Chapter 17

387 30 10
                                    



"Kailangan nating maging maingat sa bawat hakbang. Medyo mahihirapan tayo mamaya dahil umuulan pero wala na tayong ibang magagawa kundi mag-evacuate. Mas marami tayong makakasalamuhang survivor don at makakakain pa tayo."- Daryll

Nicole's POV

' 7:44 pm'

Inalis ko ang tingin ko sa aking relo bago ko tinapunan ng tingin ang papel na pinagsulatan nang mga plano ni Daryll. Mas maganda daw kung gabi kami aalis. Mas maganda naman talaga lung gabi, medyo mahirap nga lang dahil sensitibo ang mga zombie kaya hindi kami pwedeng gumamit nang flashlight.

10:30 pm namin balak umalis at mag-evacuate. Sa Watercreek Mill farm namin balak pumunta. Kakaunti pa lang daw kasi ang mga taong naroroon. Ngunit medyo malayo at maputik sa lugar na iyon dahil parteng probinsya.

Yep. Sa malayo sa city namin balak pumunta. Mas marami kasing infected ang nasa mga city kumpara sa mga ma-gubat na lugar. Ilang araw rin kaming naghanda para sa gagawin naming pag-eevacuate. Pagkain, Gas, at kung anu-ano pang damit ang dinala namin.

Mga ilang araw din ang gugugulin namin dahil from Cavite to Bicol kami. Nasa parteng bicol daw kasi ang location nang Watercreek Mill. Ilang araw din ang ginugol namin para maghanda. Ang pinaka-problema lang namin ay si Ezekiel. May lagnat kasi sya, kahapon pa. ayaw nya namang inumin ang mga gamot na ginawa ko. Plus, hindi sya makakain nang maayos.

"Okay ka lang?"- Tanong ni Maelee

Ngumiti lang ako sa kanya. Means, okay ako. Pagkatapos nang sagutan namin, 2 weeks ago, na-realize ko lahat nang sinabi nya. Tama naman. Actually, mas nahihirapan nga sila pero hindi nila isinumbat sakin yon. Tinutulungan pa rin nila ako pagkatapos nang mga problemang kinakaharap namin pare-pareho. Pero ako? Wala man lang naitulong sa kanila kundi naging pabigat pa! Hayyss naman!

Maya-maya pa, tinawag kami ni Daryll para kumain. Hmm, may naamoy talaga akong malansa kela Maelee at kay Daryll ehh. Something i can't explain! Hahahah pero support ako sa kanila.

As usual, wala pa ring pinagbago ang pagkain. Walang kanin. Cannedfoods pa rin pero hinaluan nang konting dahon nang ampalaya mula sa bakuran nila Maelee. Buti nga't nakakakain pa kami nang bagong luto dahil sa generator. Kung wala sigurong generator, bulok na kami dahil sa de-latang pagkain.

Pero kahit ganun, nalalaman pa rin naming magaling magluto si Daryll. Kahit papano pala'y may silbi sya. Nagbago na rin ang attitude nya. Dati, para syang badboy na mayabang na ewan. Pero ngayon, aba! Bumait! Syempre dahil yon sa kaibigan kong si Maelee ❤️😂✌🏻

Nang matapos na kami kumain, nagpahinga lang kami at nag-antay hanggang mag-10:30 pm na. Pero dahil sa na-bored ako, pinaki-alaman ko ang sirang radyo nila Maelee at inayos.

Nagsalita ulit nang balita sa radyo pero parang katulad lang din nang mga huli naming napakinggan. At umulit lang din yon nang umulit. So nirerecord lang nila lahat nang ibinabalita? Hindi man lang namin alam kung ligtas pa ba sa evacuation center ngayon. Siguro nung mga panahong ni record iyon, ligtas pa sa lahat nang evacuation area, eh pano na ngayon? Ni hindi nga namin alam kung kelan pa yung balita na yon eh.

Sinilip ko sila Maelee sa Living room. Hindi namam nila ako nakita dahil nakatago ako sa kusina.

Mukha silang isang masayang pamilya. Si Maelee at si Daryll. Pare-pareho kaming mga menor de edad pero lumalaban pa rin kami. Lumalaban kami kasi kailangan. Pero kung tutuusin, ako lang ang dapat na lumaban.

"Nicole! Nasan ka na?! It's Already 10:04 pm! "- boses ni Maelee

Bahagya akong napatawa sa kanyang pananalitang hindi ko inasahan. "Oo na."- tugon ko bago itinabi ang radyo at pumunta sa living room para ihanda ang mga gamit namin.

****************

Wency's POV

Dahan-dahan akong naglalakad sa gitna nang mapunong paligid. Medyo nanghihina na rin ako dahil ilang buwan nang hindi ako nakakakain nang kanin o anumang mabigat sa tiyan. Puro prutas at gulay na hilaw lang ang kaya kong kainin sa gitna nang malaking gubat.

Oo. Naligaw ako sa gubat matapos naming maghiwa-hiwalay. Ilang buwan din akong umikot sa buong gubat pero parang hindi ko na makita ang daan pabalik.

Nagpalinga-linga ako sa paligid nang may marinig akong kaluskos.

Alam kong hindi ka infected!

Alam kong tao ang mga kaluskos na naririnig ko. Hindi naman ako ganun katanga para hindi iyon malaman.

"Shh..."- ang huling boses na narinig ko mula sa likod bago ako makaramdam nang hapdi sa bandang dibdib ko.


****************

Nicole's POV

"Kumpleto na ba lahat nang mga gamit natin?"- tanong ni Daryll na nag-aayos nang manibela yata.

Kasalukuyan kaming nasa loob nang van at inaayos ang mga supplies namin nang mga pagkain. Mahirap na. Baka kulangin. Hindi na rin namin poproblemahin ang mga infected sa labas dahil tinted naman tong van. At isa pa, hindi naman madaling mababasag ang Van dahil pinalitan namin ito nang mas matibay na Glass para hindi agad mabasag.

"Ayos na. Wala na naman siguro tayong nakalimutan. Ang creepy nang bumalik sa loob nang bahay eh. Baka makatakas pa si Jamie dun."- Maelee

Buti nga't naka-recover na kami kay Jamie eh. Palawakan lang nang isip. Hindi pa naman sya patay. Kailangan lang namin makadiscover nang vaccine ang then , viola! Babalik na ulit sya sa Normal.

"Si Ezekiel? Kamusta dyan?"- Daryll

"Kasalukuyang natutulog. Napakain ko na sya kanina at mukhang bumubuti na ang lagay nya."- Maelee. Yep! Si Maelee po ang nag-aalaga sa kapatid ko dahil ako'y gumagawa nang gawaing bahay at nag-eeksperimento. Si Daryll naman ang nag-aayos para siguraduhin na safe kami kahit na-iimmune na ang mga zombie.

Binuksan nya na ang makina nang kotse at dahan-dahan itong umandar. Ibinigay ko kay Maelee ang mapa at sya ang tumingin. Hindi kasi maayos na makikita ni Daryll yung mapa dahil sya ang nag da-drive.

Mula sa highway na tinatahak namin, kitang-kita ang mga iilang bilang nang zombie na lumalapit sa kotse namin. Nakakatawag pansin iyon sa iba, dahilan para habulin nila kami ngunit hindi naman sila aabot.

"Matulog ka muna. Alam kong pagod ka."- saad ko kay Maelee na parang hilong-hilo na.

*****************

A/n: Hellooooo ❤️ Yung totoo, hindi ko na alam kung pano ko papaikutin yung story 😂

Pero soooorrryyy talaga sa mga silent readers na nag-aantay nang update koo 😭😭😭 sowwy poo

Btw, again, Thanks to all na nagbabasa nang story na to kahit walang kwenta.

-Fiercing Queen ❤️
( Ms_Aquaphobia)

Survivor Where stories live. Discover now