22. The Dragon

2.4K 97 9
                                    

"Hi, Tita Belen! Good morning!"

It was Alexa, from outside the fench, greeting Aya's mother with such an enthusiastic vibe.

Belen couldn't help but smile at the silly woman. She loved how lively and energetic Alexa was. The old woman put down her gardening tools and turned to open the gate for Alexa.

"Good morning din naman sa'yo, hija," ang natutuwang bati rin ng matanda.

"Si Aya po?" Tanong ni Alexa nang makapasok ng bakuran.

"Naku, nasa higaan pa at natutulog," sagot ng matanda "Sandali at gigisingin ko muna."

Pinigilan ni Alexa ang matanda. "Naku, huwag na kayong mag-abala pa, Tita. Mukhang busy rin ho kayo. Ako na lang ho ang bahalang kumatok kay Aya," anito at patakbo nang pumasok ng bahay.

"Sandali, Alexa---" sasabihin sana niyang may kasama sa kuwarto si Aya, pero mabilis nang nakaalis ang palalong babae. Nagkibit-balikat na lamang si Belen at bumalik na sa kanyang gawain.

Mabibilis ang mga hakbang na inakyat ni Alexa ang hagdan. Hindi nawawala ang ngiti sa labi. Nang tumapat sa pinto ng sinisinta ay sunod-sunod na kumatok. "Aya... Open the door!" Tawag pa niya. Muli siyang nagpakawala ng sunod-sunod na katok nang walang makuhang sagot.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang boses ni Aya.

Inihanda na ni Alexa ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang mukha.

Bahagyang umawang pabukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang diyosa--- na nakapikit at halatang antok na antok pa.

"Ano ho 'yon?" Ang tanong nito sa malat pang boses.

Alexa couldn't help but chuckle. 'Ang ganda talaga,' ang nasabi niya sa sarili. Kahit pa ba sabog-sabog ang buhok nito at tila lasing na nakasandal sa hamba ng pinto. Nakasuot ito ng oversized shirt na bahagyang nakalilis na sa balikat nito at cotton short-shorts na halos hindi na makita dahil sa may kahabaang damit. 'Hmm... sexy,' pilyang isip pa ng palalong babae.

"You look really beautiful, fresh from the bed," Alexa remarked at the still half-asleep woman.

"Hmm?" Aya just grunted as a response. Mukhang nasa dreamland pa ito.

Alexa chuckled again and pinched Aya's cheek. "You're just too cute..."

"Ouch!" Daing ni Aya at hinaplos ang pisngi.

The designer finally opened her eyes and was shocked when it was Alexa that she saw, in front of her. "Ikaw???" Gulat na tanong ni Aya.

"Good morning to you too, sleepyhead," nakangiti pa ring bati ni Alexa rito.

"Ugh!" Aya groaned in displeasure "ang aga naman ng pambubulahaw mo. Ang sarap-sarap ng tulog ko eh..." reklamo pa.

"Alas nuwebe na kaya... ikaw lang itong late ang gising," wika naman ni Alexa.

"Seriously?" Tanong ng designer at nilingon ang wall clock sa loob ng kanyang kuwarto. 9:15AM. Early riser kasi siya at normally ay alas-siyete siyang nagigising. Pero linggo naman kasi. Itinuon niya muli ang tingin kay Alexa "but it's still early!" Napapadyak pang reklamo muli ni Aya.

Amused lang na napangiti si Alexa sa tinuran ng designer, pero ang mga ngiting iyon ay kaagad nabura nang isa pang babae ang bumungad mula sa loob.

"Hey, hon... Who's that?" Ang tanong nito, sabay kawit ng braso sa leeg ni Aya.

'Hon? Just who is this woman?' Naitanong sa isip ni Alexa. Kunot ang noong pinasadahan niya ng tingin ang babae. Matangkad ito, morena ang kutis, at may itsura rin. Natuon ang mata niya sa kulot nitong buhok na mas malala pa yata sa buhok niya ang pagkagulo, at sa damit nitong gusot-gusot. Kung hindi siya nagkakamali ay damit iyon ni Aya. At dahil may kalakihan ang katawan ng babae kumpara kay Aya ay nagmukhang fitted iyon. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mahahaba at toned na legs nito. Napatitig siya sa mukha nito. Sinalubong naman ng babae ang titig niya at tila pinag-aaralan din siya. Mukhang matapang itong babae, dahil ni hindi man lang kumurap.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now