Chapter 12 (UNDER EDITING)

476 58 20
                                    


Jamie's POV

"Nagugutom na ko, ate."- Ezekiel

"MAELEEE....! Ambagal mo!"- Sigaw ko mula sa sala.

Nandito kami sa bahay nila Maelee nag-iistay. Ilang buwan na rin nang magkahiwa-hiwalay kaming lahat. Mas minabuti naming wag lumabas hanggat hindi pa kami ready lumaban. Ni wala nga kaming weapon dahil naiwan lahat nang pumunta kami sa Library.

" Tatlo nalang nandito eh. Puro sardinas saka dalawang chichirya. May 1/4 na bigas pang natitira. Kakasya na ba to?"- Maelee

"Pwede na yan pang-dalawang araw. Pero kailangan nating makakuha pa." - ako

" Baliw ka ba? Marami kayang zombie dyan sa labas! "- Maelee

Eh alangan namang magutom kami dito?

Kumain kami at nang kinagabihan na, napilit ko rin si Maelee na kumuha nang supplies pang isang-buwan. Gabi kami aalis kasama si Ezekiel. Hindi naman namin pwedeng iwanan yang kapatid ni Nicole . Hindi na nga namin alam kung buhay pa yung ate nya o ...

**************

" Psssssh. Wag ka mag-iingay ha?"- pabulong na saad ko kay Ezekiel at tumango naman sya.

" Saan ba tayo?"- Maelee

Mag aalas-onse na nang gabi kaya hindi kami masyadong pansin nang mga zombie. Wala rin kaming kahit anong dalang sasakyan dahil wala naman talaga kami non.

"Ayun! Yung malaking building. Sa pagkakaalam ko kasi eh, convinience store yan. Dyan kasi kami bumili nang gamot at mga sabon. May nakita rin akong mga de-lata dyan. Puntahan natin."-suhestiyon ko

Pinuntahan namin ang convinience store na may logo na PX. Medyo mabagal nga lang ang kilos namin dahil masyadong madilim. Wala kaming dalang flashlight dahil baka habulin kami nang mga zombie.

Nasanay na din naman kami sa dilim. Ilang buwan na kaming naglalakad nang walang ilaw dahil wala na yatang kuryente sa halos buong lugar. Wala kaming mahagilap na radyo. Hindi pa rin namin napagpapasyahang pumunta sa mga safe zone o evacuation center dahil walang kuryenteng nagpapatakbo sa mga gadgets kaya hindi namin alam kung saan kami mag-eevacuate.

Saka Mas gugustuhin pa naming mag-stay sa bahay nila Maelee dahil baka pag napunta kami sa mga evacuation center at magkaroon nang aberya, mas mahihirapan pa kami lalo na't may kasama kaming bata.

"Kunin mo lahat nang mapapakinabangan. May mga cart dun. Wag na lang yung di-tulak . Baka mag-ingay yung gulong."- Ako

Hindi madali saming gawin to lalo na't mga highschool student palang kami. Junior Highschool sila at senior highschool naman ako. Wala naman saming hindi natatakot. Palakasan nalang siguro nang loob.

Kasama si Ezekiel, inikot ko ang isang stall nang mga sabon. Inilagay ko sa basket lahat nang nakuha kong shampoo, sabon, pabango, lotion at mga cream. Alam kong pagkain dapat ang inuuna namin, pero hindi naman namin pwedeng hayaan ang kalusugan namin.

Hindi ako masyadong nahirapang kumuha nang mga supplies dahil saulado ko na to. Nasabihan ko na rin si Maelee na pagkain ang kunin nya at ako nang bahala sa pang-hygiene.

Naka-limang basket din kami. Dalwa ang buhat ko at tatlo ang kay Maelee. Syempre may hawak akong bata kaya mahirap.

Nang papalabas na kami, may naaninag akong pigura nang isang matangkad na lalaki na may kasamang.... babae..? Ewan. Hindi ko masyadong maaninag dahil sobrang dilim. Nakita ko lang dahil sa dala nilang flashlight.

Survivor Where stories live. Discover now