41. Fly away

2K 83 16
                                    

She was sure Yuna was going to fall. It was what the air was telling her. Then she saw it…

Yuna’s body jerked once. It was as if a button was pressed, and she thought she heard a click. Then she saw Yuna’s eyes shut closed, body falling limp and head dropping.

Her adrenaline suddenly kicked in. She felt a sudden surge of energy on her skin. And she ran – as fast as a lightning.

“Yuna!!!!!”

Kasabay ng pagsigaw ng mga tao ay ang mabilis na pagtakbo niya. She was just in time to grab the falling woman’s arm and she pulled hard, grabbing Yuna’s waist on the process.  Their bodies met the ground with a thud.

“Ah!” she cried at the impact. Patagilid silang bumagsak sa damuhan.

Isang sigaw muli mula sa mga kasamahan ang pumunit sa paligid.

Hingal si Alexa nang muling imulat ang mga mata. Sa bisig niya ay ang walang malay na si Yuna. Their feet were dangling dangerously at the edge of the cliff. “Tulong!” sigaw niya sa mga kasamahan.

Sina Ibrahim at Gavril ang unang nakalapit sa kanila at agad na dumalo. Hinila sila ng dalawa palayo sa bangin.

Agad na tinakbo ni Helena ang anak na hawak na ng asawa, habang si Gavril ay inalalayang makabangon si Alexa.

“Oh God… Oh my God… Yuna… Yuna, anak… gumising ka,“ yugyog ni Helena sa anak na wala pa ring malay. Bumaling sa asawang nasa tabi, “anong nangyari sa kanya, Ibrahim?”

“She must be too exhausted, Ma’am…” hingal pa ding wika ni Alexa. Sapo ang kaliwang balikat at bahagyang napapangiwi dahil doon. Sa tabi niya ay nandoon pa rin si Gavril na nakaalalay sa kanya. “Nawalan lang siya ng malay. Sa palagay ko ay wala siyang tulog simula pa kagabi.”

Napalingon ang mag-asawa kay Alexa. Tigagal at bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mga ito.

“T-Thank you... thank you very much…”

Nagulat si Alexa nang hawakan siya ni Helena sa braso at magpasalamat ito sa kanya. Ngumiti siya dito. “Wala pong anuman.”

Nagkatinginan naman sina Jessica at Aya na nasa malapit lang din. Nakikita nilang totoo ang pagbabago sa mag-asawang Smith. Bumaling ang tingin nila kay Yuna, bakas ang relief sa mukha ng dalawa nang makitang ligtas ang babae.

“I wasn’t fast enough. If it wasn’t for you… she must have – “ si Ibrahim na nakatingin sa anak “ – God…” halos ayaw nitong isipin kung ano ang maaaring nangyari.

“Nasaan ang ambulansya? Bakit wala pa?” ang tanong ni Helena.

“Ang chopper na po ang magdadala sa kanya sa ospital,” si Gavril ang sumagot.

Napatingin silang lahat sa direksyon ng ibon. Nakalapag na pala iyon sa lupa. Mula roon ay nakita nilang lumabas ang dalawang tauhan ng Vermont na may dalang stretcher.

“Can we come with you? We’re her parents,” tanong ni Helena sa medical personnel nang mailipat na sa stretcher si Yuna.

“Yes, of course Ma’am. Sumunod na po kayo sa amin,” sagot ng isa sa mga ito.

Sinulyapan muna ng mag-asawa ang mga naiwan at tinanguan ang mga ito.

“That was so close…” mahinang turan ni Aya. Nakatayo na silang lahat habang nakatingin sa papalayong chopper “I was really scared.”

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now