44. It's Over

2.1K 78 16
                                    

“Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Ayusin naman natin ‘to…” pakiusap ni Yuna.

Nasa tahanan pa din sila ng mga Madrigal. Nasa labas ng bahay ang dalawa matapos mag-aya si Yuna na mag-usap sila. Ang limang kaibigan ni Alexa ay kausap naman ni Daniella sa loob.

“Walang dapat ayusin, Yuna,” malamig na tugon ni Aya na iwas ang tingin.

Yuna took a heavy breath. “Fine. I’ll give you time to mourn for Alexa, but please… don’t end this. Maghihintay ako, Aya. Kahit ga’no katagal. Pero huwag mo naman akong ipagtabuyan. Hate me. Punish me if you want. Pero sana sa huli ay tayo pa rin. Sabihin mo lang sa’kin kung pa’no mo ‘ko mapapatawad, gagawin ko.”

Hinarap siya ni Aya. “Pa’no kung sabihin kong ang paglayo mo lang ang tanging paraan para mapatawad kita? Gagawin mo ba?” hamon niya.

“Aya…” nanlulumong sambit ni Yuna sa pangalan nito.

“Look, Yuna. Pareho lang nating masasaktan ang isa’t isa kapag pinagpatuloy pa natin ‘to. I couldn’t look at you without remembering that Alexa died because of you. I love you, all right. But I couldn’t love and hate you at the same time. Hurting each other on the process can’t be helped and I don’t want that. So please… let’s give each other a favor and just let go. There’s no other way.”

Bumagsak ang balikat ni Yuna sa sinabi ng kasintahan. “I won’t let go,” paninindigan pa rin niya.

“Hindi mo ba naiintindihan?” galit nang saad ni Aya “ – ayoko na, Yuna. Pagod na ‘ko. Loving you was always painful and I couldn’t go on anymore!”

“I am willing to wait. Kahit ipagtabuyan mo ako, maghihintay pa rin ako,” Yuna said stubbornly.

“Bakit ba napakakulit mo?” napapagod nang tanong ni Aya.

“Because I love you. And fighting for you was my form of loving you. Noon ay hindi ko nagawa ‘yon at ngayon ay ito na lang ang alam ko para manatili ka sa’kin,” ani Yuna.

Napailing si Aya. “That’s what makes you so different from Alexa. She was always willing to set me free if that was what I wanted.”

Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Yuna dahil sa pagkukumpara ng kasintahan. “And that is why she’s dead now,” she pointed out, “and that’s the same reason why I was going to fight for you till the end. Because letting you go means death for me too.”

Natahimik si Aya. Ilang sandaling nakatitig lang siya kay Yuna.

Mula sa bintanang salamin sa loob ng bahay ay nakamasid naman sa dalawa si Daniella.






----






Biglang itinigil ni Yuna ang kanyang kotse at umibis mula roon. Lumapit sa sasakyang nasa likuran na tumigil din at kinatok ang bintana niyon.

Bumungad ang mukha ni Cleo.

Nakalabas na sila ng Vermont. Si Aya ay napahiwalay na sa kanila dahil may dala rin itong sariling sasakyan. Kanina pang napapansin ni Yuna ang pagsunod sa kanya ng mga kaibigan ni Alexa.

“Sinusundan niyo ba ‘ko?” tanong ni Yuna sa mga ito. Si Quintin ang nasa manibela at nasa likod ang iba pa.

Biglang bumaba si Cleo. Agad namang sumunod ang iba pa upang pigilin ang anumang balak ng kaibigan.

“Oo. Mabuti’t napansin mo,” hindi man lang natinag na sagot ni Cleo.

“Bring it on, then,” biglang sabi ni Yuna na ikinakunot naman ng noo ni Cleo “you wanted to punch me, right? Go ahead,” hamon niya rito.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang