Chapter 18

350 20 8
                                    


Warren's POV

"Kain na tayo."- pag-aaya ni ate Giselle. Inilatag nya ang mga pinggan sa lamesa. Sumunod naman si Aaron na may dalang ulam at kung anu-ano. Naglakad ako palayo sa kanila. I need to refresh my mind. This point of view is getting stale! Hindi naman sa nagiging sensitive ako, masyado lang akong napa-paranoid sa pagkawala ni ate. Pero sila, hindi ko man pang naramdaman na nag-alala sila. Nakakainis! Ayoko muna silang makita kahit ilang oras lang.

Si Ate. Ilang months na rin namin syang hindi kasama. Hindi pa sya nakakabalik mula nung humanap sila nang supplies nila Aaron. Sinubukan namin syang hanapin pero sumuko rin sila. Kung sabagay, may point kasi yung mga sinasabi nila. Hindi nga naman namin alam kung buhay pa ba si ate o nakain na nang mga zombie.

Hindi na rin namam ako umaasa na buhay si ate. Always think negative.

"Warren? Hindi ka pa kumakain simula kahapon! Sige ka, hindi matutuwa ang ate mo nyan."- Ate Giselle. Lumapit sya sakin at ti-nap ang balikat ko para i-comfort. Alam ko namang nag-aalala rin sya pero may part din kasi sakin na nag-aalangang maniwala na nagke-care sila sa nangyayari.

Ngumiti ako kay ate Giselle. "Im fine. Mauna na kayo."

Wala syang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Wala talaga akong ganang kumain. I just need to relax. Masyado pa kaming bata para pagdaanan namin ang sitwasyong ito.

Mayamaya pa'y humangin nang malakas at sumabay ang patak nang malakas na ulan. Mula sa kinaroroonan ko, kitang-kita ang ganda nang kapaligiran. Wala naman kami sa kalagitnaan nang gubat, pero masasabi kong kahit stress ako, nakakarelax ang mga puno at green athmosphere.

Di katagalan, napagsyahan ko ding tumayo para matulog nang may marinig akong kaluskos sa hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Nung una, akala ko isa lamang iyong hayop ngunit nang maaninag ko ay isa pala itong tao.

Pinaka-titigan ko ito nang mabuti. Halos mapako ako sa kinatatayuan nang mapagtanto ko kung sino ito.

"Ate.....?"






Nicole's POV

"Ihinto mo muna saglit. I need to pee."- utos ni Maelee kay Daryll na kanina pa naiirita. Malaks kasi ang ulan at halos wala na kaming makita sa bintana.

Dahan-dahang inihinto ni Daryll ang sasakyan. Kahit umaga, madilim pa rin ang paligid dahil sa ulan.

Nilinga ko ang buong paligid. Mistulang Horror na lugar ang buong paligid. Mga makakapal na puno, Makulimlim na medyo madilim ang langit, malakas na kulog at ang Nakakabinging buhos ng ulan ay talaga namang nakakapanindig balahibo.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"- pag oopen-up ni Daryll nang topic. Kanina pa kasi yan tahimik. Hindi ko naman magawang kausapin dahil nga sa nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko nung nangyari ang insidente ni Jamie.
"Oo. "- tipid na sagot ko. Wala kasi akon sa mood para makipag-usap. Well, siguro dahil hindi pa ko masyadong ano...., ?ewan?! Basta! Tinatamad ako magsalita. Yun na yon.

Maya-maya pa'y magmamadaling pumasok si Maelee sa loob nang Van. "PAANDARIN MO!"- sigaw pa nya. Hindi naman magkanda-ugaga si Daryll para paandarin ang sasakyan.

"Bakit?! Ano nangyari?"- si Daryll habang minamaneho nang mabilis ang Van. Humingal muna sya bago sumagot, "M-may babae!", sagot nya. Halatang namang balisa sya kaya't mukhang nagsasabi sya nang totoo.

"Huh? Wait! Anong babae? Infected na babae?"- paninigirado ko.

"Tao sya! May dala-dala syang baseball bat at balak nya iyong ihampas sakin!"- Maelee . Tumingin naman ako sa bandang likod para silipin kung may humahabol samin, pero dahil sa lalas nang ulan, waley. Zero visibility. Pero kahit ganon, patuloy pa ring nagmamaneho si Daryll nang walang imik.

Survivor Where stories live. Discover now