Chapter 34 - Savior

307 16 6
                                    


C H A P T E R - 3 4

M A R J O R I E ' s
P O V

Inikot ko ang lahat nang kwarto sa buong 2nd floor ngunit wala akong nakitang bakas o ni anino man lang ni Nicole. Hindi ko nga alam kung bakit ko ba ginagawa ito para kay Nicole, kung tutuusin, galit nga dapat ako sa kaniya dahil siya pa rin ang gusto ni Aaron hanggang sa huli kaming nag-kahiwalay. Hayyst. Pero hayaan na nga, alam ko namang hindi naging interesado sa akin si Aaron.

Nasaan na kaya si Aaron? Halos ilang araw na yata ang naka-lipas nang magkahiwa-hiwalay kami nila Kris at Neithan. Nong kaming dalawa lang kasi ni Aaron ang naiwan nang umihi daw si Kris kasama si Neithan, May sumulpot
Na kakaibang babae at...., you know, meron siyang nakakakabot na ngiti! It's just..... Basta! Nakakatakot! Then bigla akong tumakbo, Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Aaron doon at doon ko lang na realize na pag-hanga lang pala ang nararamdaman ko sa kaniya.

Nakonsensiya ako non so, bumalik ako, kaso natanaw ko yung babaeng naka-tingin sa akin at naka-ngiti kaya tuluyan na akong tumakbo papalayo. Ilang araw din akong ganoon, hihinto kapag napapagod at piputas nang kung anu-anong dahon para may makain. At biruin niyo, naka-survive ako? Haha.

So ayun na nga, Lumiko ako sa bandang kanan nang hall para buksan ang bawat isang kwarto kung naroroon ba si Nicole nang may marinig akong putok nang baril mula sa ibaba. Syempre, dahil sa ibaba lang iyon nang floor na ito, halos mabingi ako. After that, kung anu-ano nang conclusions ang pumasok sa isip ko.

What if, si Daryll iyon? What if pinatay si Daryll kasi nahuli siya? What if ako na ang isunod nila? ACKKK!!! Kailangan ko na talagang makita si Nicole sa lalong madaling panahon!

Dinoble ko ang aking bawat kilos. Kung dito man ako mag-tatapos nang hininga, kailangan ko dapat maka-gawa nang maganda nang mag-karoon naman ako nang pag-asang sa itaas mapunta, at dito ko iyon sisimulan. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ni Nicole kapag nalaman niyang gusto ko siyang tulungan. Well, hindi na mahalaga iyon, in this case.

Patuloy ako sa pag-bubukas sara nang mga kwarto pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap si Nicole. Tsk! Saan ka na ba talaga, Nicole?! Hindi ako mapupunta sa langit kapag hindi kita nai-ligtas!

Nasa pinaka-huling pinto na ako at nang hawakan ko na ang doorknob ay bigla itong bumukas. Halos tumalon ang sa gulat nang biglang lumabas sa pinto na iyon si Warren.

" WARREN ?! / MARJORIE ?! "- sabay pa naming saad dulot nang pagka-gulat.

" ANONG GINAGAWA MO DITO?! / BAKIT KA NANDITO? "

" ALAM MO KUNG NASAAN SI NICOLE ?! / SAAN MO DINALA SI NICOLE ?! "

"Teka---- ano? Well, excuse me!, nandito ako para iligtas si Nicole your luvs, wag mo kong pag-bibintangan nang kung anu-ano! Sasamain ka."- saad ko. Hayop to. Lakas maka-bintang.

" Ano?! Eh diba galit ka sa kaniya?! Sabihin mo mga kung-----"

" Kailangan ko nga siyang iligtas kasi alam niya kung paano gumawa nang gamot!"- pag-putol ko sa sasabihin niya. Well, the truth is, hindi ko naman talaga alam kung kaya ba ni Nicole na gumawa nang gamot sa Virus pero narinig ko noon sila Jamie na nag-uusap na si Nicole pala ang sanhi nang kaguluhan na ito.

"Tsk. Baka nasa 3rd floor siya."- Iyon lang ang tanging nasabi ni Warren at dumiretso na ito nang lakad upang hanapin ang hagdan.

Survivor Where stories live. Discover now