Chapter 27

325 19 10
                                    



Nicole's POV


"Warren? Huy? "

Medyo na we-weirdohan na ko dito kay Warren. Baka naman hindi si Warren to? Hindi naman siguro. Hayyysst. Hindi pa ko nasanay. Weirdo nga pala yung Warren na naka-sama ko dati nong una palang kaming mag-kita at nung mag-kakasama kami nila Daryll sa bahay nila. -___-. He's acting wierd, and its creepin' me out.

"Warren? Duh? Naririnig mo ba ko?" - dapat na ba ko matakot sa ikinikilos ni Warren? Epekto ba to nang trauma o sadyang nananansing lang to? Hayyyst. Parang hindi nya naman ako naririnig eh. Kanina ko pa napapansin ang kanyang mga kilos. Simula nong narinig ko yung umungol, nag-iba na rin ang mga act ni Warren.

Hmm, baka naman ... n-nabaliw na si Warren? No! Hindi pwede. Ayoko mag-karoon nang kasamang baliw 😭. Pero pwede din namang hindi, kasi hindi naman siya ganito kagabi? O hindi kaya........................KYAAAAAAHHHH!!! Baka kasama si Warren dun sa parang kulto na nakakatakot na may kakaibang ngiti na parang sa Wrong Turn.!! Wag naman sana....

"What are you thinking?"- napa-atras ako nang bigla syang mag-salita, dahilan para mapa-bitiw sya sa pag-kakayakap sa akin at tumitig lamang, waiting for me to answer his fvcking question. Wew.

Napa-iwas ako nang tingin. "W-wala. Hehe.. may iniisip ba ko?"- tanging nasagot ko, dahil walang pumapasok sa isip ko na pwedeng isagot sa kanyang katanungan. Luminga ako upang sana'y mag-isip nang pwedeng i-topic nang may mapansin akong isang pamilyar na pigura nang babae na ilang metro ang layo at ito'y naka-talikod mula sa direksyon na kinaroroonan namin.

No! This can't be!

"Hey? Nicole? What's Bothering you? "- Warren. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong braso, samantalang, hindi ko ma-ialis ang tingin ko sa pamilyar na pigura nang babae, napansin yata iyon ni Warren kaya't napalingon din siya sa Direksiyon na tinitingnan ko.

"Kilala mo yon? "- tanong ni Warren. "Tara, lapitan natin. Baka isa rin siya sa mga survivor..."- dagdag pa niya bago ako tinangkang hilahin papunta sana sa kinaroroonan nang babae pero hindi ako nag-patinag. Ni hindi gumagalaw ang babae mula sa malayo.

Nanginig ang buong sistema ko nang unti-unting gumalaw ang ulo nito, hinding hindi ako pwedeng mag-kamali! Isang katerbang trauma ang idinulot sa akin nang nilalang na iyan at siya rin ang dahilan kung bakit ako napa-hiwalay sa aking mga kaibigan at sa aking kapatid.

"T-tara! Takbo na!"

Hindi pa man tuluyang nakakaharap sa akin ang pamilyar na babae ay hinila ko na papalayo si Warren patungo sa gubat. Wala na kong maisip na pag-tataguan namin sa ganitong sitwasyon kaya't pakiramdam ko ay magiging ligtas kami sa loob nang kagubatan.

Patuloy lang kaming tumatakbo ni Warren, iniiwasang makasalubong ang babaemg humabol sa akin kahapon. Oo. Siya yon. Ang babaeng yon ang dahilan kung bakit nagka-hiwahiwalay kami nila Maelee. Muntik na kong mamatay sa kaba dahil sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung saan ako mag-tatago non kaya pumasok ako sa loob nang kagubatan. Swerte namang hindi niya ko nahanap kaya't buhay pa ko ngayon, pero baka wala na rin kami mamaya kapag nakita nya pa kami Ni Warren.

"Wait?! Bakit ba tayo natakbo!?"- tanong ni Warren. Hindi ako masyadong sigurado nang narinig ang boses nya pero malinaw iyon sa aking tainga.

" Can you fvcking stop asking me?! Just Run!"- I shouted while holding his wrist.

After that, He didn't bother to ask a question. Good. Ayos na sana pero gaya nang nakikita at napapanood niyo sa mga pelikula, kung kailan pa nanganganib ang buhay nang mga gumaganap, saka pa sila nagiging lampa.

"Warren, dalian mo! Tumayo ka riyan!"- pag-chi-cheer ko sa kanya habang inaalalayan siya. Tss. Such a lame.
"T-teka... na-sprain yata..., sh*t! Hindi ko maigalaw."- Aniya. At ayun nga, hindi na siya gumalaw. Naka-tulala nalang siya at pinapakiramdaman ang kanyang paang na-pulikat ata.

Juskoooo naman Warren!!! Sa dami nang pag-kakataon, bakit ngayon ka pa naganyan!!! Lumuhod ako Pinisil ko ang paa niyang na-pulikat. Napa-sigaw siya. Alam kong masakit iyon pero walang ibang paraan para maibsan anh isang kirot kapag hindi ginamitan nang isa pang kirot. Ang gulo no? Parang kayo.

Medyo gumalaw-galaw naman ang kaniyang paa na na-pulikat at kaya't inalalayan ko siya at pinilit syang itayo. Nang lubusan na syang naka-tayo, medyo iika-ika pa siyang mag-lakad. Inilibot ko ang tingin ko sa mga punong naka-paligid sa amin. Sa hindi inaasahang pang-yayari, biglang lumakas ang kaba sa aking dibdib nang maka-rinig ako nang isang matinis na tinig nang isang babae.

Napansin ko sa pheripheral vission ko na luminga-linga si Warren. Pero hindi ko siya pinag-tuunan nang pansin. Well, alam kong narinig nya naman yon dahil malakas ang pag-tawa nang boses. Ang akin lang, mas lalo akong natatakot dahil sa hindi ko siya nakikita. Oo't aware ako na nandiyan siya pero hindi ako panatag dahil hindi ko alam kung saan siya aatake. Hindi ako ang klase nang taong malakas ang pakiramdam o instinct pero sa tuwing nakakaramdam ako nang kakaibang kaba, laging tama ang nagiging hinala ko sa mga nang-yayari. At ang hinala ko ngayon ay bigla na lamang siyang lalabas kung saan man at tiyak akong gugulatin niya kami.

Hindi rin ako ang klase nang taong malakas at aktibo ang pandinig. Hindi ko na-identify kung saan nanggagaling ang tunog dahil nag-eecho ito sa kulob na kagubatan.
Wala akong kayang gawin kundi ang mag-masid lang.

Naramdaman kong hinawakan nang mahigpit ni Warren ang kamay ko. Hinayaan ko lang iyon na gawin niya.

"Tara na..."- aniya

Hindi ako sumagot ni gumalaw. Pilit ko pa ring pinapakiramdaman ang nilalang na sa pag-kakaalam ko ay kanina pa kami binabantayan. Umatras ako. I need to protect someone. I need to protect Warren. I don't know why, it's just------

"Ahihihihihih."

Tumayo ang lahat nang balahibo ko sa batok nang marinig ko ang isang boses nang babae na humagikgik. Naramdaman ko naman ang yakap ni Warren mula sa likuran ko kaya't kahit papaano'y nabawasan ang kabang nararamdaman ng aking katawan.

"Shh.. i'm here."- aniya sa akin bago lalong hinigpitan ang kaniyang yakap at pinisil ang kamay ko. Hinawakan nya yung kamay ko, remember?

Parehas naming hindi alam ang pinang-gagalingan nang hagikhik at wala na akong balak alamin pa iyon. Ang tanging pumapasok lamang sa isipan ko ay ang maka-ligtas si Warren. Wala akong pakialam kung mamatay pa ko dito.

Halos kumawala ang puso ko sa aking dibdib nang may biglang sumulpot na nilalang sa aming harapan mula sa kung saan.At hinding hindi ako pwedeng mag-kamali.


" J-Jaime?!"



*******************

Omygawd, buhay si Jamie?! Hahaha, well. Pasensya na kayo sa takbo nang story na to, sa kadahilanang ako ay isang pantser at isa pang dahilan ay may trabaho ako. Yes. Working student. Pero sa bahay syempre, Lockdown kami eh. Isa po akong Encoder hehez, skl.

BTW, this is an update for today, enjoy! ~~~~

Survivor Where stories live. Discover now