20. I am Confused

2.6K 93 10
                                    

"---ako na lang mahalin mo."

"What?" Aya questioned the silly woman. Her ears were still ringing because of the continuous explosion. She didn't catch what Alexa had said.

Alexa straightened her back. She contemplated if she should repeat her words, but thought better against it. She just smiled instead and shook her head. "Wala..." aniyang napakamot sa batok. "Ang sabi ko lang, mabuti at nagustuhan mo... Iyong fireworks." Maybe it was not the right time yet, the silly woman thought. Alam din niyang masyado pang magulo ang utak ngayon ni Aya, ayaw na niya iyong dagdagan pa. Ayaw na din niyang masira pa ang maganda na nitong mood ngayon.

"Ah... Yeah, I love fireworks," Aya said. "Salamat, Alexa. You really made my day... and night too," she smiled gratefully at the silly woman, and turned to lay down again.

Pinilit naman ni Alexa na gantihan ang ngiti ng designer. Sumunod na din siyang mahiga dito. Sa loob-loob ay labis ang panghihinayang. She was too close. Too close.

Alexa heaved a deep sigh.

"Ang lalim no'n ah..." ang puna ni Aya.

"Wala. Masaya lang ako, dahil napasaya kita," ang sagot na lamang ng palalong babae.

Hindi na nagkomento pa doon si Aya.

Ilang sandaling katahimikan lang muli ang namayani sa dalawa. Hindi na rin nagsalita pa si Alexa. Naghihimutok pa rin ang kalooban niya dahil sa naudlot na pag-amin. 'Tsk,' lihim na palatak niya.

Ilang sandali pa ang lumipas ay bigla silang nagulantang sa isang tunog ng papalapit na sasakyan.

They both got up in a sitting position and peered at the source. Headlights hovered from the way down, where they came from before.

Aya frowned. "Who was that?" She asked Alexa.

"I called for them," the silly woman answered, then turned to stand.

Napaisip naman si Aya, she didn't saw Alexa used a phone. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon, siguro'y hindi lang niya napansin. "'Yan na ba ang sundo natin?" Tanong niya.

"Nah. They only brought dinner. Maaga pa naman 'di ba?"

Napaisip muli si Aya. "Teka nga... Puwede naman pala tayong mag-sasakyan papunta dito, bakit tayo naglakad kanina?" Aya stood too, and crossed her arms at the silly woman.

"Eh--- hehe..." Alexa laughed nervously. Napakamot na naman sa batok.

Hindi maiwasang ma-amused ni Aya sa palalong babae. Napapansin kasi niyang mannerism na nito ang pagkamot sa batok, tuwing may ginagawang kabulastugan.

"Ano kasi--- hindi ba nga't busog na busog ka kanina?" Pagdadahilan ni Alexa.

Napailing na lang si Aya at inirapan ito. "Sira ka talaga."

Tuluyan nang nakaakyat ang sasakyan at may dalawang lalaking bumaba mula roon. Kagaya ng sinabi ni Alexa ay may bitbit nga ang mga itong pagkain.

"Good evening, Ma'am Alexa," ang magalang na bati ng isa "nandito na po ang pinahanda ninyo."

"Right on the dot, Pio," ani Alexa na nakatingin sa kanyang relo. Ibinaba na muli ang kamay at tinuro sa direksyon ng tent "ilapag niyo na lamang doon sa mesa. Maraming salamat."

Tumango naman ito at agad na tumalima. Kaagad ring umalis ang dalawa matapos mailapag lahat ng pagkain.

"Let's eat?" Ang tuon ni Alexa sa designer.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu