Chapter 38 - If It is the End

310 17 0
                                    



C H A P T E R - 3 8

W A R R E N D A V E ' s
P O V

Nagising ako dahil sa mga sunod-sunod na kalampag na naririnig ko mula sa baba at sa boses ni Nicole at ni Daryll na nag-uusap. Sinubukan kong gumalaw pero tila namanhind ang katawan ko. Gusto ko rin mag-salita pero hindi ako ganoon kalakas upang ibuka ang aking bibig.

Kahit hinang-hina ay pinilit ko pa ring gunalaw. Sumasakit ang buong katawan ko at dahil sa sakit na nararamdaman ko ay muling nag-balik sa akin ang mga huling nang-yari bago pa ako mawalan nang malay.

Dahan-dahan akong bumangon at nakita ko ang takot na mukha ni Nicole na nasa tapat ko lang. Napansin ko din ang namumutlang mukha ni Daryll at ang maingay at paulit-ulit na kalabog sa baba.

Kahit masakit ang buong katawan ko ay nakaya ko pa rin namang tumayo. Hindi ko na alam ang mga nang-yayarinsa kadahilanang naratay ako sa matagal na panahon, o ni hindi ko nga alam kung kailan pa ako tulog.

Pinilit kong mag-lakad. Sobrang Masakit talaga nong una pero nakakasanayan na din ang sakit sa bawat hakbang. Nakalapit ako sa kanila nang hindi nila namamalayan. Naririnig ko pa ang pag-uusap nila tungkol sa baliw na si Ms. Jhing at habang papalapit ako nang papalapit ay papalakas na din nang papalakas ang kalabog nang pintuan sa baba na animo'y gusto nitong sirain ang pintuan nang bahay.

" A-anong nang-yayari? "- pag-sabat ko sa kanilang pag-uusap. Lumingon naman si Nicole na halatang halata ang takot sa mga mata ngunit napa-litan din nang pagka-gulat nang makita niya akong nakaka-tayo na.

Tumayo ito at dahan-dahang lumakad papalapit sa akin. Nang maka-lapit na siya ay inalalayan niya ako upang i-upo sa sofa kung saan naman naroroon si Daryll na naka-ngiti sa akin. Pero kahit naka-ngiti si Daryll, mababakas mo pa rin ang takot sa kaniyang mukha at ang pag-takas nang dugo sa kaniyang katawan / pamumutla.

" Anong meron kay Ms. Jhing? "- tanong ko kahit mayroon na akong hint sa mga nang-yayari. Gusto ko lang na maka-sigurado

Nag-palitan muna nang tingin ang dalawa bago nag-simulang mag-salita si Daryll. "Nawalan ka nang malay kanina kaya mas minabuti naming unahin kang dalhin dito, samantalang ay nag-paiwan naman sina Jamie at Marjorie para harangin at kunin ang atensiyon ni Ms. Jhing. " - saad nito.

Bumuntong hininga naman si Nicole. "Ang kaso, kani-kanina lang, habang natutulog kayong dalawa ni Daryll ay may narinig akong kuskos. Sinilip ko nang kaunti sa Veranda kung ano iyon at mayroon lang palang konting infected, pero nong aalis na sana ako ay may nahagip ang mata kong kumikinang mula sa malayo. Nong una, hindi ko pa maaninag ang mukha niya pero hindi katagalan, habang papalapit siya nang papalapit, unti-unti kong naaninag ang kaniyang postura, and it was Auntie Jhing, holding his Cleaver knife. Itinagpas niya iyon sa mga infected na gumagawa nang kaluskos kaya naging payapa ulit at tahimik. Pero i think alam niyang may tao sa bahay na ito, lalo na't ito nga pala ang pinaka-malapit na bahay mula doon sa building ni Mr. Jacobs kaya dito siya pumunta. "- saad naman ni Nicole.

Kung ganoon, maaaring wala na pala sina Jamie at Marjorie? Delikado nga kami ngayon.
" Ano nang plano niyo? "- tanong ko sa kanila. Kanina pa kasi sila nag-uusap kaya malamang ay may naisip na sila.

" Ayun nga, wala nang ibang pwedeng daanan kundi ang Veranda. "- saad ni Nicole.

Bigla namang napa-tayo si Daryll sa narinig. "Backdoor! "- sigaw nito. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Daryll. Naka-alalay naman si Nicole mula sa aking likuran.

Mabilis naming tinungo ang hagdan at bumaba. Halos mapilayan naman ako sa lakas nang hila ni Daryll sa akin ngunit tila nalimutan ko lahat nang sakit nang makita ko ang front door nang bahay. Malaki na ang sira nito at nakikita na namin ang naka-ngiting si Ms. Jhing mula sa labas. Nang makita niya kami ay lalo niyang binilisan ang pag-sira sa pintuan nang bahay gamit ang Cleaver Knife niya.

Wala namang pinalampas na minuto sila Daryll at patuloy lang kaming lumalakad nang mabilis na parang walang nakita. Lumiko kami sa kusina, kung nasaan ang backdoor. Dito nga pala ako dumaan nong umalis ako at hinanap ko si Nicole. Sana naman ay hindi ito alam ni Ms. Jhing.

Nag-echo sa buong bahay ang halakhak ni Ni Ms. Jhing at ang kasunod non ay isang malakas na lagabog, senyales na nasira na ang pinto. Buti na lamang ay agad kaming naka-labas nang backdoor at agad naman iyong isinara ni Nicole.

" Saan na tayo pupunta ngayon? "- tanong ko. Para kasi silang wala sa sarili.

" Yung Van! "- Biglang sigaw ni Daryll. Muli ay hinila niya ako papunta sa gate at mula sa gate ay matatanaw ang bukas na front door nang pinto nang bahay. Tsk. Sana naman ay hindi kami mapansin ni Ms. Jhing dito. Delikado.

Ilang metro pa ang layo nang Van kaya't medyo may kalayuan pa ang lalakarin namin. Hindi na maalala na masakit ang katawan ko nang dahil sa mga pang-yayari.

" Krixtia ?! "

Sabay-sabay kaming lumingon sa boses na narinig namin mula sa likod. Medyo may kalayuan na ang aming nalakad ngunit nakikita pa rin namin ang front door, at doon nakatayo ang isang matabang babae. Hindi na kita ang mukha nito dahil sa against the light ngunit ang boses nita ay nakapag-bibigay nang matinding kilabot sa amin.

Agad naman kaming tumakbo papunta sa van nang makita naming nag-madali si Ms. Jhing na lumakad papunta sa aming direksiyon. Nang makasakay na kami sa Van ay nawala pa ang susi nito kaya't hinanap na namin. Si Ms. Jhing naman ay unti-uti nang papalapit at lalong bumilis ang kaniyang pag-lalakad. Sa katawan niya kasi ay halos hindi na nitng kayang tumakbo kaya't lakad lang ang nagagawa niya.

" Wala dito yung susi! "- sigaw ni Daryll pero pinilit niya pa ring hanapin ito.

Si Nicole naman ay katabi ko at naka-tingin lang ito sa papalapit na si Ms. Jhing, tila malalim ang iniisip. Wala akong nagawa kundi yakapin siya nang mahigpit.

" Mahal kita...."- bulong ko sa kaniya. Kung ito man ang huling samdali na makakasama ko siya sa mga nalalabing oras namin, atleast nasabi ko at wala akong pag-sisisihan don.

Nilingon niya ako kaya medyo napaatras ako at nawala sa pag-kakayakap sa kaniya. Tinitigan niya ako sa aking mata at ngumiti. Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit at may ibinulong siyang hindi ko makakalimutan.


" Salamat. Mahal din kita..."


@Ms_Aquaphobia

-----

Survivor Where stories live. Discover now