Chapter 26

342 21 10
                                    


Warren's POV

"Tara na! Tingnan mo oh! Humina na yung ulan"- masayang wika ko, bilang pag-babago nang topic. Nararamdaman ko kasing hindi pa siya handa sabihin lahat. Lahat-lahat nang masasakit na nang-yari. She doesn't want to look vulnerable in front of me. In front of the people around her, at naiintindihan ko iyon.

Naramdaman kong gumalaw siya at inalalayan ako kaya't tumayo na rin ako. The rain was completely gone. Nag-simula na rin kaming mag-lakad , pasulong, na hindi pa rin namin nakikita kung saan kami pupunta.

Pinag-patuloy namin ang pag-uusap at pag-lalakad hanggang sa nag-bukang liwayway na. Hindi namin ramdam ang pagod at puyat. Tanging saya lang dahil nag-tatawanan kami sa sari-sarili naming itsura. Natawa rin kami nang makita namin na kaya pala hindi kami makarating sa highway ay dahil nasa bukana kami nang gubat at ilang metro lang ang layo nang highway kaya tanaw na tanaw iyon. Pasulong kami at ang highway na katabi nang gubat na hinahanap namin ay pasulong din kaya naman parang binabaybay na rin namin ang highway, ang pinag-kaiba nga lang, sa gilid kami dumaan, which is yung gubat nga.

"Hayy. Ang ewan naman non."- natatawang sabi ni Nicole. Ngumiti lang ako at humalakhak.

"May ideya ka ba kung saan tayo pupunta?"- i asked. She kust shrug her shoulders. "Actually, di ko rin alam eh."- she answered.

Tinahak namin ang pawang walang-katapusang kalsada na hindi namin alam kung saan tutungo. Wala akong balak bumalik pa kung saan kami nang-galing. Mas gugustuhin ko pang malaman kung nasaan ang dulo nang kalsadang ito at kung anong mayroon sa dulo nito. Seems like ganun din ang aking kasama na walang pakialam na lumalakad pasulong. Well, i don't care what struggles are we going to face after this, but one thing is really sure. I can go Anywhere, even in the home of million lions with millions of infected, as long as i'm with her, i can do anything.

"Huy! Nakikinig ka ba?"- she asked me while staring directly on my face. And again, ngayon ko nalang ulit siya natitigan nang malapitan. She really looks gorgeous, from inside out. Hindi siya kagaya nang ibang mga babae na dull. Well, ewan ko. Siguro inlove lang talaga ako.

"Uhh..."

Nanlaki ang mga mata niya. "I-ikaw yon? "- tanong niya. Huh? Ang alin?

"Ang alin?"- balik na tanong ko habang Naka-titig pa rin sa kaniya.


"Yung umungol! Narinig mo ba?"- Natatarantang tanong niya. Nag-simula na siyang luminga-linga kung saan-saan na parang hindi mapakali. May umungol ba?

"Baka naman ay guni-guni mo lang yon. "- pag-pupumilit ko. Kinakabahan kasi ako sa mga ikinikilos nya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako. Nag-lalakad sya pasulong habang hila-hula ako at palinga-linga na parang may hinahanap. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya dahil ayoko na ulit na mag-kahiwalay na naman kami. Never again.

Para kasi sa akin, ayos lang kahit hindi ko kasama sila Ate Wency at Ate Gisselle, pati na rin sila Nathan, sila Kris , si Marjorie, Lalong - lalo na si Aaron. Please don't get me wrong huh?, pero simula't sapul palang, hindi ko na gusto ang awra nang hinay*pak na iyon. Alam ko naman na kahit may Girlfriend na siya, may pag-tingin pa rin siya kay Nicole. Tss. What a jerk!

Kilala ko na si Nicole simula noong unang tumapak ako sa University, pinilit kong lapitan siya pero hindi ko magawa dahil marami rin palang gusto lumapit sa kanya na may mga masasamang balak. Nalaman ako na marami palang galit sa kaniya dahil may pagka-mayabang daw siya at kasali siya sa mga Fraternity na nang-yayari sa loob at labas nang school. Wala daw maka-angat sa kaniya dahil isa siya sa mga namumuno sa kanilang Fraternity.

Ang creepy man pakinggan ngunit naging stalker niya ko for almost 3 fvcking years. At hinding-hindi ko pinag-sisihan iyon. There comes a times na sinundan ko siya papuntang Laguna. Hindi naman ako ganoon kayaman pero may mga kotse kami dahil ang daddy ko ay may koleksiyon nang mga sasakyan at iyon din ang buisness nang family namin.

That time, bibigyan ko dapat siya nang regalo para mapansin niya ko pero lalo akong nag-taka nang malaman ko nang mag-tungo siya sa konpanya nang mga Jacobs. Kilala sila dahil sa kanilang Hospital at pag-gawaan nang gamot. Kilala rin ang pangalan ni Mr. Jacobs sa buong Buisness world dahil isa siya sa humahawak nang pinaka-malaking Hospital sa buong mundo. Isa rin siya sa mga stock holders nang aming business.

Sinundan ko siya sa loob nang Hospital at pumasok siya sa isang pinto sa ground floor na may Warning sign na dapat daw ay mag-suot nang Lab gown. Yeah, i know. Desperado nga ko. Eh ano? Papasok na sana ako nang buglang lumabas doon ang anak ni Mr. Jacobs. Doon ko siya unang nakita.

Si Daryll. Sya ang anak at nag-iisang taga-pagmana ni Mr. Jacobs. Sya si Daryll Djaen Jacobs. Tinitigan niya lang ako at nilag-pasan na parang hindi niya ako nakita. Ayun ang dahilan kung bakit pamilyar ang kanyang mukha noong kaming nag-kita sa bahay ko. Hindi ko rin siya pinaalis nong mga panahong iyon dahil alam sa utang na loob ko dahil hinayaan niya akong maka-pasok sa kanilang labolatoryo at itinutong kong utang na loob iyon.

Dahil don, nalaman ko ang plano ni Mr. Jacobs at nang mga kasamahan niyang scientist din. Nakiisa ako sa kanila at nalaman kong kasabwat si Nicole Minowa sa plano nilang mag-hari at umangat sa buong mundo. Alam ko yun lahat, lahat nang masasamang lihim nang matandang iyon kasama ang babaeng pinapangarap ko. Pero gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para mahalin ko siya. Hindi iyon naging dahilan para hindi ko ituloy ang nararamdaman ko sa kanya. Handa akong isakripisyo lahat. Pamilya ko, pinsan ko, mga kaibigan ko, kayamanan, maging ang sarili kong buhay, wag na wag lang siyang lumihis palayo sa akin. Dahil para sakin, iisa kami., at walang mga pag-subok ang magiging dahilan para iwan ko siya. Mahal ko siya. At handa akong isakripisyo ang buhay nang lahat, maging ang sarili kong buhay, para lang sa kanya.

"Uy Warren? Nakikinig ka ba? Natatakot na kamo akoo.."- saad niya. Huminto siya at lalo pang lumapit sa akin kaya niyakap ko siya. Yung yakap na hindi siya makaka-galaw. Yung yakap na nag-sasabing hindi siya pwedeng mawala sa tabi ko. At ang yakap na nag-sasabing hindi ko na kayang mabuhay nang wala siya.

"Huuuyyy?"- pinilit nyang gumalaw pero wala akong balak pakawalan siya. I smiled secretly. "Hmm, wag kang matakot. Nandito lang ako..."





If you are reading this, please tap the star below! Thank you!

Survivor Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu