Chapter 11 (UNDER EDITING)

463 66 41
                                    


Nicole's POV

"Tang*na! Mamaya na kayo maglandian! Mamamatay tayo dito!"- sigaw ni Daryll

Itinulak ko ulit papasok nang pinto si Aaron para makapasok kami. Bigla nalang kasi syang lumabas dun sa pinto na sinasabi ni Warren na may Daanan daw papunta sa gubat.

At oo! Tama kayo nang nabasa. Nagbabalik si Aaron. Yun nga lang, Mas pinapangit Version.

Ang gara na nang hitsura nya. Ewan ko. Siguro kaya ko sya naging crush dati kasi dahil sa looks nya..? Kadalasan kasi ganun eh. Lalo na noon, hindi ko maiiwasang kiligin tuwing dumadaan sya sa tapat nang Room namin.

Yun nga lang. hindi halata. Syempre, dalagang Pilipina , Yeah!
Jokk.

Pero hindi nga, ganun talaga ako noon. Aminin nyo man ito o hindi, lalo na karamihan sa girls, kapag nakikita nyo crush nyo, buo na araw nyo. Tapos, pag di na ninyo sya crush, pumapangit na sya.

Ewan ko kung ganun yung nararamdaman ko kay Aaron o sadyang pumangit talaga sya. Nagmukha syang dugyot.

Pero sa sitwasyon kasi namin, parang wala nang pakialamanan sa itsura. Survival na to eh.

" Ikaw lang ba mag-isa nagpunta rito?"- Tanong ni Warren sa kanya

" Actually , hindi. Kasama kong pumunta dito sila Wency, Kris at Neithan."- Aaron
"Yun nga lang, Hindi ko alam kung nasaan sila."- dugtong pa nya

Bigla akong nabuhayan nang loob. Kung kasama nya sila Wency, may chance na kasama nila yung kapatid ko!!!

" Ba't nga pala kayo napadpad dito?"- Tanong naman ni Daryll

" Naghahanap kami nang makakain. Kaso, bigla kaming hinabol nang mga zombie kaya nagkahiwa-hiwalay kami. Pumunta ako dito kasi gumawa si Wency nang Mapa papunta sa bahay nila dahil marami daw naka-imbak na pagkain sa kwarto nya. Pero hindi naman namin alam na may tao pa dyan."- Aaron

Napahinto kami sa paglalakad nang tumigil si Warren.

" Meron nga pala. Sa kwarto ni Ate!"- Saad nya sabay lingon samin.

" ANO!? BABALIK PA TAYO?!"- Daryll

" Dude, wala na talagang makakain dun. Kung makakaligtas man tayo sa kagat nang zombie, mamamatay naman tayo sa gutom."- Aaron

" May alam akong Grocery store malapit dito. Siguro pwede tayong pumunta don."- pagsabat ko.

Sumang-ayon naman sila.


************

"Sino-sino kayong magkakasama ?"- tanong ni Warren

Nasa may Parang tunnel parin kami papunta sa gubat.

"Ako, si Neithan, si Kris, si Wency, Girlfriend ko, saka si Giselle. Kami lang. hindi ko na alam kung nasan ung iba gawa nang naghiwa-hiwalay na kami."- Aaron

May girlfriend na sya? Wehh? Yung parang gusto mong manghinayang pero wala ka nang nararamdaman? Feel me?

"Ows? Sino girlfriend mo? Congrats!"- Masayang bati ni Warren na may pag-apir pa

Ngumiti namam si Aaron

" Si Marjorie."- sagot nya

Hun??? Akala ko ba patay na yun?-- i mean, Zombie na rin?!

Parang ayoko na tuloy sumama sa grupo nila Aaron. Kaya nga kami nagkahiwa-hiwalay dahil kay marjorie eh, tapos makikita ko na naman yung babaeng haliparot na yun?!

Survivor Where stories live. Discover now