F3. The First Fool's Card

6.3K 170 36
                                    

DUMERETSO na si Aya ng uwi. Muntik pa siyang makadisgrasya ng kariton sa daan dahil sa galit na nararamdaman.

Nagulat pa ang ina nang mapagbuksan siya. "O, ang aga mo naman yata? Ba't ni wala ka man lang dala?"

Hindi pinansin ni Aya ang pagtatanong ng ina at nagtuloy-tuloy nang umakyat ng hagdan.

"Aba'y  tingnan mo itong batang 'to at pagkabastos." Napamaywang ang ina. "Hoy, Aya! Kinakausap pa kita!"

Hindi pa man nagtatagal na dumating si Aya ay siya namang pagdating ni Yuna.

"O, hija. Nandito ka rin." Napakunot ang ina ni Aya sa hitsura nito.

"Hi, Tita Belen," ang bati ni Yuna na medyo hingal pa. "Kailangan ko pong makausap si Aya." Iyon lang at iniwan na rin nito ang matanda at umakyat na ng hagdan.

Napasunod na lang dito ng tingin si Belen. Sa isip ay pinagtagni-tagni ang nangyayari. "Iyong dalawang iyon— nag-aaway ba sila?"

Sa loob ng kuwarto ay nakaupo sa kama si Aya. Her eyes were red because of unshed tears. Hindi niya alam kung ano ba ang iisipin. Parang sasabog sa sakit ang dibdib niya. She shook her head and covered her face with her palms. She didn't want to cry.

She was cut off from her trance by the knocking on the door.

Inis na nilingon ni Aya ang pinto. Naitirik niya ang mga mata sa pag-aakalang ang ina iyon. Kinalma muna niya ang sarili. "Bakit po?"

Tanging katok lang ang nakuha niyang sagot. Mas madami iyon.

Aya groaned in annoyance. "Ano ba 'yan!" Inis na napakamot siya sa ulo at napilitang tunguhin ang pinto. "Ano ho ba y— "

Natigil ang sasabihin niya nang si Yuna ang mabungaran sa kabilang bahagi.

Agad na nagdilim ang anyo niya. Ibabagsak na sana niyang pasara sa mukha nito ang pinto, ngunit nagawa nitong pigilan iyon.

"Aya, let's talk, please...."

"Wala tayong pag-uusapan! Umalis ka na!" matigas niyang turan. Muli niyang sinubukang isara ang pinto, pero malakas ito at hindi nagpatalo.

"Aya, please naman. Pakinggan mo muna 'ko," pakiusap pa nitong pigil na ng katawan ang pinto.

"Sapat na ang nakita ko para maintindihan ko ang lahat. Isa kang manloloko, Yuna. Pinasakay mo lang ako at pinaglaruan," sumbat niya rito.

Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Yuna, pero hindi pa rin iyon nakabawas sa galit niya.

"Puwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag?" anito sa malungkot na tinig.

"At anong kasinungalingan ang tatahiin mo upang mapaniwala ako, ha?" galit pa ring wika ni Aya. Nilalamon ng sakit ang puso niya. "Umalis ka na!" Muli niyang sinubukang isara ang pinto pero hindi nagpatinag si Yuna.

"Just hear me out, please...." pagsusumamo pa nito.

"Bitawan mo," matigas niyang utos.

Umiling ng mariin si Yuna. "Ayoko. Unless you talk to me first."

Nangalay na din si Aya at binitawan na ang pinto. Medyo humihingal ang dibdib. "Five minutes," aniyang matiim na nakatitig dito.

"Aya naman— "

"— three."

"Okay, okay. Fine," medyo nataranta namang turan nito, nakataas ang dalawang kamay. "Please let me in first."

Napipilitan pang humakbang sa gilid si Aya upang paraanin ito.

Pabagsak na isinara ni Aya ang pinto nang tuluyan itong makapasok.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon