Epilouge

406 16 5
                                    


NiColes' POV

Ilang taon na ang lumipas.

Tapos na ang Puro pag-tatago at pag-iwas.

Nalalapit na ang katapusan at ang wakas nang salot na aking sinimulan...

"Mama! Buhatin mo ko!" - tumatakbong papalapit na sigaw ni Vherna, ang aking anak. Limang taong gulang na siya. Magandang bata at may taglay na kakaibang talino kumpara sa ibang mga pang-karaniwang bata lamang.

Nginitian ko lamang ang aking anak. "Hmm, may ginagawa pa si Mama eh, Makipag-laro ka muna kay Precious. "- saad ko. Bahagya naman siyang ngumuso ngunit dinkalauna'y ngumiti na rin.

"Okay Mama! Kiss!"- utos nito kaya't natawa ako. Lumuhod ako para mahalikan siya sa kaniyang pisngi at pag-katapos ay tumakbo siya palabas at Nakipag-laro sa kaniyang kaibigan na si Precious, na anak ni Daryll at ni Maelee.

Tumayo ako habang pinag-mamasdan siya papalayo. Napangiti ako. Ang bilis nang panahon. Hindi ko namalayan na lumaki na nang ganito ang aking anak. Noon ay hindi ko iniisip na mag-kakaroon pa ako nang pamilya sa kabila nang mga kasamaang nagawa ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang epidemya at mas lalo pa itong lumalala pero naka-sanayan na rin namin, at hindi ako tumigil sa pag-eekspsrimento para mawakasan ang kasamaang ginawa ko. Kasama ko lagibsi Daryll sa Lab at inaamin kong matalino talaga siya. Hindi lang sa pag-dedesisyon siya matalino ngunit ang totoo'y mas higit siyang matalino kaysa sakin.

Bumalik na ko sa ginagawa kong pag-huhugas nang plato nang maramdaman kong may mga kamay na kumapit sa aking baywang kaya't napa-ngiti ako. Actually, hindi ko inaasahan na kay Warren pala ako babagsak. All this time, iniwas-iwasan ko siya pero hindi niya ko sinukuan. Tinaboy ko siya pero hindi siya natinag, at nalaman niya ang mga masasamang plano ko, hindi man lang siya nagalit kahit nang dahil sa akin at sa eksperimento ko ay nawala ang pamilya niya, including Ate Wency and Ate Giselle.

Ni minsan ay hindi niya ako sinumbatan sa mga nagawa kong masasama at pilit niyang pinapa-gaan ang loob ko sa tuwing sinisisi ko ang sarili ko sa lahat nang nang-yari. I'm so lucky to be his wife and i'm so Lucky to have this Man.

"Hmm, tumigil ka nga..."- i said as i gently remove his hands, but little did he know that i always wanted him to do that. Well, i just think it's kinda sweet.

Hindi siya nag-patinag. Lalo niyang hinigpitan ang pag-kakayakap sa baywang ko at isiniksik niya naman ang kanyang mukha sa aking leeg kaya't lalong lumawak ang ngiting namumutawi sa aking labi. He's really clingy.

"You Love me, right?"- anito. Natawa tuloy ako sa tanong niya. Kailangan ko pa bang sabihin yon araw-araw sa kaniya? Akala ko ba Action speak louder than words?

"Oo naman haha. Bakit ba araw-araw mo nalang tinatanong iyan? Akala ko ba sabi mo noon Action speak louder than words? "- natatawang tanong ko, hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti na naka-guhit sa aking labi. Hinarap niya ako sa kanya at tinitigan ako nang seryoso. Ngayon ay mag-kalapit na ang aming mukha at idinikit niya ang kanyang noo sa akin.

"Action speak louder than words, but action is Meaningless without words. Now tell me, You love me, right?" - seryosong tanong niya. Hindi tuloy mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi, na tila ba'y naka-ukit.

"Oo nga! Ang kulit mo naman!"- natatawang sagot ko. Hinding-hindi ako mag-sasawa sa kaniyang ugali na lagi niyang ipinapa-kita. Kahit minsan ay nag-kakaroon kami ng hindi pag-kakaintindihan, We always end up together.

And then suddenly, he kiss me softly but gently. He Gently encircled his arms around my waist then he pull me up slowly, my back press against his hard chest making my body tingle.

Survivor Where stories live. Discover now