Chapter 32 - Kidnapped

301 16 5
                                    


C H A P T E R - 3 2

J A M I E ' s
P O V

3 days later.....

Malayo-layo na ang natatahak nang sasakyan ko. Oo, may sasakyan ako at dahil ito kay Mr. Jacobs. Inutusan ako ni Mr. Jacobs na hanapin si Krixtia--- o mas kilala sa pangalang Nicole. Kailangan daw ni Mr. Jacobs na maka-gawa nang gamot upang mawakasan na ang virus. Alam kong alam ni Mr. Jacobs ang formula nang gamot at ginamit niya iyon sa akin kaya buhay ako ngayon at maayos. Hindi naman basta lang si Mr. Jacobs, isa rin siyang doctor at alam kong kaya niyang mag-isa na gumawa nang gamot sa epidemyang ito.

Ang kaso ay gusto niya ulit na gamitin si Nicole , sa kadahilanang kailangan niya nang talino nito kung paano mas-maggiging mabisa ang formula nang mag-giging gamot dahil may side effects ang unang nagawa niya. Kaya naman pinag-tago ko si Nicole sa bahay ko, alam kong pupunta doon ang kanang kamay ni Mr. Jacobs kaya't binilinan ko sila na huwag mag-papasok nang kahit sino, kahit ako.

Kailangan ko ding makita ang nag-iisang anak ni Mr. Jacobs na si Daryll Djaen Jacobs. Noong una ay nagulat ako dahil anak pala siya ni Mr. Jacobs. Kailangan ko rin siyang makita upang masabihan na may formula na ang gamot at tanging silang dalawa nalang talaga ang alam kong makaka-pigil sa gustong gawin ni Mr. Alpha at ang tanging makaka-perpekto nang gamot na mag-liligtas sa lahat.

Ang plano ni Mr. Alpha ay maging perpekto ang gamot na kaniyang nagawang gamot sa pamamagitan nang Kaibigan kong si Nicole at pag-naging perpekto na iyon ay saka niya na papatayin ang aking kaibigan. Pinangakuan niya ako nang malaking pera upang maging alas pero wala akong interes sa mga kayamanan niya. Ang magalaga lang sa akin ay maka-laya na ang buong bansa dahil sa kinakaharap na epidemya na siya pala ang puno't dulo.

Si Daryll naman ay ang magiging kanyang taga-halili at taga-pagmana pero alam kong hindi ganoong klase nang tao si Daryll. Mas gusto niya nang mga tao sa paligid niya at mas gusto niya nang marami siyang kaibigan. Doon ko siya nakilala. Bilang ganoon. Kahit noong mga panahong cold siya, halata naman na gusto niya talagang mag-karoon nang kaibigan, muhang hindi nga lang siya sanay at pakiramdam niya ay nakakahiya iyon sa side niya.

Ibang-iba siya sa kaniyang ama na ang nais lang lagi ay ang pera. Hindi na nito nakikita ang kapwa dahil nabulag na ito nang pera niya, halos wala na rin ngang kinikilalang pamilya dahil natabunan na nang pag-nanasang mag-karoon pa nang maraming pera. Hindi ko maintindihan kung bakit dahil mayaman na naman siya, bakit kailangan pang mag-damay nang iba para mag-payam lalo? May nang-yayari bang maganda? Wala! Lalo lamang nasisira ang ugnayan niya sa kaniyang pamilya dahil sa ginawa niya.

Hindi na ako bago sa nadadaanan ko. Naka-punta na ako sa Watercreekmill farm dahil isa iyon sa pinaka-sikat na Farm sa buong bansa at iyon ay naging isa sa mga field trip stop namin last 3 years. Nagulat pa nga ako nang malaman na pag-aari pala iyon nang pamilya ni Mr. Jacobs at iyon ang nag-mistulang evacuation center sa ngayon. Medyo nakaka-panibago nga lang dahil sa marami nang nag-tataasang damo at yungib sa lugar.

Maya-maya pa ay lumiko ako sa kaliwa at naabot ko ang dead end nang kalsada at gubat na ang nasa harapan. Sa gilid naman ay may nakita akong van na nakaparada at sa gilid nito ay ang mga naka-tumbang damo, senyales na mayroong dumaan doon.

Tinungo ko iyon at inabol ako nang kalahating oras bago ko marating ang Isang mahabang fiedl at sa malayo ay natanaw ko na ang mismong bahay-panuluyan. Pumunta ako doon at sinalubong ako nang mga gwardiyang sundalo. Tinanong nila ako nang kung anu-ano ngunit sinabi ko lang na gusto kong maka-usap si Daryll. Saglit silang natigilan ngunit nang malao'y tinawag din si Daryll.

Nang mag-kita kami, medyo nagulat pa ito at halata ang kuryosidad sa kaniya kaya't sumagot na agad ako.

" Long story to tell. "- saad ko. Medyo natauhan naman siya. Hindi ko na siya hinayaan pang mag-salita at sinabi ko na ang pakay ko.

" Kailangan mong sumama dahil naka-gawa na nang gamot sa epidemya ang Daddy mo at plano niyang kunin ulit si Nicole upang mapa-bilis ang proseso nang gamot dahil may side effects pa ito. Nagawa nang daddy mo na gumawa nang gamot kahit kulang ang mga chemical na kailangan dito. Pag-katapos niyang magamit ulit sa ikalawang pag-kakataon ang talino ni Nicole, Papatayin niya ito. Ikaw lang at si Nicole ang alam kong pwedeng tumapos sa epidemya. Please, gawan mo nang paraan...."- pag-susumamo ko. Wala akong ibang ma-iaambag upang mapa-buti ang kalagayan nang bansa namin kundi ang malilit lang sila Daryll na kopyahin at pag-tibatin ang gamot na ginawa ni Mr. Jacobs.

" At sabi pa ni Mr. Jacobs, ikaw daw ang mag-giging tagapag-mana niya kaya hinahanap ka niya sa ngayon. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi na ako infected ngayon, hindi ko alam kung ano ang ginawa niya pero alam kong may nagawa na siyang gamot. "- dag-dag ko pa. Napa-iling naman si Daryll sa pag-kadismaya.

"Tsk. Tagapag-mana pala huh? "- sarkastikong saad nito bago tumingin sa akin. "Intayin mo ako. Mag-papaalam lang ako kay Maelee."- ani nito at patakbong pumasok sa loob

*******************
Fast Forward..........

Inihinto ko ang aking sasakyan sa tapat nang aking bahay. Kasama ko ngayon si Daryll matapos ko siyang puntahan sa Watercereekmill farm at paki-usapan na sumama upang tulungan akong mahuli si Mr. Jacobs , buti nga't napa-payag ko ito kahit kalaban namin ang kaniyang ama. Buti pa siya at nag-iisip nang tama kaysa doon sa kaniyang Daddy na nabaliw na dahil sa pera.

" Kaminong bahay ito?"- tanong ni Daryll pag-kababang pagka-baba nito sa sasakyan ko mula sa likod.

" Kay Mama. Tara."- pag-aaya ko. Nauna akong mag-lakad sa kaniya at naramdaman ko namang sumusunod siya. Hindi kami dumaan sa front door, bagkus at sa back door, hindi pa alam nila Nicole ang tungkol doon.

Pag-pasok namin sa loob ay sumalubong agad sa amin ang tahimik na living room. Madilim din ang buong lugar at-----

" Jamie, may naiwang sulat galing kay Warren."- saad ni Daryll. Naroon siya sa Front door at may hawak na papel, malamang ay iyon ang note na iniwan ni Warren. Ano naman kayang nang-yari?

Lumapit ako kay Daryll at kinuha ko ang papel. Binalot nang kaba at takot ang sistema ko kahit hindi ko pa nababasa ang sulat. At eto na naman ang instinct ko, nakaramdam na naman ako na mayroon na namang hindi magandang mag-yayari. Pag-tingin ko pa lamang sa sulat ay lukot-lukot ang pag-kakaguhit nang mga letra, halatang minadali.

" Jamie ,


Alam kong babalik ka dito. Sinunod namin lahat nang sinabi mo pero hindi siya sa pintuan dumaan. Aalis na ako sa bahay na ito upang sundan ang kumuha kay Nicole.

I Hope na kasama mo si Daryll at ang iba pa. Hindi ko alam kung saan dinala si Nicole pero pa-diretso ang direksiyon nang kumuha sa kaniya. Hanggang dito na lang at kailangan ko pa silang sundan. Kailangan ko nang tulong nyo, dalian niyo.

- Warren

Sa ibaba nang Note ay naka-sulat ang Date. So, 7 days ago na nang mag-yari ito?!

" Alam ko kung saang lugar maaaring dalhin ni Daddy si Nicole. "- saad ni Daryll na naka-titig nang masama sa Note.

" Tara...." - pag-aaya pa nito at nag-simula nang mag-lakad palabas nang bahay kaya't sumundo lamang ako.

@Ms_Aquaphobia

------

Survivor Where stories live. Discover now