Chapter 9 (UNDER EDITING)

491 74 36
                                    


Nicole's POV

Yakkkkk!

Agad akong tumalikod upang hindi masuka. WTH!

Amoy pa lang wala na. Nakakamatay na.

Hindi Ako nag iinarte pero--- Kadiri!!!

MAY NAAAGNAS NA KARNE! AT HINDI KO ALAM KUNG ANONG KLASENG KARNE.!! MAY MGA BACTERIA AT KUNG ANU-ANONG MALILIIT NA GUMAGALAW.

Sanay naman akong humawak nang mga ganung naaagnas na. Science nga favorite ko diba? Pero Yung amoy lang talaga!

Hindi kasi sya mukhang pangkaraniwang karne nang manok o baboy o baka o kung ano man.

Sinara ko agad yung pinto na maliit. Sheeezzz! Di ko tuloy alam kung makakakain pa ko sa nakita ko eh -____-

Kinikilabutan ma'y pinilit ko paring gumalaw at magluto. Pilit kong isinasantabi ang kaba at takot ko.

Pigil hininga akong nagtungo sa ref na malapit sa pinto na kinaroroonan nang hindi ko matukoy na bagay.

Nang matapos na kong magluto, nagtungo na ko sa sala kung nasaan si Warren.

Nilapitan ko sya. Tulog.

Hindi naman ako yung gaya nang ibang tao na tumititig sa natutulog ---- in short, hindi ako pumapantasya sa taong natutulog.

Tatalikod na sana ako nang Umungol sya at gumalaw nang konti.

Luminga-linga muna ako. Ano naman kung tititig ako diba? One time lang naman eh hahah. Saka hindi naman yun masama.

Tinitigan ko sya sa. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala sya? Di ko kasi pinapansin itsura nya eh saka wala pa kong pakialam sa kanya noon.

BTW, wala pa rin naman akong pakialam sa kanya hanggang ngayon.

Huminga ako nang malalim bago sya tinalikuran at naglakad papunta sa kabilang upuan.

Sumandal ako at nag isip.

Parang kahapon lang kasama ko pa yung kapatid ko. Hayysss .... mas namimiss ko yung kapatid ko kesa kayla Mom eh. Kasi kahit kaming dalawa lang nang kapatid ko at kahit walang nagtuturo sa kanya, iginagalang nya ko. Sinusunod nya ko. Inaalagaan namin ang isa't isa. Hindi katulad nang mga magulang namin na puro pagpapayaman ang alam. Wala namang nangyayari.

Namalayan ko na tumutulo nang luha sa pisngi ko kaya tumingala ako at pinahid ko iyon bago pumikit.

Itutulog ko lang to.....




Hindi pa man ako nakakaidlip, narinig kong bumukas yung pinto kaya napabalikwas ako nang tayo.

> ___ > sino sya???

May lalaking pumasok at nakatingin sya sakin, tapos lilipat yung tingin nya kay Warren na natutulog, tapos sakin ulit.

"Sino kayo?"- Medyo gulat na tanong nya at di sya kumikilos ni gumalaw man.

'At sino ka rin??'- gusto ko sanang itanong

Tinuro ko si Warren na natutulog.

"Sya yung may-ari nang bahay na to."- Sabi ko ba diretsong nakatingin sa kanya.

"Eh ikaw? Sino ka?"- Maangas na tanong ko.

Medyo nagulat ulit sya.

"Ahh---dito ako tumutuloy nang wala pang tao dito. Paensya na.A-Ako nalang yung natira sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya dito ako napadpad. W-wag kayong mag-alala ,... papalitan ko yung mga pagkaing kinuha ko." - sya

Tumungo sya at medyo nahihiyang lumapit para iabot ang mga prutas na mukhang pinaghirapan nyang kunin dahil sa dumi nang damit nya.

Ngumiti naman ako sa kanya at kinuha iyon.

"Ayos lang. As long as hindi tayo magkalaban. Tayo-tayo nalang ang magtutulungan. Mag dadamutan pa ba tayo?"- Saad ko at hinatian sya sa dalandan na binigay nya sakin.

Tumingala naman sya at mgumiti bago kinuha yung kalahati nang dalandan na iniabot ko.

"Salamat."- Ngiting sambit nya

Ngiti lang din ang iginanti ko.

"Ahmm, Daryll..."- Sya at iniabot ang kamay nya

"Nicole." -Kinuha ko naman ang kamay nya at ni-shrug .

" kailan nga pala kayo nakarating dito?"- Daryll

"Ahh Kanina lang. eh ikaw? Kailan ka pa dito?"- Tanong ko

Curious ako ehh . Ba't ba?

"Ahh.., 1 week na rin."- Sya

"Eh saan ka galing kanina?"- Ako

"Sa Lab. gumawa ako nang Lab para pag-aralan yung gamot. .... na wala pa ring resulta hanggang ngayon."- Sya

Gumawa sya nang Lab? Para Malaman kung anong gamit ang kokotra sa Virus?

So..... kalaban pala kita?

Hayys. Wala nang oras para mag-laban. Bahala na! Tutal kasalanan naman namin kaya nangyari to ehh.

"Nasan yung Lab?"- Ako

Nagulat sya pero nahimasmasan din naman agad.

"Sumunod ka."

Naglakad na sya palabas. Ginising ko si Warren at sinabihang sumama sya. Di naman sya umangal pero halata sa mukha nya ang pagtataka.

Nang makarating na kami sa Lab na sinasabi ni Daryll, pinakilala ko muna sila sa isa't isa.

Tiningnan ko lahat nang gamit sa lab. Hmm...

Hindi ito sapat para mahanapan nang gamot yung Virus.

Pinaghalo-halo ko lahat nang Chemical at umusok ang mixture non pagkatapos ay naging kulay rosas ang Likido.

"Ano yan?"- Manghang tanong ni Daryll

"Gamot ito. Para kahit hindi ka kumain nang isang buwan, hindi ka magugutom at mauuhaw"- pagpapaliwanag ko

"Pano ka natuto sa mga ganyan?"- Warren

I sigh. Kailan ba nila ako titigilan kakatanong?

"Bata pa lang ako, Mga siguro 7-8 yata yun? Marunong na ko gumawa nang mga mixture para sa gamot at kung ano-ano pa. kaya ngayon, napapakinabangan ko na rin kahit papaano."-Ako

"Eh bakit hindi mo naisipang gumawa nang gamit para sa virus ngayon? I-mean , para sa mga zombie?"- Daryll

Eh kasi........

"Kulang kasi sa sangkap."- tipid na sagot ko

Saka , hindi pa ngayon.

"Magpapahinga na ko."- paalam ko sa kanila upang makatakas sa kanilang mga katanungan.



Daryll's POV

Pagkaalis nya, sumunod si Warren. Kinuha ko ang mixture na sinasabi nyang gamot at tinitigan.


Hmmmm.....


Parang.....



may mali sa kanya?

Survivor Where stories live. Discover now