Chapter 29

308 18 10
                                    


Dedicated to:
Faraxxxshaye

Maelee's POV

Halos Kalahating oras na din kaming nag-lalakad ni Daryll pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nararating ang watercreekmill Farm. Katulad nang sumalubong sa amin kanina, Puro matataas na damuhan lamang ang makikita sa buong paligid. Si Daryll namam ay tuloy-tuloy lang sa pag-lalakad pero may malakas akong pakiramdam na naliligaw na talaga kami.

"Uhh, Daryll?"

"Hmm, yeah?"

Bumuntong hininga ako. "Alam mo ba itong lugar na dinadaanan natin?"- tanong ko. Pansin ko kasi ay kanina pa kami paikot-ikot dahil natatandaan ko ang nag-iisang puno nang acacia na nag-sisilbing palatandaan sa aming dinadaanan.

"Oo."- sagot ni Daryll

Hmm..,

"Pero sigurado ka na tama naman kaya ang dinadaanan natin?"- nang masabi ko iyon ay napahinto siya at lumingon sa akin, nasanlikuran niya ko.

"Hindi.."- aniya bago ngumiti na parang nahihiya. Hayysss. Sabi na eh.

Lumakad ako papunta kay Daryll at naunang mag-lakad. Sumunod naman sakin si Daryll at nananatiling karga pa rin si Ezekiel sa kaniyang balikat.

After almost one-hour of walking, sa wakas ay narating din namin ang isang malawak na field. This time, ang mga damo naman ay maliliit at mukhang sagana sa dilig. Napaka-ganda nito. It's like a small version paradise.

Not far from here is a cabin. Hindi iyon ganoon kalaki pero sa calculation ko ay kasya ang Limang-daang tao. Not bad as an Evacuation Area. Ilang metro mula sa bahay ay ang wooden fence na kulay puti. Hindi ko maikakailang maganda talaga ito! Napa-tapat pa na tang-haling talat mgayon kaya't ang maganda at asul na kalangitan ay sumasabay sa ganda nang kalikasan. Yung nga lang ay walang tao.

Pag-lampas naman sa Cabin o /sa likod nang Cabin ay isang running water na nang-galing pa sa bunok na matatanaw mo sa malayo. Awsome! Kung hindi ako nag-kakamali, ito na ang tinatawang na Watercreek mill Farm na pag-aari nang Pamilya ni Daryll.

"Nice. Ang galing mo pala sa mga daan eh, dapat sinabi mo agad."- natatawang saad ni Daryll at sabay kaming lumakad papunta sa Cabin.

Nang naroroon na kami, sa Bandang gate ay may naka-bantay pala na dalawang sundalo, hindi ko ito napansin kanina, marahil ay dahil sa suot nitong comouflage.

Hinarang kami nang dalawang guard na sundalo at may sinabi siya kay Daryll. Hindi ko iyon pina-kinggan dahil masyado akong nabighani sa ganda nang lugar na ito. Maya-maya rin ay pina-pasok na kami sa loob nang fence gate at binuksan ang malaking pinto nang cabin.

Mula sa kinatatayuan namin ay matatanaw ang mga naka-halerang tent. Maraming mga tao na nag-tatawanan at nag-kekwentuhan. After almost one year, ngayon nalang ulit ako nakakita nang mga taong masaya, mga taong mag-kakasama. Sayang at hindi namin kasama sila Nicole.

May lumapit sa aming lalaki at may sinabing numero. Ang numero daw na iyon ay ang numero nang aming tent. Nag-lakad kami upang hanapin ang number nang tent na pansamantala naming mag-giging tahanan. Lahat nang nadadaanan namin ay naka-tingin sa amin at ngumingiti. Ang iba namam ay binabati kami at ang iba ay hinatid pa kami sa aming tent.

"Sabihin nyo lang kung may kailangan kayo. Ako nga pala si MJ, isa ako sa mga namamahala dito"- pag-papakilala nang lalaking blonde ang hair at nag-lahad ito nang kamay sa akin. Ngumiti ako at aabutin na sana ang kamay niya nang unahan ako ni Daryll.

"Ako nga pala si Daryll. Sige, tatawagin ka nalang namin pag-kailangan ka na."- saad pa niya. Hindi ba parang ang rude naman pakinggan? Tatawagin kapag may kailangan?

"Mr....Djaen?"- takhang tanong ni MJ . Djaen?

Ngumiti naman sa kanya si Daryll. "Oww. Kilala mo pala ako?"- tanong pa nito kay MJ. Djaen? Name din pala iyon ni Daryll? Pero bakit ngayon ko lang nalaman?

"Oo naman. Ang ama nyo ang may-ari nitong Farm, hindi po ba? Ako po ang anak ni Mang Caloy, yung dating taga-pangasiwa nang mga hayop? Patay na ho kasi si Itay dahil... naging Infected na rin."- anito sa amin. Pati pala sila ay lubos ding nadamay dahil sa Virus ni Nicole. At oo nga pala, bakit kaya ayaw ni Nicole na gumawa agad ng solution sa Virus. Alam ko namang kaya nya pero hindi pa rin siya gumagawa? Ano kayang problema?

*****************

Nathan's POV

"Ayoko na talaga dito." -Marjorie

"Bakit? Gusto ba namin dito?"- Aaron.

"Bakit ba ganyan ka maka-sagot sakin?!"- Marjorie

"Ewan ko sayo! Wag ka na nga sumama kung mag-rereklamo ka lang! Badtrip."- Aaron

"Ang sakit mo naman mag-salita! Nakakainis ka!"- Marjorie.

Dumali naman po ang mag-shota. Sa totoo lang, dapat pala kay Warren nalang ako sumama. Kahit sabihin mo pang tropa namin yang si Aaron, hindi naman lagi na pabor kami sa lahat nang gusto niya.

"Teka lang ah. Kailangan ko lang uhm, umihi.."- palusot ko. "Pre, samahan mo ko."- saad ko naman kay Kris na ikinagulat niya.

"A-ano..? Gagawin mo pa kong taga-hawak?! "- Nag-tatakang tanong ni Kris.

"Basta pre. Samahan mo nalang kasi ako. "- seryosong saad ko.

Natawa naman silang dalawa ni Aaron. Sumama din si Kris at nang maka-lusot na kami sa mga puno kinausap ko siya.

"Pre, naiinis na talaga ako dun sa Girlfriend ni Aaron. Alam mo pre, gusto ko nang humiwalay sa kanila eh, baka imbis na maka-ligtas tayo eh, maaga tayo mamatay."- saad ko. Napa-tango tango naman si Kris sa Sinabi ko. Dati pa rin yan nag-titimpi nang galit. Hindi lang din kumikibo.

"Oo nga pre eh, eh pano naman si Aaron? Tropa natin yun eh! Alangan namang iwanan natin iyon sa ere? "- giit niya.

Sabagay....

"Oo nga eh. Tsk. Oh sya, tara na."-pag-aaya ko.

"Hindi ka ----"

"Hindi."- ako

Umalis na kami sa damuhan at nag-lakad na papunta sa kinaroroonan nila Aaron kanina pero nang maka-balik na kami ay wala na ang dalawa sa lugar kung saan namin sila naiwan.

"Oy pre, nasan na sila?"- tanong ni Kris.

"Bakit sakin mo tinatanong, eh mag-kasama nga tayo diba?"- Sagot ko naman.

Inikot namin ang lugar na kanina lang ay pinag-pahingahan pa namin. Maya-maya ay lumapit ako malapit sa mga naka-tumbang damo at may isang bagay na nakapag-pahinto sa akin.

Dugo.......

@Ms_Aquaphobia


-

Survivor Where stories live. Discover now