Chapter 31 - Villain

311 19 14
                                    


C H A P T E R - 3 1

W A R R E N D A V E ' s
P O V

Isina-ayos ko lahat nang mga kagamitan ni Nicole. Halos dalawang oras na kaming nag-aakyat baba upang maiakyat ang mga gamit na pwedeng pakinabangan at gamitin sa kanyang eksperimento. Syempre, pag-dating sa mga mabibigat na bagay kagaya nang lamesa, ako ang nag-bubuhat.

Inilagay namin ang mga nakuhang gamit sa center room, ang natatanging kwarto na may-roong veranda. Dito kasi ang pinaka-preskong parte nang buong bahay at dito niya piniling buuin ang labolatoryong matagal niya nang gustong gawin.

Marahil ay ito ang mag-giging silid niya habang gumagawa siya nang mga gamot. Sa palagay ko ay masyadong delikado sa lugar na ito para sa kaniya kung ito nga ang kaniyang mag-giging silid, pero sa lagay niya ngayon ay hindi ko siya kayang pigilan.

Naka-rinig ako nang mga yabag na unti-unting papalapit dito sa silid na kinaroroonan ko. Luminga ako sa pintuan at nakita ko si Nicole na may dalang test tubes. Saan niya naman kaya nakiha ang mga iyon?

Well, actually, i can't remember na may dala kaming test tubes and cylinder bago kami pumasok sa bahay na ito.

" Wala na akong kailangan pa sa kusina. Ayos na itong mga gamit na nandito para makapag-simula."- saad niya habang lumalakad papalapit, as always, she's wearing her favorite expression. Poker face. Nang maka-lapit na siya ay inilapag niya ang lahat nang kaniyang dalang Test tubes at mga cylinder. Gusto ko sanang itanong sa kaniya kung saan niya nakuha ang mga dala niyang cylinder ngunit parang wala siya sa itsurang sumagot--- wala siya sa mood.

Isina-ayos namin lahat nang gamit upang maging mukha itong Labolatory. Mula sa postura nang lamesa hanggang sa mga pag-babalanse nang test-tubes. Inabot kami nang halos isang oras. Pag-katapis nun, ay bumababa kami at kumain. Wala namang pwedeng lutuin doon kundi ang mga cannedfoods lang. Ang totoo nga ay nag-sasawa na din ako sa cannedfoods pero wala eh, kaysa mamatay ako sa gutom, mas pipiliin ko nalang maumay.

" Mahanap naman kaya ni Jamie si Daryll? "- Tanong ko. Masyado kasing tahimik. Hindi ko na kinaya.

" Malamang oo. Sinabi ko kay Jamie na papunta sila Maelee at Daryll sa Watercreekmill Farm. Doon daw ang farm nila Daryll at iyon ay ginawang evacuation center. Doon dapat kami manunuluyan kaya lang, Nang nasa way to Watercreekmill farm na kami, Na-stuck yata yung gulong nang Van kaya bumaba ako. Them may humawak sa paa ko. Diba na-kwento ko na sa iyo yon?"- Tanong niya

Oo nga pala. Iyon nga pala ang kinwento niya sakin noong nag-kita kami sa kagubatan. Pero hindi niya kinwento ang tungkol kay Jamie noon. Hayys. Bahala na nga. Basta ang alam ko ay naging infected lang si Jamie. Period.

Nang matapos na kaming kumain at isa-isa na naming inaayos ang pinag-kainan, Nag-ring naman ang doorbell kaya't pareho kaming napatingin sa isa't isa. Ito ba ang binilin ni Jamie kanina nang umalis siya? Na wag mag-bubukas nang pinto kahit kanino o kahit sinoman ang kumatok?

"Bubuksan ko ba?"- tanong ko sa kanya. Pero hindi eh, alanganin. Mamaya ito yung humahabol sa amin, delikado masyado.

"Wag. Hayaan mo siya."- sagot naman niya. Napahinga ako nang malalim. Nakaka-intriga namam kung sino yung kumakatok. Minsan pa naman, ang hirap labanan nang curiosity.

Walang silbi kung sa bintana ko sisipatin ang kung sinumang kumakatok dahil hindi naman transparent ang glass nang mga bintana sa bahay na ito. At bukod doon, naka-lock lahat. Pati sa taas ay naka-lock ang bintana. Ang weirdo nang may-ari.

Sino ba kasing may-ari nang bahay ang gustong tinted ang bintana nang bahay niya? Ang gara tuloy tingnan, at ang init pa nang aura nang bahay.

Tanging ang Veranda lang talaga ------ Yung Veranda nga pala!?

Sa Veranda lang pala tagusang nakakapasok ang hangin mula sa labas at iyon lang din ang pinaka-open area nang bahay na ito. Iyon din ang pinaka-madaling pasukin mula sa labas kaya dapat ay agad akong maka-rating doon.

Nang maligpit na namin ang aming pinag-kainan, nag-mamadali akong tumayo.

" Akyat lang muna ako sa taas ha?"- Pag-papaalam ko ay Nicole.
Tinitigan niya naman ako gamit ang cold niyang mga mata.

"Sige. Pag-katapos mong hugasan ang plato."- sagot naman nito. Nawala lahat nang saya at excitement na nararamdaman ko sa kaniyang isinagot. Ackk!! Wala rin naman kung tatanggi ako kasi baka magalit pa ito, at ayoko namang magyari iyon.

Agad akong nag-hugas nang plato. Kainis naman. Hanggang mgayon ay hindi pa rin tumitigil ang pag-ring ng doorbell. Marahil ay hanggang ngayon ay kaslukuyan pa ring nag-higitay ang kung sinumang nilalang na iyon.

Napansin ko rin na bigla nalang nawala si Nicole. Baka naman ay umakyat na nang Veranda? Nandoon kasi ang mga gamit niya pang-eksperimento. Huwag naman niya sanang silipin ang kung sinumang nag-dodoor bell at baka umalis. Sayang kung hindi ko makikita. Baka isang infected din iyon.

Umabot siguro nang mga sampung minuto ang pag-dodoor bell bago ito tuluyang nawala. Sakto namang nag-pupunas nalang ako nang plato. Lalo kong binilisan ang aking bawat kilos.

Sayang! Baka hindi ko maabutan!
Well, na miss ko lang makakita nang infected. This past few days kasi, noong kasalukuyan pa kaming nasa labas, wala na kaming nakikitang infected. Palaging mga nilalang lang na weirdo at masyadong wild. Hindi ko nga alam kung ano nang nang-yayari pero may tiwala ako kay Nicole. She can do it.

Matapos kong punasan ang mga hinugasan kong plato, agad akong tumakbo paakyat at tinungo ang kwarto ni Nicole, kung saan naroroon ang kaniyang Labolatory at ang Veranda, mga limang minuto na ang nakaka-lipas matapos mawala ang tunong nang door bell.

Nang maka-rating na ako sa kwarto, agad ko iyong binuksan ngunit walang tao. Hoo! Baka naman nasa CR lang si Nicole, right? Tumakbo ako patungo sa Veranda at doon ko nakita ang isang lalaki na nag-lalakad papalayo. Muntik ko na nga siyang hindi makita dahil sa sobrang layo, mabuti na lamang at walang masyadong puno sa parte na ito.

May buhat ito sa kaniyang balikat at hindi ako pwedeng mag-kamali dahil kilalang-kilala ko ang damit nang buhat niyang babae.

" Nicole......."


Author's NOTE:

So hi!, mga baybe, 9 - chapters to go nalang~~ ready na nga ang Epilouge eh, Tinatamad lang talaga akong mag-update, pasensya na. Pero ito na talaga, i promise na before this month of april ends, Completed na ang story na ito. Maraming Salamaat 🖤

Ingat din kayo sa NcoV and Godbless 🖤

@Ms_Aquaphobia

--

Survivor Where stories live. Discover now