F5. Over and Done

3.8K 136 40
                                    

IT HAD BEEN two days after Aya saw Yuna and Mike together, again. Yuna called a couple of times but she ignored all of it. The redhead also sent her a lot of texts, but she just erased them without even reading. She had enough of Yuna's bullshit.

"So, let's meet after work? I'll be out by four. May ipapasa lang din ako sa office," said Ivy on the other line.

It was Aya's break time, and Ivy called her. Nagtatanong ang journalist kung okay na ba siya. Her friend must be wondering about the whole story. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol sa kanila ni Yuna.

"Sure. Walang problema sa 'kin. But my work ends at six. Would that be fine?" tugon naman ni Aya. Gusto rin niyang magpasalamat muli sa paghatid ng kaibigan nang nakaraang gabi.

"Sige, okay lang. Siguradong traffic din naman mamaya," sagot naman ni Ivy.

"Saan nga pala tayo magkikita?"

"Diyan na rin sa Makati. Tutal, mahuhuli ka rin namang lalabas," Ivy suggested. "You know a place?"

"Yeah. Do you fancy Chinese? There is that restaurant that I love."

"Chinese sounds good."

"All right. I'll just text you the address."

"Okay. See you, Aya."

NATAPOS ANG ARAW ni Aya ng matiwasay at walang mangkukulam na nang-iistorbo sa kanya. Ito na ngayon ang tawag niya kay Yuna. Ang galing kasi nitong magmanipula. Blocked na rin ang number nito, pero aminado si Aya na nami-missed din niya ang babaeng may pulang buhok. Talagang mahal niya si Yuna at siguro ay mahal pa rin, sa kabila ng panlolokong ginawa nito. Aya didnt need to clarify everything; what she witnessed was enough. Subalit hindi pa rin niya maiwasang mag-isip... paano kung wala naman talagang namamagitan sa mga ito? Hindi pa rin niya mapigilang umasa. Or maybe she was just being a fool.

'Huwag ka nang magpapakatanga sa pangalawang pagkakataon, Aya,' kastigo niya sa sarili.

Nasa restaurant na siya at hinihintay si Ivy. Fifteen minutes na rin siyang naroon. Maya-maya pa ay namataan na niya ang kaibigan na nagmamadaling papasok. Ngumiti siya at kumaway dito.

Ivy on the other hand, had a scowl on the face. Nanghahaba ang nguso nito sa pagkasimangot. "Hey... Sorry I'm late. Sobrang traffic! Gods, hindi pa rin nagbabago rito. Muntik na akong maubusan ng buhok kanina!" reklamo nito nang makalapit. Pasalampak na naupo sa silya.

Tiningnan ni Aya ang kulot nitong buhok na lalong nagmukhang buhaghag. Natawa siya sa kaibigan. Naalala niyang dati ay madalas niya itong asarin tungkol doon. "Gano'n talaga... Puwede ka na ngang mag-camping sa Edsa sa sobrang traffic. Minsan parang mas okay pa ngang maglakad na lang. Kaya ang ginagawa ko, pinapalipas ko muna ang rush hour bago ako bumyahe."

"Hay, sinabi mo pa!" Ivy seconded, sounding exhausted. "Anyway... Have you ordered?" tanong nitong magkasalubong pa rin ang medyo may kakapalan at maiitim na kilay.

"Not yet. Inantay muna kita. And besides, fifteen-minutes pa lang naman ako rito," sagot ni Aya.

"Oh, good. I thought I made you wait for too long, considering mas nauna pa akong bumyahe kesa sa'yo. Ang kaso, inabot naman ng mahigit dalawang oras," anitong napaungol. Quezon City pa kasi ito nanggaling. "Well... Let's order, then," Ivy said and gestured for a waiter, lifting a tanned hand.

They made their order, while another waiter served a mango shake to Ivy. Aya ordered it for the journalist a while ago. Mayroon na ring sariling inumin si Aya kanina pa.

"So... How are you? You seem better than last time. Mind sharing?" Ivy asked while stirring the shake. She took a sip and closed her eyes, seemingly refreshed by the drink. "Ah... Heaven. Natatandaan mo pa rin ang paborito ko," nakangiti nang saad nito. The journalist looked at Aya expectantly, waiting for a reply.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now