Chapter 22

339 24 7
                                    


Warren's POV

Hindi ko alam kung naniniwala ba sila sa akin o ano. Para kasi silang napipilitan lang tumango nang sinabi kong kailangan naming gumawa nang plano para makatakas nang hindi nalalaman ni Ate. Malakas na kasi ang kutob kong alam niya na umiiwas ang lahat dahil nabunyag na nag sikreto niya., at iyon ang ikinatatakot ko.

Naalala ko kanina, nang una ko siyang makita. Nanginginig ako sa takot dahil pakiramdam ko'y hinding-hindi niya ako sasantuhin at wala siyang pakialam kung makapatay siya nang tao. Pero dahil sa nangyari, sa tingin ko naman at kahit papaano'y napaamo ko siya at napaniwala na naniniwala kaming siya ang ate ko, pero hindi iyon nagtagal.

Mabuti nalang talaga na napapayag ko ang mga ito na mag-plano. Hindi lang naman kasi para sa akin iyon kundi para sa kanilang lahat. Hindi man ako makalabas nang buhay dito, atleast mayroong makaka-ligtas isa man sa kanila.

Magsisimula na sana kami nang aming plano nang biglang may sunod-sunod na kumatok sa pinto. Hindi lang ito basta katok, ito'y kalampag. Parang kung sino man ang nasa labas ay gustong sirain ang pintuan o kung di naman ay nangangailangan nang tulong.

Sandali kaming nanahimik. Umihip nang malakas ang malamig na hangin sa buong silid at humampas ito sa aking mukha. Sandaling tumigil ang kalabog ngunit pagkatapos nang isang-minuto ay nag-balik ito ay lalong lumakas ang kalabog na animo'y galit na at handa nang gumawa nang masama. Binalot nang buong takot ang silid. Sino pa nga ba ang naasahan nang lahat na kakatok kung lahat kami ay nandito na maliban nalang sa isa?

Umikot ang mga mata ko sa taong nandirito sa loob nang silid. Marahan silang nagtulak at nagbuhat nang gamit para iharang sa pintuan. Ang iba naman'y gumagawa na nang tali gamit ang kumot. Balak yatang ibaba ito at sa Veranda na kami dadaan palabas.

Tila ba'y naestatwa ako sa pinag-halong kaba at takot na aking nararamdaman. Kaba dahil sa maaaring gawin samin nang isang nilalang na hindi naman namin alam at takot dahil mamimiss ko ang ate ko dahil sa kanya. Takot na kapag niyakap ko siya, madamay lahat sila sa kung anong magagawa niya.

"Uhhmm...,"- kunot nuong ungol ni Ate Giselle. Tila ba'y nag-papanggap na kagigising lang. Habang nililibang niya si ate na nasa kabila nang pinto, nakababa na sina Aaron, Marjorie, Kris at Nathan na ngayon palang bumababa.

Kahit anong pag-lilibang ang gawin ni ate Giselle, tila mas lalong lumalala ang kalagayan nito. Lalo kasing lumalakas ang bawat kalampag. "Wala pa ba kayong balak bumaba?! Bilisan niyo na!"- sigaw ni Nathan na nakakapit na sa lubid, means, pababa na siya.

Tumingin muna ako kay ate Giselle. Tumingin din siya sa akin at tinanguan ako. Gusto niya bang mauna na ko bumaba? Pero pano siya? Unti-unti nang natutuklap ang pinto ngunit wala pa rin siyang pakialam. Nakatingin lang siya sa akin at pilit akong iginagaya sa veranda gamit ang kaniyang mga mata. Pero hindi ako ganon ka-selfish para iwan ang pinsan ko. Pag katapos nang mga giawa niya, hindi ko mapapalitan ang ginawa niya bilang isang pinsan at bilang isang ate.

Lumapit ako sa kanya. Aabot pa kaya ako? Malapit nang mabuksan ang pintuan dahil kanina pa iyon kinakalmot ni Ate Wency. Hindi ako makapaniwalang ganon na lang siya kalakas; bagay na ikinatatakot ko.

"Ako na diyan, ate Giselle..."- wika ko. Nagulat siya sa aking sinabi at sinamaan ako nang tingin. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Ni hindi ko siya nakikitaan nang mga bakas nang takot kahit anumang minuto ay pwede nang may mangyaring masama sa kanya, dahil sa pagharang niya kay ate Wency na makapasok.

"Ano bang sinasabi mo?!"- Nag-hehesterikal niyang sigaw. Mag-sasalita na ulit sana ako ngunit hindi natuloy dahil nakarinig kami nang malalakas na kalmot. Nabutas na rin ang maliit na piraso nang pinto kayat lumusot doon ang daliri ni Ate Wency. Punong-puno ito nang maliliit na hibla nang dos-pordos at umaapaw ang dugo. Halatang gustong-gusto niyang makapasok at hindi niya na alintana ang sakit nang kanyang kamay na dulot nang kaniyang pag-kalmot sa kahoy na pinto. Ngunit sa kabila nang nangyari ay hindi pa rin ito nagsasalita. Ni umungol man lang. Patuloy lang siya sa pag-kalmot.

"Warren....., baba ka na."- madafama ang awroridad sa boses ni Ate Giselle.

"Pero ate---"

"SUNDUN MO NALANG AKO!"

Medyo nagulantang ang buong sistema ko sa kanyang sigaw. Galit na talaga siya. Nag-madali akong bumaba nang Veranda ngunit hindi pa man ako nakakababa ay nakita mismo nang dalawang mata ko ang kabuuang pag-kasira nang pinto.

Pumasok doon ang kakaibang Wency at diretsong tumingin sa veranda, kung saan ako naroroon, nag-mamadali siyang lumapit ngunit huli na. Hinarang siya ni ate Giselle may tila humila sa kumot na kinakapitan ko kaya't hindi ko nalaman ang sumunod na nangyari.

"Anong nangyari?"- Bungad ni Kris. "Nasan si Giselle?"- dugtong pa niya.

Sisigawan ko sana siya ngunit hindi iyon natuloy dahil sa sinabi ni Nathan.

"Kung hindi ko ginawa yon, mababalewala ang sinakripisyo ni Giselle para sayo."- Nathan, at duon ko natitang hawak niya ang kumot na kulay asul.

"Mag-tiwala ka sa kanya. Kaya nya iyon."- Nathan sabay tapik sa aking balikat. Ano naman yon? Pampa-lubag loob?

"Tara na! Hindi maganda kung mananatili pabtayo dito sa ganitong sitwasyon."- Ani Aaron.

Sinundan namin siya papunta sa highway. Wala naman kaming nasalubong na Zombie pero may isang kakaibang humarang sa aming dadaanan.

"Ano yan? Tao ba iyan?"- Marjorie

"Siguro...."- Kris

Madilim ang buong lugar, tanging streetlights lang ang ilaw, pero sa kabilang banda, nag-tataka ako kung bakit nag-karoon nang ilaw sa lugar kung saan bihira nal lamang ang buhay na may tamang pag-iisip.

Nakahinto kami dahil sa kuryosidad sa taong nasa malayo. Tila ito aninong nag-sasayaw nang atras-abante, na halos mistulang lasing. Hindi ako sigurado kung ito ba ay papalapit sa amin dahil gumagalaw siya sa mabagal na paraan. Para nga siyang lasing pero mahirap manigurado.

Unti-unti, tila bumibilis ang paggalaw nito at doon lang namin na -realize na sa amin nga ang direksiyong pupuntahan nito.

Survivor Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt