Chapter 39 - Rescuer

314 16 2
                                    


C H A P T E R - 3 9

D A R Y L L D J A E N ' s
P O V

Halos lahat na nang pwedeng pag-lagyan nang susi ay tiningnan ko na ngunit hanggang ngayon ay hindi ko rin ito natatag-puan. Walanghiyang susi naman kasi iyon! Ang alam ko kasi ay ibinigay sa akin iyon ni Jamie bago kami pumunta sa building ni Daddy, ang kaso, sa sobrang excitement ay hindi ko na maalala kung saang ko nga ba nai-lagay. Habang hinahanap ko sa ilalim ay nahulog ang isang note na inilagay ko sa aking bulsa kanina nang mag-punta ako sa building ni Daddy.

Nang madatnan ko kasi si Daddy kanina ay May isinusulat itong note at napa-tayo siya nang makita niya ako, akala niya siguro ay binibisita ko siya. Nang maka-labit ko ang bari ay nilapitan ko ang usinusulat niya and it was a note na para sa akin.

Doon ko nalaman na balak niyang mag-suicide at doon niya isinulat ang formula nang gamot sa Virus ngunit hindi pa ganoong kalakas ang structure na ito at mayroon pang side effects kaya't gusto niyang ako ang mag-patibay nang structure nang virus.

Nilakasan ko ang aking loob. Hindi pa kami pwedeng mamatay dito! Kailangan man lang naming maipasa sa iba at maipaalam na naka-gawa na nang gamot at kailangan nalang pag-tibayin. Kailangan na naming tapusin ang epidemiya at nasa kamay ko ngayong ang sagot kaya't hindi ako papayag na ngayon pa kami masasawi.

Isa balang ang naiisip kong paraan upang maka-ligtas at hindi iyon ay ang pag-sakay dito sa lumang van ni Jamie.

" Wala na tayong magagawa dito. Tara , labas! "- sigaw ko. Tinanggal ko na ang seatbelt na ubod nang sikip at binuksan ang pinto nang mapansin kong hindi pa rin kumikilos ang dawalang nasa likuran ko kayat nilingon ko ang dalawa na busy pala sa pag-yayakapan.

" Tang*na Mamaya na kayo mag-landian, mamamatay tayo dito! "- sigaw ko. Lagi ko nalang ba ipapa-alala na huwag naman sana silang mag-landian kung kailan nanganganib na ang buhay namin?

Mukhang natauhan naman ang dalawa kaya't nag-hiwalay ito mula sa pag-yayakapan at nag-madaling bumaba. Ewan ko ba dito kay Warren, kanina lang ay hinang hina yan tapos ngayon, ayun na, nauna pa sa aking lumabas at naka-takbo na. Napa-iling nalang ako sa naiisip at mabilis na lumabas nang Van. Sumunod ako sa pinuntahan nila Nicole, kung hindi ako nag-kakamali, ang diteksiyong ito ay pabalik na naman doon sa building ni Daddy?

Nilingon ko si Ms. Jhing da likod at as expected, malayo na ang agwat nito sa amin dahil sa hirap na hirap siyang tumakbo. Hindi ko alam kung ano nga bang pumasok sa utak ni Daddy at kinuha niyang taga-luto si Ms. Jhing. Ayon kasi doon sa tauhan ni Daddy na nag-momonitor nang mga trabahador sa building, may mental health record daw itong si Ms. Jhing, ang totoo ay sikreto lang talaga dapat iyon kaso alam nyo na, may pakpak ang balita.

Diretso lang kami sa pag-takbo hanggang narating namin ang dalawang daan. Ang isa ay papunta sa kagubatan at ang isa naman ay papunta sa Building. Huminto naman ang dalawang mag-kasintahan at pina-una ako. Syempre doon ako sa daanang nag-lelead sa kagubatan. Ayoko nang bumalik it doon sa building. Natitiyak ako na sa tagal nang nag-tatrabaho doon ni Ms. Jhing ay nasaulo na niya ang bawat pasikot-sikot doon at baka doon pa kami mapatay. Ayoko , sawa na ko sa mga lugar na pag-aari ni Daddy,

Ngayon ay nasa gitna na kami nang kagubatan. Tahimik at puro kaluskos lang ang naririnig. Ngayon ay hindi lang si Ms. Jhing ang kalaban namin, nandito na rin ang mga infected at mga kakaibang tao na kumuha kay Nicole noon. Nag-pahinga muna kami sa isang tabi. Ako naman ay ang look out. Nag-mamatyag ako sa bawat paligid at baka bigla na namang sumulpot ang baliw na si Ms. Jhing. Sigurado akong pag-nakita niya kami, hindi siya mag-dadalawang-isip na itagpas sa amin ang dala niyang cleaver knife katulad nang ginawa niya kayla Jamie at Marjorie.

Survivor Donde viven las historias. Descúbrelo ahora