Chapter 15

441 41 33
                                    

Dedicated to:
jirocalatin

Nicole's POV

"J-jamie...."

Nasa isang sulok kasi sya at nanginginig. Medyo namumutla pa sya.

"J-jamie... ayos ka lang..?"- nag aalangang tanong ko.

Narinig ko pang kumalabog ang pinto pero hindi ko iyon pinansin. Naka-tuon lang ang atensyon ko kay Jamie. Nanginginig rin kasi sya at hindi ko alam kung nilalamig ba sya o ano.

Sa buong 10 years na magkasama kami, ngayon ko lang sya nakitang nagka-ganyan. She's my friend since nagkasisip ako. Yet, she's the strongest among the three of us. First, Julie. Medyo maarte pero mabait. Then ako, tama lang sa pagka-maarte pero si Jamie, sya ang naging arms naming magkakaibigan. Sya ang pinaka-matalino samin. Sya rin ang pinaka-matapang.

Kahit kailan, hindi ko sya nakitang umiyak. Hindi ko sya nakitang manghina sa lahat nang sitwasyon kahit sabihin pang masama ang pakiramdam nya. This is the first time.

"Anong nangyari sayo?!"- Maelee

Nakatingin lang sa malayo si Jamie habang nanginginig. Sh*t ano bang nangyayari sa kanya? Parang hindi nya kami napapnsin at parang wala rin syang nadidinig.

"Jamie?"- pagtawag ni Maelee. Unti-unti nyang nilapitan si Jamie sa tabi nang kama. Sumunod din ako kay Maelee.

"N-nilalamig ak-ako.."- bulong ni Jamie dahilan para mag-tinginan kami ni Maelee. Tumango si Maelee sakin, ibig sabihin, ako ang kukuha nang kape sa kusina.

Dali-dali akong bumaba at patakbong pumunta sa kusina nang makasalubong ko si Daryll na hinihingal. Humawak sya sa magkabilang balikat ko habang binabawi ang hininga nya. Para kasing may gusto syang sabihin pero hindi nya lang masabi.

Pinag-masdan ko sya mula ulo hanggang paa. Para syang hinabol nang sampung bakla sa itsura nya. Puro putik din ang mga sapatos nya at basang basa sya. Ngayon ko lang tuloy na realize na malakas na ang ulan sa labas.

"Anong nangyari?"- tanong ko.

Sa itsura nya kasi, mukhang ang sasabihin nya sakin ay masamang balita. Kinakabahan ako.

"Yung mga zombie.... kada-buwan, na-iimmune sila at nagiging malago ang senses nila kaysa sa tao..."- Daryll

Natigilan ako. Sa sitwasyon ngayon, mas lalong kailangan na naming maka-alis sa lugar na ito. Pero tungkol kay Jamie, parang impossibleng maka-alis kami ngayon.

"Bakit? Saan ka ba galing?"- tanong ko.

Nagbikit balikat sya. "Nanigarilyo lang."- saad nya bago inilagay ang dalawang kamay sa batok nya na parang nag-rerelax at naglakad papunta sa Sofa at doon humiga.

Maglalakad na sana ako papunta sa kusina nang magtanong sya. "So, ano nang gagawin natin?"- tanong nya.

Bakit nya naman sakin tatanungin yon, eh hindi ko nga alam kung anong gagawin ko.

"Hindi ko rin alam."- sagot ko bago tuluyang pumasok sa kusina at dali-daling nagtimpla nang kape.

Hayys. Nasaan na kaya sila Wency at Giselle? Bumuntong hininga ako bago lumabas nang kusina dala ang isang mug na puno nang kape.

"AYYY L*CHE!!!"

Halos matapon lahat yung kapeng hawak ko nang biglang sumulpot si Daryll sa pintuan nang kusina. Tss. Hindi man lang marunong kumatok!

Survivor Where stories live. Discover now