Chapter 37 - The Last Survivors

309 17 3
                                    


C H A P T E R - 3 7

K R I X T I A N I C O L E ' s
P O V

Nandito kami ngayon sa Bahay ni Jamie at nakipag-kwentuhan sa akin si Daryll tungkol sa nang-yati nang mapa-hiwalay ako sa kanila ni Maelee. Si Maelee daw ay nasa Watercreekmill farm kasama si Ezekiel. Oo nga pala't nakalimutan ko na ang kapatid ko sa sobrang daming nang-yayari. Ligtas naman daw doon at may mga militar na bantay. Unti-unti daw iyong ide-develop para maging small community hanggang sa maka-gawa nang gamot sa Virus.

Natuwa naman ako sa narinig ko kaya't parang gusto ko na din makita iyon. Isa pa, ayon kay Daryll ay kunpleto daw ang mga pinaka-unang pangangailangan nang mga tao. Mukhang okay nga doon. Mayroon din daw doong mga scientist na nag-aaral tungkol sa mga virus at pwede daw kaming tumulong para matapos na agad ang problema.

Nandito kami sa 2nd floor, sa kwarto kung saan naroon ang maliit na labolatory na ginawa ko. Si Warren naman ay nag-papahinga ngayon sa kama. Nawalan siya nang malay pero sabi no Daryll ay ayos na daw ang lagay niya. Ngayon ko lang na-realize na may hospital nga pala sila Daryll at may dugo nang mga doctor, siya kasi ang gumamot kay Warrren kanina.

Nag-plano na rin kami ni Daryll na pumunta na sa Watercreek mill farm matapos ang insidemteng ito, pag-nakabalik na sina Jamie at Marjorie at kapag ayos na rin ang kalagayan ni Warren. Sinabi din kasi ni Daryll na medyo matatagalan pa bago magising si Warren pero simpleng Coma lang daw iyan nang dahil sa trauma. May simple bang Comatose?

" Diyan ka lang muna. Mag-kakape lang ako sa baba."- paalam ni Daryll at saka ito lumabas nang kwarto, naiwan kami nang Tulog na si Warren.

Lumakad ako patungo sa Veranda kung saan ako na-kidnap nang isa sa mga tauhan ni Mr. Jacobs. Hindi ko namalayan non na mayroon na palang naka-akya sa veranda at huli ko na nalaman kaya't nakuha tuloy ako at tinakpan nang panyo na may kakaibang amoy.

Nang maka-rating ako sa Veranda ay sinalubong ako nang malamig na hangin. Malapit na palang mag-takip silim. Kailan kaya makaka-balik sina Jamie at si Marjorie? Natawa lang talaga ako nang malaman kong may kabaitan pa palang natitira kay Marjorie. Akalain mo iyon? Wala pala talagang imposible sa tao, ano?

Sumapit na ang gabi at ni-lock ko na ang Veranda. Ito lang ang naka-limutan ko nong araw na madukot ako. Hindi ko na-ilock ang veranda dahil naging busy ako masyado da aking mga eksperimento.

Balak ko na sanang matulog nang Umakyat si Daryll na may dalang kape at ibinigay ang isa sa akin. At ayon, ako lang ang gising sa aming lahat nong malaon. Paano kaya nakaka-tulog si Daryll kahit lagi siyang nag-kakape? Ang galing naman nang ganon, samantalang ako eh, mukhang mapupuyat pa yata dahil sa ibinigay na kape ni Daryll.

ALAS DOSE pasado na ngunit dilat na dilat pa din ako. Hindi ko alam kung kailan ako makaka-tulog samantalang ang dalawang ugok na kasama ko ay himbing na himbing na. Nag-paikot ikot ako sa lapag. Oo, sa lapag ako matutulog. Si Warren kasi ang nasa kama at si Daryll naman ang nasa Mini sofa. Kaya ako ang nasa lapag. Diba? Napaka-gentelman talaga.

Maya-maya pa ay nakarinig ako nang mga kaluskos. Hatinggabi na at napaka-tahimik pa nang buong lugar kaya't sensitive ang tainga ko sa mga sound at hindi ako nag-kakamali. Malamang sa malamang ay may tao sa labas.

Tumayo ako at binuksan nang kaunti ang veranda, doon ko sinilip kung sino o ano ang gumagawa nang kaluskos. Malamang ay sina Jamie na siguro ito! Marahan kong sinilip ang kapirasong butas.

Mula sa butas ay nakita ko ang taylong infected na pakalat-kalat. Ngayon nalang ako naka-kita nang Infected simula nong nag-evacuate kami nila Maelee. Isasara ko na sana ang pintuan nang veranda nang mahagip nang mata ko ang isang bagay na kumikinang mula sa malayo. At hindi lang yon! Gumagalaw pa ito at tila sumasabay sa daloy nang hangin.

Hindi ko masyadong maaninag kung sino ang may hawak non dahil sa madilim ngunit nang tagpasin nito ang mga infected na kanina ay paikot-ikot, doon ko lang nakita nang tuluyan ang kaniyang mukha at hindi ako pwedeng mag-kamali kung sino siya.

"Auntie Jhing..? " - bulong ko sa kawalan. Nasaan na sila Jamie kung ganoon? Pinag-masdan ko lang si Auntie Jhing nang mapatay niya na ang mga infected. Palinga-linga kasi ito at tila ba'y may hinahanap, hanggang sa mabalung ang tingin niya sa kinaroroonan ko. Naka-titig lang ito sa akin pero hindi ko alam kung nakikita niya ba talaga ako kaya't hindi ako gumalaw.

Dala ang kaniyang cleaver knife, lumakad ito patungo sa direksiyon nang aming pinto. Agad kong ni-lock ang veranda at niyugyog si Daryll na ngayon ay humuhilik na.

" Hooy! Gising, Daryll! Delikado tayo! "

Halos sumigaw na ako pero gumalaw lang si Daryll at idinilat lang ang kaniyang isang mata. Jusme! Baka Mamatay kami dito eh,!

" Bakit? Hmm" - inaantok pa nitong tanong bago kumamot nang ulo.

" Nandito si Auntie Jhing! "- sagot ko naman, kasunod non ay ang sunod-sunod na kalabog nang pinto kaya't napabalikwas si Daryll.

" Baba lang ako at titingnan ko kung matibay ba ang sara nang pintuan,"- pag-papaalam naman nito. Hindi na niya inantay pa ang sagot ko at nag-mamadaling lumabas. Ako naman ay inihanda na si Warren at sumisilip-silip sa veranda dahil baka doon dumaan si Auntie Jhing. Delikado nito si Warren.

Hinalughog ko ang kwarto at nag-hanap nang pwedeng magamit kung sakaling maipit kami sa delikadong sitwasyon. Sa drawer ay nakita ko ang Isang gunting, kahit naman walang laban iyon sa cleaver knife ni Auntie--- Ms. Jhing, sigurado naman akong may pakinabang ito, just in case.

Nag-hanap din ako sa ilalim nang kama. Habang naririnig ko ang kalampag sa pintuan ay lalong bumibilis ang aking bawat kilos. Hindi ko pa naririnig and boses ni Ms. Jhing, sana naman ay hindi pa siya nakakapasok at saba naman ay okay lang din si Daryll doon sa baba. Maparaan naman iyon kaya alam niya na siguro ang gagawin niya.

Sa ilalim nang kama ay nakita ko ang martilyo at mga kung anu-anobg pang-ayos nang mga sirang bahay katulad nang chainsaw, lagari at mga screwdrivers. Martilyo at chainsaw lang ang kinuha ko. May kabigatan nga lang ang chainsaw pero kakayanin ko naman.

Maya-maya pa ay nag-mamadaling pumasok si Daryll sa kwarto at ni-lock ang pinto. Hingal na hingal itong umupo sa sofa, samantalang ay lalo namang lumakas ang ang bawat kalampag sa pintuan.

" Daryll, kamusta sa baba? "- nag-aalangang tanong ko. Napansin ko rin na namumutla si Daryll at naka-tulala.

" Malapit niya nang masira ang pinto. "- saad ni Daryll. "At hindi ko alam kung saan tayo pwedeng dumaan. "- dugtong pa nito.

Tsk! Hindi ito maganda.

@Ms_Aquaphobia

------

Survivor Where stories live. Discover now