Chapter 4

607 93 80
                                    


KRIXTIA NICOLE's POV


Nanging mabilis ang pag-lipas nang bawat minuto at Nang pumatak na ang oras na pinagplanuhan, nag-ayos na ang lahat ng kani-kanilang mga gagamitin. Nag-bihis na rin sila para daw ay makagalaw sila nang maayos.

Kami naman ni Maelee ay walang baong damit kaya't nanatili kaming naka-suot ng uniporme. Samantalang kahit hindi naman lalabas pa si Wency ay nag-palit pa din ito gawa nang hindi daw sya komportable sa una nyang suot.

Ayon sa planong ihinanda ni Wency, sinabi nyang mas mabuti kung aalis kami nang madilim, dahil makakagalaw kami ng maayos kung tulog ang mga taong nandito sa loob. Kaming dalawa ni Ren ang lalabas at mag-susundo sa kapatid ko. Bukod daw kasi sa may tiwala sya kapatid nya, mas mapapadali daw kung may lalaki akong kasama.

Samantalang silang dalawa ni Maelee naman daw ay mananatili sa loob. Nong una, pinapili nya pa ako kung mas gusto kong manatili sa loob at sila nalang mag-kapatid ang bahala sa pag-susundo pero hindi ko iyon sinang-ayunan. Ayoko lang talagang ipagka-tiwala sa ibang tao ang kaligtasan ng kapatid ko.

Ipinaliwanag nya din kung bakit kailangan mayroong maiwan sa loob. Baka daw kung sakaling magising ang mga guro at estudyanteng naririto ay mag-panic sila at dahil hindi maganda ang impresyon nito sa amin ay malamang hindi na kami papasukin pa sa loob. Kung may maiiwan daw ay  balewala kung mag-panic man sila dahil siguradong bubuksan at bubuksan nila ang pintuan.

Sinabi din ni Wency na kailangan namin tutunguin ng tahimik ang building na malapit sa entrance dahil ang gate daw doon ay nakabukas at hindi naisara. Kung matawag daw namin ng pansin ang mga infected na dito palang sa loob ng school, lalapitan din kami ng mga infected galing sa labas dahil matatawag daw ang pansin non.

"Hindi naman ba masyadong OA yung plano natin?" Maelee

"No! Why mo namang nasabi yon?" Nakangusong balik naman ni Wency.

"Eh kasi parang ginagawa mong zombie apocalyose eh hindi naman zombie yang mga iyan."

"Of course not! My point lang naman is Prevention is better than cure kasi no. Wala akong sinabi na this is a Zombie apocalypse!"

"Bakit pa? Eh may gamot naman dyan. Dapat ambulansya tinawagan nila hindi pulis. Mga bopols din yung ibang tumawag eh."

"Psh. If i know wala ka din namang ambag. Ikaw nakaisip tumawag ng ambulance pero hindi mo naman kayang gawin!" Inis na sigaw ni Wency.

"Bakit ko naman gagawin yun?! Eh sila dapat ang gumawa tutal sila naman ang takot na takot!" Balik na sigaw ni Maelee.

Tumikhim naman ako ngunit parang hindi talaga natinag ang dalawa. Siniringan ng tingin ni Wency si Maelee at ganoon din ito sa kanya.

"Mag sisigawan nalang ba kayo dito? Inantay nating makatulog yung mga tao dito pero mukhang gusto nyo ulit gisingin? Kung lakasan nyo pa kaya para siguradong magising sila?"

Napa-yuko naman ang dalawa dahil sa sinabi ko at narinig ko ang munting halakhak ni Ren. "The Lady right here is right."

"Ang akin lang kasi, masyado nang OA. Masyadong nadadala sa mga zombie movie, minsan tuloy sumusobra na. Sakit yan, na kumakalat pero may gamot, hindi zombie. Kung makapag-plano tayo parang world war Z? Tao pa rin yang mga nasa labas na yan, dapat nga maawa pa tayo sa kanila dahil sa kalagayan nila." Inis na sabi ni Maelee.

"Whatever. Pero If talagang ganon ka-effective ang gamot na sinasabi mo, do you think na mag-papakalat kalat sila ng ganyan, that fast?!" Rebat naman ni Wency kaya't bahagya akong napaisip.

Survivor Where stories live. Discover now