, par."- Maelee

"Konti nalang."

Pinahawak ko kasi sa kanya yung anthena at halos isang oras na syang nakatayo kanina pa.

"Kanina ka pa sabi nang sabi na malapit na eh."- pag-angal nya. "Ano na ba nangyari dyan?"- saad nya habang sinisilip-silip nya yung kinalas kong radyo.

Ikinabit ko ang huling piyesa bago si-neal nang screwdriver. Pinindot ko ang on button. "Itaas mo yung anthena"- utos ko Maelee

Biglang tumunog nang malakas ang radyo at nawalan nang signal. Parang horror movie tuloy yung tunog. Inikot ko nang inikot ang pindutan. Lumapit naman sila Daryll at Jamie sa amin.

" ----Isang Epidemya o virus ang kumakalat sa buong lugar. Tinatayang nasa 50% na tao na ang nahawa. Binabalaan ang lahat na manatili sa inyong mga bahay o maingat na pumunta sa mga evacuation center. Nag-pakalat na nang mga sundalo ang pamahalaan upang pigilan ang virus. Muli, Binabalaan ang lahat na manatili sa kani-kanilang bahay."- garalgal na sabi sa radyo bago ito tuluyang mawalan nang signal.

Pare-pareho kaming napatingin sa isa't-isa.

"Ano na?"- Maelee

"Tsk. Delikado."- Daryll

"Pero masisiguro nating may mga nakabantay doon."- Maelee

"Bakit? Mapag-kakatiwalaan ba yung mga bantay dun?"-Daryll

"Pero kahit na. Marami naman tayong makakasamang survivors dun eh, kesa yung tayo-tayo lang dito. Bukod sa boring na, wala pa tayong kasiguraduhan."- Maelee

Hayys. Anu ba yan. Nag-inat na si Jamie at naglakad patungo sa kusina. "Magtitimpla muna ako nang kape."- paalam nya samin.

Muling nagtalo ang dalawa tungkol sa evacuation center habang ako ay pumunta sa taas para matulog. Mamaya ko nalang po-problemahin yan. Kailangan ko din naman nang pahinga.

*************

"Wuy! Mag-ayos na nang mga gamit mo. Pupunta tayo sa evacuation center."- boses ni Maelee

Tumagilid ako at hindi sya pinansin. Takte kasi! Kulang pa ko sa tulog! Bagsak na katawan ko at parang wala na kong lakas para makapag-lakad pa.

"Wuy!!"- this time, niyugyog na ko ni Maelee kaya napabalikwas ako nang bangon. "Oo na!! Oo na!!"- pikong sigaw ko bago pumunta sa banyo.

Pag-pasok na pag-pasok ko palang sa CR, napatakbo agad ako nang may makitang salamin. Sa wakas! Ang tagal ko nang hindi nakikita ang itsura ko!

Naligo ako at nag-ayos nang mukha. Inabot din iyon nang mahigit isang oras kaya rinig na rinig ko na sa labas nang banyo ang malulutong na mura ni Maelee.

Lumabas na ko at inayos ang mga gamit na dadalhin namin. Maraming bag si Maelee dahil mahilig syang mag-mountain climbing kaya hindi sya nanggihinayang bumili nang mga mamahaling bag para sa mga ganun. Hindi rin naman sya mahirap kaya na-iispoil sya nang mga parents nya.

Inimpake ko lahat nang damit na pwede pa naming gamitin pati na rin ang mga pagkaing nakuha namin sa convinience store. Pagkatapos kong mag-impake ay bumaba na rin ako na nakabihis nang mahabang damit. Maninigurado na ko ngayon dahil dun sa nangyari kay Jamie.

"Ano? Na-ready nyo na ba lahat?"- Daryll

"Yap"- si Maelee na pababa nang hagdan dala ang kanyang napakalaking bag na para bang maglalayas. Luminga-linga ako nang may mapansin akong kakaiba. "Nasan si Jamie?"- tanong ko kela Daryll at Maelee na ngayon ay busy sa pag-iimpake at pag che-check nang mga gamit.

Pareho silang natigilan. "Alam ko nasa kusina yon kanina eh. Sinabihan ko pa nga syang mag-impake eh. Sabi nya oo daw. Hindi mo ba napansin sa kwarto?"- tanong ni Malee

Huh? Eh hindi naman yon mahilig mag-impake eh. Kilalang-kilala ko na sya simula nung bata pa kami. Sya kasi ang pinaka-tamad sa aming mag-kakaibigan. Miski nga maligo pag taglamig eh, kinatatamaran pa kung hindi pipilitin.

"Sandali lang ah. Pupuntahan ko lang."- pag-papaalam ko sa kanila bago umalyat uli pabalik sa 2nd floor. Unti-unti kong binuksan ang pinto.

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ang itsura nya.

"J-jaime.."- naiiyak na bulong ko.

(Agoi. Si author talaga ay shunga sa drama HAHAHAHA)

Survivor Where stories live. Discover now