Chapter 13 (UNDER EDITING)

461 54 47
                                    


Jamie's POV

Pakiramdaman kaming lahat kung sino ang unang kikilos para mag-lead kung anong gagawin. Pigil hiningang gumalaw ang lalaking kasama ni Nicole at sinenyasan kaming sumunod papunta sa likod habang akay-akay nya si Ezekiel.

Sinundan namin sya nang halos walang ingay. Tagaktak ang pawis namin habang tinatahak ang stall nang mga de-latang pagkain dahil sa mga basket na kanina pa namin buhat. Ni isang segundo kasi ay hindi man lang kami nakapag-pahinga kaya sobrang ngalay na nang braso namin.

Nang makarating na kami sa dulo, nag-usap usap kami tungkol sa plano naming lumabas.

" Libangin kaya natin yang zombie na yan?"- Maelee

"Di pwede. Hindi naman tayo nakakadigurado kung ilan pa sila na nandito sa loob. Ayos lang sana kung ayan lang mag-isa."- yung lalaking kasama ni Nicole

"Mag-ingay nalang tayo sa ibang parte tapos pag nakuha na non yung atensyon nang mga zombie, Takbo na tayo papunta sa pinto."- suhestiyon ko.

"Pwede rin."- yung lalaki

Tumingin kami kay Nicole para sana malaman kung anong opinyon nya pero nakatulala lang sya.

"Fire Exit."- bulong nya

Tinitigan namin sya saglit. Iti-nilt nya naman ang ulo nya nang 45°degrees na parang nagtataka.

"Ano na?"- takang tanong nya.

Iniisip ko palang kung ano ang mangyayari kung sa Fire exit ka mi dadaan pero naglakad na agad sila papunta dun. Hayysss. Hindi talaga ako convinced. Para kasing may strange feeling ako nung sinabi nya na sa fire exit---i mean, parang kinakabahan ako dahil sa pag-iisip na sa Fire exit kami dadaan.

Pero wala na rin namam akong magagawa dahil nandun na sila kaya sumunod nalang din ako.

Habang sinusundan sila, hindi talaga ako mapalagay dahil binabagabag parin ako nang negative thougts. Takteng yan! Ayoko talaga sa mga ganitong pakiramdam eh!

Lumapit yung lalaki dun sa may glassdoor nang para buksan pero mukhang Lock iyon. Anong silbi na naging fire exit pa yan?!

Nagulantang kami nang makarinig nang mabibigat na yabag papunta sa direksyon namin. P*tangna! Sabi na eh! Malakas talaga Instinct ko sa mga ganito!

"Ano yun...?"- bulong ni Maelee

Napahinto sila lahat at sinyapan ang madilim na stall nang mga De-lata kung saan nanggagaling ang mga yabag.

Dali-dali kong binasag ang glass door nang fire exit at saka sila itinulak. Kung hindi ko gagawin yon, mukhang mapapa-aga ang kamatayan namin dahil mukhang nawala sila sa focus.

Lumikha nang ingay na masakit sa tenga ang mabasag na pintuan kaya biglang naglabasan ang mga zombieng nasa sulok-sulok lang pala. Lalo kaming nagmadaling tumakbo at wala nang pakialam sa mga nababangga namin. Mahirap pa namang makakita dahil sobrang dilim.

"Dito!!"- sigaw ni Maelee na nakaagaw nang pansin samin. Pumasok sya sa isang at Van at binuksan ang flashlight dahilan para dun din pumunta yung mga zombie. Tsk!

Nagpuntahan sa kanya ang mga zombie kaya naman agad nyang pinatay ang flashlight.

Lalo ko pang pinabilis ang pagtakbo ko. Luminga-linga ako pero wala talaga akong masyadong makita dahil sa nakakabulag na kadiliman. Tanging tunog nalang nang sigaw at huni nang mga zombie ang naging daan para mahanap ko ang daan papunta sa linaroroonan ni Maelee.

"Si Ezekiel?!!"-sigaw na tanong ni Nicole mula sa malayo. Nanaling ang tingin ko sa flashlight ni Maelee na lumiwanag ulit. Mabilis akong tumungo roon at nang makapasok na ko sa loob nang Van, kinalkal ko ang ilalim nang upuan, nagbabaka sakaling may makitang anumang magagamit.

And it did't fail me. May nakita akong first aid kit at tatlong canned foods, including flashlights. Kinuha ko ang isang flashlight at lumabas. Nalimutan kong kunin yung mga supplies nang pagkain at shampoo! Hindi pwedeng maiwan iyon dahil ayun nga ang dahila kung bakit kami nandito.

Inuna kong hanapin sila Nicole at Ezekiel.Tulak at tadyak ang ginawa ko. Alanganin kung bubuksan ko ang flashlight dahil baka ako naman ang habulin.

"JAMIE! "- boses ni Nicole. This time, binuksan ko na ang flashlight. Bahala na kung anong mangyari!

Agad ko silang nahanap dahil lahat yata nang zombie ay nagpunta dun sa van dahil kay Maelee, at silang dalawang magkapatid naman ay nasa gitna.

At nang dahil sa sigaw at flashlight, nagtakbuhan palapit samin yung mga zombie. Takteng yan! Palapit pa lang ako sa kanila nang biglang sumulpot yung lalaking kasama namin at agad na kinarga si Ezekiel. Agad ko namang pinatay ang flashlight at dumikit sa kanila.

Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa Van nang biglang may maalala ako! Tsk! Yung supplies nga pala! Nang masiguro kong ayos na sila at prenteng nakasakay na, tumakbo ako kung saan ko iniwan ang mga supplies na kinuha namin.

Binuksan ko ang flashlight at binuhat ang tatlong basket na punong-puno nang mga gamit at pagkain. Yung dala ni Maelee ay naisakay na namin sa Van. Ewan ko lang kayla Nicole. Lalakad na sana ako nang biglang may mahapdi akong naramdaman sa bandang paa ko.

"Sh*t!"



Third Person's POV

"Sh*t!"- she cursed nang may maramdaman syang mahapdi sa bandang paanan.

Naka-sinelas lamang sya kaya ramdam na ramdam nya ang tumutulong liquid na nasa pagitan nang dalawang daliri nya. Itinutok nya ang flashlight doon ang flashlight at nakita nya ang isang nag-dedecompose na ulo nang zombie na kagat-kagat ang isang daliri nya sa paa.

Huminga sya nang malalim. Ayaw nyang maka-apekto ang takot at kabang nararamdaman nya sa oras na iyon. Pagkatapos nanv ilang buntong-hininga, malakas nyang iwinasiwas ang kanang paa nya dahilan para mapabitiw ang zombie sa pagkaka-kagat sa kanya.

Tumilapon iyon pero agad ding nakatayo. Nakikita sya nito dahil sa ilaw nang flashlight na kanina pa naka-bukas. Gumawa nang malakas na ingay ang zombie kaya nakatawag pansin pa iyon nang marami, hanggang sa sya na ang hinahabol maglakad.

Humakbang sya pero pakiramdam nya ay namanhid ang kanang paa nya. Kahit masakit pa rin ang sugat nya sa paa, nakaya nyang itakbo ito dahil na rin sa pag-papanic nya.

Nang marating nya na ang Van na kinaroroonan nang mga kaibigan nya, Agad syang tumalon sa loob at isinara naman ni Nicole ang pintuan nang Van.

"Ayos ka lang?"- tanong sa kanya nang kaibigan.

Tango lang ang naisagot nya bago hinanap ang first aid kit na kaninang nakita nya.



A/N: Hey, good day everyone! So, yeah, i've changed my mind. Siguro papa-abutin ko lang nang mga maximum 50 chaps? Or 40?

And hey, thanks for voting!

Survivor Where stories live. Discover now