Chapter 7 (UNDER EDITING)

508 84 55
                                    

Habang tumatakbo ako papunta sa library, hindi ko mapigilang hindi kabahan sa mga nangyayari. Ba't nagkagulo nang ganito dito? Hindi ba to nabantayan nila Wency? O baka naman eto yung mga nasa guidance at sila Wency ay ligtas sa Loob nang library?

Nabaling ang atensyon ko sa mga infected na humahabol sakin. Pano nangyari yun? Lalo na kung ingay lang yung naririnig nila? Hindi naman ako maingay dahil sa katunayan, marami namang estudyanteng nagsisigawan sa paligid namin pero sakin talaga sila nasunod.

"NICOLE!!!"-sigaw mula sa likod

Wala akong oras para tingnan kung sinong sumigaw nang pangalan ko. Eh sa ikaw ba naman hinahabol nang infected tapos inaalala mo pa yung kapatid mo? Makakalingon ka pa kaya sa kaba?

Umakyat ako sa hagdan papunta sa 2nd floor kung saan naroroon ang library. At pagpasok ko sa library..,, Bukas ang pinto at walang naiwang tao. Nandito pa yung mga bag nila at halatang masyado silang nagmadaling lumabas dahil kalat-kalat yung mga gamit nila.

Pumunta ako sa likod kung nasaan naroon ang mga gamit namin at di ako nagkamali. Nandun pa rin sya at this time, nakakalat na. Pati yung mga baril at bala nagkalat sa sahig.

Kinuha ko ang M16 ko at extrang bullets kung kakailanganin. Ni-ready ko na rin yung kutsilyo ko at yung M14 ko. 'At ngayon, di ko alam kung pano ko iha-handle to lalo na't malalalakas na calibre nang baril yung hawak ko. Baka mamaya pag binaril ko yung infected eh, tumalsik ako. At higit sa lahat, Mabigat 😑

Gaaaaaah!! Bahala na!

At ayun, rinig ko na yung sunod-sunod na yapak na parang tumatakbo. Hindi ko makita kung tao ba yun o infected dahil nasa pinakalikod ako nakapwesto dahil nandun yung mga gamit namin at nakaharang yung mga bookshelf. At di ko rin marinig yung ungol at walang ingay. Yung mga infected kasi, hindi gumagawa nang ingay di katulad nung ibang zombie na napapanood sa T.V

Unti-unting lumalapit yung labag nang paa pero unti-unting bumabagal... at naririnig kong humihingal. Baka naman tao? Gayunpaman, Inihanda ko na yung kutsilyo ko kung saka-sakaling may mangyari.

At..... bumungad sakin ang hingal na hingal na muka ni Warren. 😑😑😑

Muntik na kong mamatay sa gulat! Hinay*pak na lalaking yun! Huminga ako nang malalim. P*ta! Akala ko katapusan ko na eh 😑 tiningnan ko sya nang masama.

"*huff* *huff* *huff*"- Warren

Lumapit ako sa kanya at pinahinahon sya bago ako nagsalita.

"Nasan sila Maelee?"-tanong ko

Wala kasi sila dito at hindi sila sumunod. Baka di nila alam? Pero kung magka hiwa-hiwalay man kami, malamang sa malamang, dito sila sa library pupunta.

Nang maka get-over na si Warren, tumikhim sya bago nagsalita.

"Nakagat nang infected yung kaibigan nyo na niligtas natin kanina. Pati yung mga kaibigan nya nakagat rin. "-Warren

Si Julie ba?

Kumuha sya nang mga baril at sinukbit yung bag na malaki. Sinukbit ko rin yung bag ko pagkatapos ko punuin yon nang supply nang mga canned foods.

"Nakita mo sila Wency?"-Ako

"Hindi eh. Baka nasa sa isa sa mga room sila. O baka naman.." Tumingin sya sakin at tumungo "nakaalis na sila rito"-Warren

Ba't ko nga ba sya tinanong tungkol dun? Eh, kasama ko sya umalis para iligtas sila Julie. Hayys! Bobo ko talaga!

Gayunpaman, Hindi pa rin naiibsan yung kaba na nararamdaman ko dahil mahirap maniwala sa 'baka'. Hindi sa negative ako , pero hindi ba masyadong mas nakakatakot pag positive lahat nang inisip ko? Baka iniisip ko na Ligtas sila pero infected na rin pala? Edi parang umasa ako sa wala.

Huminga ako nang malalim.

"Tara na?"-Warren

"Saan naman tayo pupunta?"-Ako

Hindi nya ko sinagot. Naglakad sya palabas nang library at sumunod naman ako. biglang may sumulpot sa harapan namin yung mga infected na humahabol samin kanina.

Itinusok ko sa leeg nang isang infected yung kutsilyo ko at medyo nahirapan akong tanggalin.

Binaril naman ni Warren yung nga Infected na papalapit na sana sakin at dahil sa napakalakas na tunog nang baril, Natawag yung pansin nang mga infected na nasa 1st floor at nag sisiksikan silang umakyat papunta sa kinaroroonan namin.

"TARA NA!!!"

Hinila ako ni Warren papalayo dun sa mga infected na tumatakbo papalapit samin.

Nag-shortcut kami papunta dun sa daanan na naka-connect sa canteen. .... na pinakaayokong daanan.

May mga ilang infected ding nagkalat pero bilang lang. may kutsilyo naman ako kaya yun nalang ginamit ko. Kaysa naman makagawa na naman kami nang ingay na napakalakas at lalo kaming sugurin nang mga infected. Di naman sila ganun kabilis tumakbo. Pero sapat na para mahabol ang pilay. Para silang mga lasing na tumatakbo.

Nang makarating na kami sa may pintuan palabas nang school na naka-connect sa canteen, Tinadyakan yun nang malakas ni Warren at agad na bumukas. Sira yung padlock kaya halatang may nauna nang lumabas.

Lumabas kami ni Warren dun at sumalubong samin ang nagniningning na asul na dagat dahil natatamaan nang sikat nang araw.

Lumingon kami sa kaliwa't kanan pero mukhang wala na kaming ibang madadaanan dahil sa mga infected na nakaharang sa mga iskinita na dapat dadaanan namin.

Wag mo sabihing...

Nang mapansin kami nang mga infected, Hinila ako ni Warren papunta sa dagat...... na halatang malalim dahil asul na asul at kahit malinaw, hindi pa rin matatanaw yung ilalim sa sobrang lalim. At isa pa..... hindi ako marunong lumanggoy dahil may Phobia ako sa dagat at malalalim na anyong tubig!!!! Pano na ko nito?!!

Nang patalon na si Warren, Hinila ko na yung kamay ko para sya nalang yung tumalon sa tubig at bahala na ko dito, kaso nga lang..... Pinilit nyang kapitan yung paa ko kaya nahulog din ako.

*SPLASSHHHHHHHHHH*- tunog nung tubig nang tumalon kami.

Lumubog ako at ayun, nalunod.

'Walanghiyang Warren to! Babatukan ko to pag nabuhay ako!'

"Ahgffshff"

kinampay ko lang yung kamay ko at pinadyak yung mga paa ko.

Pero wala talaga eh. Lumulubog parin ako!!! Ano na!!? Nauubusan na ko nang hininga!? Nasan na ba si Warren!? Dapat kasi nagpaiwan nalang ako dun kaysa tumalon----

Napatigil sa pag hi-hysterical yung utak ko nang may biglang yumakap sa baywang ko at ayun, namalayan ko nalang na pataas na ko. Nakapikit kasi ako dahil di ako makadilat, masakit kasi sa mata.

Pag-ahon namin , Naghahabol pa ko nang hininga nang may sumigaw.

Sino pa nga ba?

"BALIW KA BA!? MAY BALAK KA PANG MAGPAIWAN DUN?! GUSTO MO BANG MAGING ZOMBIE!!? "-Warren
Na namumula sa galit.

"Uhh.."

Di ako makapagsalita. 1 word.

Nakakatakot.

Huminga sya nang malalim at bago nagsalita.

"Ayos ka lang?"-Warren

Muka ba kong ayos?

Pero kahit di ako ayos, tumango nalang ako. At ngumiti naman sya.

Tiningnan ko yung mga infected na nagtalunan sa tubig. Napansin yun ni Warren kaya naman may binulong sya sakin na ikinabilis nang drum sa puso ko.

"Don't worry. Ligtas ka pag nasa tabi kita. At wag na wag mong subukang iwan ako."

Tumingin sya sakin nang seryoso.

"Dahil mawawalan nang rason ang paglaban ko.... pag wala ka sa tabi ko"-Warren

Uhhh



, Awkward ....

Survivor Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora