Chapter 19

336 25 10
                                    


Giselle's POV

"Nasaan na si Warren?"- Nathan

"Nakita ko lang yun sa veranda kanina ee."- Kris

Nagsimula na silang kumain. Pinagmamasdan ko lang sila habang nakangiting kumakain. Kahit na hindi na kami ganoong kalaya katulad nang dati, hindi na nila alintana iyon. Hindi nila iyon iniisip. Mabuti naman.

Si Warren kaya? Okay lang kaya sya? Simula nang nawala si Wendy, nag-iba sya. Hindi na sya yung Warren na laging positive ang iniisip. Hindi na sya yung pinsan kong magalang at nag-papawala nang pagod namin sa isang ngiti nya lang. At higit sa lahat, hindi na sya ang pinsan na nakilala ko. Parang lagi nalang syang aburido, parang pakiramdam nya'y pasan na nya ang mundo.

Kung sabagay, naiintindihan ko naman sya. Si Wency ay isa sa pinaka-matalik kong kaibigan noon pa man. Tuwing may problema ako, sya ang lagi kong natatakbuhan, pero parang kahit kailan, nung saya na ang nangailangan, hindi ko matandaan na may ginawa ako para mapasaya sya.. o mapangiti man lang. Hindi man lang ako nakapag-pasalamat sa mga simpleng bagay na ginawa nya sakin noon pa. Kaya nga nung nawala sya, ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ang kapatid nya. Si Warren.

At teka! Ang drama ko naman. Nasan na nga ba si Warren?

"Ate Giselle....." - boses ni Warren mula sa aking likod. Nakuha nya ang atensyon nang mga kaibigan naming kanina lang ay masayang nagkakainan., ngunit nang mapatingin sila likuran ko na mismong kinaroroonan ni Warren ay agad na napawi ang kanilang mga ngiti at napalitan iyon nang pamumutla at matinding takot na sya namang ipinagtaka ko, dahilan kung bakit ako dahan-dahang lumingon.

Dalawang metro ang layo ni Warren sa akin. Kitang-kita rin sa mga mata nya ang saya at pag-asa, kaya't nararamdaman ko sa aking labi na kusang nag fo-form nang ngiti, ngunit bago pa man ako tuluyang ngumiti, may napansin akong babae sa gilid nya. Isang napaka-pamilyar na babae.

"Wency...."- tanging bulong ko at ngumiti lamang ito na masasabing nakaka-pangilabot na ngiti.

"Ate Giselle? Hindi ka ba masaya?"- Nakangiting wika ni Warren. Hindi ko alam pero medyo creepy ang athmosphere ngayon. Pati ang ngiti ni Warren, ang Creepy na rin.

Pinilit kong ngumiti. Kahit nanginginig ang mga labi ko.

"W-welcome.... namiss ..kita.."- halos bulong kong sabi. Napansin iyon nang mga taong nasa paligid ko kaya't agad silang tumayo at bumati rin kay Wency. Sa mga kilos na ipina-pakita nila ngayon, halatang nararamdaman din nila ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero tuwing nakakaramdam ako nang ganitong feeling, laging may nangyayaring masama, kung hindi sakin, ay sa mga taong nasa paligid ko.

At mas may tiwala ako sa feeling ko, kaysa sa mga sinasabi nang iba at sa mga nakikita ko. Dahil noon pa man, masasabi kong malakas ang instinc ko dahil ilang ulit na ko nitong niligtas sa lahat nang peligro.

" Tara ate, sumabay ka na saming kumain."- pag-aaya ni Warren kay Wency. Kung kanina ay gutom na gutom ako, ngayon ay parang nawalan na ako nang gana. Parang hindi kakayanin nang sikmura kong makasabay ang isang babaeng hindi ko na halos makilala.

Hindi talaga ako naniniwalang sya si Wency, na kaibigan ko. Kilalang-kilala ko ang bawat kilos non.

Umupo si Warren sa tapat ko, at umupo naman si Wency sa tabi nya. Nag-katinginan naman ang lahat bago sila tuluyang umupo kahit parang nalilito na sa nang-yayari.

"Oh, ate Giselle? Hindi ka pa ba kakain?"- Nakangiting saad ni Warren. Pati sa mga kinikilos ni Warren, hindi na rin ako sigurado. Hindi rin ito yung Warren na nakilala ko. Ibang-iba sila sa mga taong malalapit sa amin.

"Ahh, sige..."- kahit ayoko, napilitan na rin akong umupo. Wala man lang ni isang nag-sasalita sa aming lahat.

Lumipas ang mahabang minutong walang imikan. Napansin ko ring hindi naaalus ang nakapa-ngingilabot na ngiti sa bibig ni Wency simula pa kanina. Hindi rin sya sumubo o kumain man lang. Para syang isang taong na-paralyzed ang bibig at napirmi nang-laging nakangiti.

Alam kong napapansin iyon nang lahat, lalong-lalo na si Marjorie na kanina pa namumutla. Sa tagal ko nang kasama sya, Nasaulo ko na ang ugali nya, nasanay na rin kami sa lahat nang kaartehan nya. Pero ngayon, ibang -iba sya. Makikita mo sa kanya na parang gusto na niyang sumigaw pero natatakot sya.

Lilingain ko sana si Warren ngunit imbes na si Warren ang nakita ko, mukha nang nakangiting si Wency ang sumingit. Naka-titig ito sa akin suot ang kanyang naka-pangingilabot na ngiti. Kinikilanlang at pinag-mamasdan ang bawat kilos ko. Thinking about how she looks at me making me shiver.

Hindi ba napapnsin ni Warren na may nag-iba sa ate nya? She's really acting weird! Para syang isang halimaw na mamamatay tao na nag-tatago sa isang anghel... creepy..

Napansin naman ni Nathan ang pag-tatagisan namin nang titig ni Wency kaya't nag 'ehem' sya upang matawag ang pansin nang mga kasama namin.

"A-ayaw mo kumain?"-Marjorie na halatang napipilitan dahil sa kanyang fake na ngiti. Tumayo sya at Kinuha ang plato na may nag-lalaman na kanin para sana isalin sa plato ni Wency.

Nang ilalagay nya na ang kanin, bigla nyang nabitawan ang sandok dahil sa pag-kabigla nang bigla syang hawakan ni Wency sa braso, na parang pinipigilan sya. Napaka-misteryoso nang mukha ni Wency.
Hindi man lang nawala ang kakaibang ngiti nya , and she didn't even say a single word.

"A-ayaw mo? S-sige..."- Natatakot na sabi ni Marjorie. Dahan-dahan syang umupo at hindi na rin kumibo kagaya nang iba.

"Bakit, ate Giselle? May problema ba?"- seryosong tanong ni Warren. Geez. Napansin ata nyang hindi ako kumakain at nagmamasid lang.

"Ahh, ano kasi eh...., ---busog pa ko. Nasusuka ako--, excuse me!"-Pan-dahilan ko. No choice, na Hot-Seat ako. Baka kung ano pang-isipin non.

Tumayo ako at nag-mamadaling nag-punta sa Comfort Room. Mamaya ko nalang siguro kakauaapin si Warren. May napapansin kasi talaga akong hindi maganda, at may nararamdaman din akong may hindi magandang mang-yayari.

Isasara ko na sana ang pinto nang CR nang may humarang na kamay. Dahan-dahan kong ibinuka ang pintuan. Bumungad sakin ang isang naka-ngiting babae.


"Wency....."-

Survivor Where stories live. Discover now