F6. Back Again

3.8K 134 39
                                    

THAT FEELING when you didn't want to do anything anymore and just cease to exist, that was what Aya felt. Umaga na at panibagong araw na naman, subalit nahiling niyang sana ay hindi na dumating iyon. Nararamdaman na naman niya ang hapdi, ang kabiguan... at sino ba ang gustong mabuhay nang ganoon?

'Why does love needs to hurt this much?'

Nandoon lang siya at nakatihaya sa kama, nakikipagtitigan sa kisame. Ramdam niya ang pangangapal ng mga mata at pisngi, sanhi ng magdamag na pag-iyak.

"Aya... lumabas ka na naman diyan, anak. Sige na..."

Napapikit na lang si Aya nang marinig muli ang pagkatok at pagtawag ng ina. She knew her parents were worried sick. Nakailang pabalik-balik at katok na rin ang mga ito.

"Aya..." katok muli ng ina.

Hindi pa rin niya ito inintindi. She just continued staring blankly at the ceiling. Hindi rin nagtagal at nawala na ang boses ng ina, ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na naman ulit ito.

"Aist..." napaungol na lang sa inis si Aya. "Ang kulit talaga ng matandang 'to."

Sa pagkakataong iyon ay galit na ang ina. Kinalampag na nito ang pinto. "Hindi ka ba talaga lalabas na bata ka? Madali lang sa akin na sirain ‘tong pinto! Aya!" Hindi makapasok ang mga ito sa kuwarto dahil may double lock sa loob. "Talagang sinusubukan mo akong bata ka, ha!" Mas lumakas pa ang pagkalampag.

"Tama na 'yan, Bel. Hayaan mo na muna ang anak mo," narinig ni Aya na awat ng ama.

"Anong hayaan, Alejandro? Hindi natin alam kung anong maaaring gawin ng anak mo. Baka mamaya ay kung anong gawin niya sa sarili," her mother said in a frantic voice.

"Parang hindi mo naman kilala ang anak mo. Hindi niya gagawin iyon, ano ka ba."

Aya zoned out to her parent's conversation. Mabuti na lang nandiyan ang Papa niya, kung hindi siguro ay talaga ngang binaklas na ng ina ang pinto. Mukhang sadyang hindi pumasok ng repair shop ang kanyang ama para mabantayan ang ina niyang mala-dragon. Batid niya ring nag-aalala ito sa kanya. Nagi-guilty si Aya para sa dalawa. They said that parents suffered more when their kids were suffering, but this time, all she could think of was her own pain.

She released a heavy sigh. Would she ever get over this? They said to let go of the people who only caused you sufferings, that way you will be truly happy. Now... she did finally let go of Yuna, but was she happy?

No. She was far from happy. She felt miserable.

But Aya also knew that she wouldn't be truly happy even when there's Yuna in her life, not if the woman was still confused and couldn't fight for her. Yes, she had been happy when they're still together, but not with uncertainties that always plagued her mind. And Mike coming into the picture had just made things more complicated. Aya just couldn't go on like that. Tama si Ivy, dapat niyang pahalagahan ang sarili. Ang dapat niyang hanapin ay ang taong kaya siyang ipaglaban. At hindi si Yuna iyon.

It would take a long time for her to heal but... maybe it was better this way.

1:45 PM

"Aya, anak..." Aya's mother called from the other side of the door. "Pakiusap, lumabas ka na riyan. Nag-aalala na ako ng labis sa iyo, eh. Maawa ka naman sa Mama. Alam mo namang ako'y paranoid lagi pagdating sa īyo. Niluto ko lahat ng paborito mo. Halika na't nang makakain ka na. Aba'y mag-aalas-dos na." Kumpara kaninang nagbabanta itong sisirain ang pinto, ngayon ay mas malambing na ang tinig nito.

Aya sighed, guiltily. Pagkarinig ng sinabi ng ina ay parang bigla siyang nakaramdam ng gutom. Masarap pa naman itong magluto. Nagpasya na siyang tumayo at matamlay na lumapit sa pinto. Slowly, she turned the knob. She opened a crack to peek at her mother. She felt disheartened upon seeing her mother's rounded face, full of worry. Kababakasan ng matinding lungkot ang medyo tsinita nitong mata, lalong iyong nanliit dahil nga medyo may katabaan ito.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن