Chapter 36 - Escaped

299 18 4
                                    


C H A P T E R - 3 6

K R I X T I A N I C O L E ' s
P O V

"W-Warren, sabihin mo, si Anutie Jhing ba ang may gawa nito? "- naluluhang tanong ko. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman si Auntie Jhing sa nang-yari kay Warren.

" C-close k-ka....yo..? Diba? "- halos bulong nalang ang bawat salitang lumalabas mula sa kaniyang bibig. Hinang-hina na siya at marami-raming dugo na rin ang nawawala sa katawan niya. Ang sugat niya ay mistulang hiniwa nang isang malaking patalim. Umaagos pa hanggang ngayon ang dugo mula sa iba't-ibang parte nang kaniyang kayawan.

Mula sa suot kong dress (yung kulay white na pinapa-suot sa mga baliw sa mental hospital) , pinunit ko ang parteng ibaba at ibinenda sa kaniyang mga sugat.

" T-takbo .."

Tiningnan ko siya nang masama. Ano? Pinapatakbo niya ako tapos mag-papa-iwan siya dito? Pag-katapos niya akong subukang iligtas dito sa kakaibang lugar na ito e, gusto niyang tumakbo lang ako at iwanan siya? Hindi pwede!

" Tumahimik ka nga! "- sigaw ko. Habang binabalutan ko ang mga sugat niya ay sunod-sunod ang pag-tulo nang luha sa aking mga mata. Hindi ko hahayaang mawala pa ang nag-iisang taong sumusupirta sa lahat nang ginagawa ko, tama man o mali.
Ang nag-iisang taong nag-pahalaga sa akin at hindi ako iniwan.

" Krixtiaaa? ~~" - may halong lambing ang tinig niya mula sa malayo. Si Auntie Jhing lang ang isa sa mga taong nag-pahalaga sa akin at siya lang ang tumawag sa akin bilang Krixtia. Naka-sanayan na niya iyon at masaya ako sa tuwing tinatawag ako sa una kong pangalan, pero hindi sa sitwasyong ito, hindi sa sitwasyon ngayon.

Napa-hinto ako sa pag-bebenda nang mga sugat ni Warren. Pinakiramdaman ko lang ang mabagal na bakas ni Auntie Jhing na papalapit sa kinaroroonan namin.

" KRIXTIA?! "- ang kaninang lambing sa boses niya ay napa-litan nang galit at pagka-irita. Ang matinis at mala-manglukulam nitong boses ay sumakto sa kanyang tono nang pananalita na nang bigay sa akin nang signal na may hindi magandang mang-yayari kung makikita niya kami.

Nanatili pa rin akong tahimik at hindi gumagalaw. Mahirap na. Sa sitwasyon ni Warren ay hindi siya makaka-takbo. Marami na ring naubos na dugo sa kaniya kaya't nag-dedelikado ang buhay niya ngayon.

Tanging mga yabag nalang nang paa ang naririnig namin. Paikot-ikot ito na tila ba'y parang may hinahanap. Please! Sana may dumating! Hindi kami mabubuhay kung ganito lang ang gagawin namin pero wala naman kaming pag-pipilian dahil kung lalabas kami mula dito, makikita kami ni Auntie Jhing at baka mapa-aga lang ang buhay namin.

Lalong lumalakas ang mga nakakakabamg yabag at ang direksiyon nito ay papunta na sa amin. Dito na ako gumalaw. Binalingan ko si Warren na ngayon ay naka-titig lang sa akin. Pinahid ko naman ang mga luha na kanina pa tumutulo sa aking mata bago ko siya nginitian at niyakap nang mahigpit. Sobrang higpit.

" Krixtia?! " - sigaw nang boses mula sa likuran ko. Lumingon ako dito at tumayo. Nasa corner kami at wala na talaga kaming pag-asang maka-ligtas pero kailangan kong subukan. Marami na akong kapahamakan na pinag-daanan pero wala akong pinag-sisihan sa mga iyon. Hindi na ako tatakbo. Sawa na rin akong mag-tago.

"Auntie Jhing..... kayo po ba ang gumawa niyan sa kaniya? "- tanong ko bago i-point ang daliri kay Warren na ngayon ay hindi maka-paniwalang naka-tingin sa akin.

" Ano ka ba naman, Krixtia? Umalis ka riyan at hindi pa ako tapos diyan at ano na naman bang ginawa mo sa pag-kain natin? "- sunod-sunod na tanong nito. At ano daw--? Pag-kain?!

Noon ko lang napansin na hawak pala itong isang malaking cleaver knife at hinasa niya ito gamit ang kulay itim na bakal na hawak niya. Dito ko lang napa-tunayan na baka nga ay totoo ang mga sinasabi noon nang aking mga co-scientist. Na may sakit daw sa pag-iisip si Auntie Jhing kaya't hindi sila lumalapit dito.

" Pag-kain?! "- hindi talaga ako maka-paniwalang sa kaniya ko mismo naririnig ang lahat nang ito. Ang tagal ko na siyang kasama pero hindi ko man lang napansin ang kakaiba sa kaniya. Naging bulag ako at ngayon, ito ang naging resulta.

" Oo. Hindi mo ba alam na wala nang nag-dedeliver ngayon nang karne na dapat ay iniluluto ko para sa mga nag-tatrabaho dito? Simula nang nag-karoon nang virus ay nag-bago na ang lahat. Napansin mong wala nang gaanong tao, hindi ba? Naluto ko na kasi ang karamihan sa kanila dahil nag-rereklamo na ang ibang mga trabahador dito na gusto raw nila nang karne. "- naka-ngiting saad nito.

Hindi ako maka-paniwala sa lahat nang sinabi niya. Sa buong panahon na nag-trabaho dito ako ay itinuring niya ako bilang isang anak. Akala ko noon ay ako lang ang nakaka-intindi sa kaniya pero ibang-iba na ang Auntie Jhing na nakilala ko noon at ang Auntie Jhing na nasa harapan ko ngayon.

" Auntie, nag-bibiro ka lang diba'? "- nakatulala lang ako sa ere nang itanong ko iyon. Tila ayaw yatang mag-function sa utak ko namg mga nang-yayari. Masakit para sa akin na ganito ang sinapit ni Auntie Jhing pero mas masakit sa akin na sa dami nang mananakit kay Warren, si Auntie Jhing pa.

" Nako Krixtia, tumabi ka na diyan at baka iluto rin kita! "- sigaw nito. Dito ako nagulat. Hindi na nga ito ang Auntie Jhing na nakilala ko. Napaatras ako sa isinigaw niya ngunit dahan-dahan naman siyang luma-lapit habang suot ang naka-pangingilabot na ngiti.

" Hindi ka pa ba nag-tataka kung bakit walan gaanong tao dito? "- nakangiting tanong nito habang patuloy na lumalapit sa amin.

Napapikit ako. Kasalanan ko kung bakit nag-kaganito si Auntie Jhing. Kung hindi ko sana pina-gamit ang talino ko sa iba ay sana maayos pa ang lahat.

Tila nasagot naman ang kaninang dalangin ko nang may marinig kaming malalakas na yabag nang paa mula sa hagdan. Habang tumatagal ay palapit nang palapit ang mga yabag na ito. Nawala ang ngiti sa mukha ni Auntie Jhing nang marinig niya iyon at pareho kaming napatingin sa parteng hagdan kung saan huminto angga yabag.

It was Jamie and Daryll, accompanied by Marjorie. Mukhang sabog ang mga itsura nito at hi-hingal hingal pa, halatang galing sa takbuhan.

" Nicole! "- saad pa ni Mar-- Savior habang kumakaway at naka-ngiti. Hindi nila alam na nanganganib kaming dalawa ni Warren, at ngayong nandito na sila, nanganganib na rin sila katulad namin.

Nakita ko pang tumingin sa akin nang masama si Auntie Jhing bago muling binalingan sina Jamie. Nag-lakad ito palapit sa kanila dala ang kaniyang Cleaver knife. Nakita naman agad iyon nina Jamie kaya't napa-atras sila. Ginawa ko naman iyong previlege upang itayo si Warren. Hindi na siya nakakapag-salita dahil sa nang-hihina na kaya't lalo ko pang binilisan ang kilos.

Habang nililibang nila si Auntie Jhing ay inilabas ko na nang kusina si Warren at idinaan sa gilid upang hindi kami mapansin ni Auntie. Nag-tagumpay naman akong itawid si Warren sa side nila Jamie. Tinulungan naman ako ni Daryll at siya na ang nag-buhat kay Warren.

" Umalis na muna kayo dito. "- utos ni Jamie nang hindi kami nililingon. "Maiiwan kami dito ni Marjorie. Pumunta kayo sa bahay konat wag niyong bubuksan ang pinto kahit na anong mang-yari! "- sigaw ni Jamie. Nakita kong papalapit na sa amin si Auntie Jhing at hindi na mai-pinta ang mukha nito sa galit.

Agad namang tumakbo si Daryll pababa nang hagdan habang buhat niya si Warren kaya't sumunod na din ako. Muli ko pang nilingon sina Jamie ngunit naka-focus si Jamie kay Auntie Jhing, Si Marjorie lang ang tumingin at nag-okay sign pa siya at ngumiti bago muling sumigaw si Jamie na umalis na kami.

Keep Safe.....

@Ms_Aquaphobia

-----

Survivor Where stories live. Discover now