12. Two sides of the coin

2.7K 114 13
                                    

About a week passed.
6:01 pm.

Oras na naman ng uwian. Aya sighs. She watched as her colleagues shuffle through their things, readying to go home.

"Glen... you have to finalize your design by tomorrow morning. Kailangan na nating ipasa iyon sa manufacturers," narinig niyang paalala ni Ms. Pat sa dalaga nang madaanan ang babae.

"Okay, Ms. Pat," Glen answered. Then the old woman turned to the others, striding confidently and with authority. She was doing rounds on the designers bago magsipag-uwian.

Then Ms. Pat turned to Aya, stopping on her tracks. "Good job, Aya. Keep up the good work. And please... no more absences," she said pointedly at her. Hindi na nito hinintay pang mag-respond siya at nagtuloy na sa kanyang opisina.

"Hay... finally, natapos na din ang araw na 'to... makikita ko na ang aking fafa," rinig niyang sabi ni Tim mula sa likuran, na tinawanan naman ng ibang kasamahan. Napangiti rin si Aya rito. Si Tim ang clown ng team nila.

Sinundan iyon ng iba't ibang reaksyon ng iba. Bawat isa ay mayroong kanya-kanyang ganap sa buhay. Si Aya lang ang hindi maka-relate sa kanila.

Tumayo na siya at nag-ayos na rin ng sariling gamit. Trabaho at bahay, iyon na lang ang naging normal routine ni Aya. She's starting to get bored of her life. She looked at her cellphone. It was unusually quiet. Bibihira na rin siyang makipag-mingle sa mga kaibigan, ni ang kausapin ang mga ito. Kaya siguro nawalan na rin ang mga ito ng gana na kausapin siya. She only had few friends. Wala rin siyang hilig makipag-socialize kung hindi rin naman related sa trabaho. Marami din naman siyang nakikilala dahil sa line of work niya. Hindi lang talaga siya palakaibigan. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang magampanan ng maayos ang trabaho.

Kahit si Alexa na araw-araw nangungulit sa kanya ay tahimik yata ngayon. Hindi pa sila nagkaroon ng chance na magkita ulit dahil busy din umano ito sa trabaho. Si Ivy naman ay nasa malayong probinsya. Bibihira lang itong makauwi ng Maynila.

"Aya, gusto mo bang sumabay sa 'kin? Isang way lang naman tayo. Okay lang sakin na ideretso kita sa inyo," alok ni Bridgette.

Wala kasi siyang dalang kotse ngayon dahil coding ang kotse niya. Pwede rin naman sana niyang gamitin ang kotse ng ama but she doesn't feel like driving today.

Aya smiled gratefully at the woman. "Salamat, B. Pero mas gusto kong mag-commute na lang ngayon."

"Are you sure? Baka naman nahihiya ka lang, ha?" Bridgette asked good-naturedly.

"Hindi, ano ka ba. Mas feel ko lang talagang mag-commute to... you know... interact with other people na rin siguro. Kaya siguro... maglalakad-lakad muna ako. Medyo nababagot na kasi sa buhay ko," Aya answered, sighing. "Maybe I needed to get out more."

"Hmm... you really should. Mas mapapadali ang pagpapagaling mo sa sarili mo kung isi-share mo iyan sa ibang tao at lilibangin mo ang sarili mo. At saka, kami... we're just here for you. If you wanted to talk, then let's talk. If you wanted to have fun, then let's have fun. Masyado ka lang kasing loner eh," anitong tinapik ng marahan ang braso niya.

"Tama..." singit naman ni Tim. Nakalapit na din pala ito sa kanila. "Kung hindi ka lang namin nakasama na ng matagal, iisipin naming suplada ka at masungit. Although, may katotohanan din naman iyon," biro pa nitong napatakip pa sa bibig at maarteng tumawa. "Pero... alam naman namin na mabait ka eh. Saka, gaya ng sabi ni Bridgette, masyado ka lang loner kasi. Kaganda-gandang babae eh, napakaseryoso. Okay lang naman mag happy-happy minsan..." anito sa baklang-baklang tono. Natawa nalang din si Aya rito. "Kaso nga lang ngayon, hindi ako puwede kasi may dinner date kami ng hubby ko."

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now