F4. The Second Betrayal

4.6K 150 27
                                    

IT HAD been a couple of months already. Mag-iisang taon na rin pero wala pa ring improvement ang relasyon ni Aya kay Yuna. Paano nga ba niya isasalarawan ang kung anong mayroon sa kanila? Relasyong walang label? Kasunduang walang kontrata? Parang ganoon nga. Sapat na nga bang masaya lang sila?

"How are you and your best friend, Aya."

It was Tim again. Parang hobby na yata nitong kalkalin ang buhay niya. Mula sa ginagawa ay iniangat niya ang paningin dito. Pareho silang abala sa pag-supervise sa mga taong gumagawa ng sample designs nila. Parte iyon ng trabaho nila bilang designers. Dinig niya ang panunudyo sa boses ng kasamahan.

"Tim, don't start," blangko lang niyang tugon. May hawak din siyang karayom at nakikitulong.

"Bakit? Nagtatanong lang naman ako," maarteng turan nito na pumipilantik pa ang mga daliri. "Pansin ko lang na masyado na kayong nagiging close na dalawa. Bibihira ka na rin sumabay sa'min sa lunch, at siya na lagi ang kasama mo," malisyosa pang saad.

"Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan ako sa iba, 'di ba?" ika naman ni Aya. Inirapan niya ito at ibinaling na lang muli sa ginagawa ang pansin.

"Pero sure ka ba na friendship lang ang namamagitan sa inyong dalawa? We're in the same boat, remember? Iba ang pakiramdam ko sa inyong dalawa, at hindi pa pumapalya ang gaydar ko, 'no."

"Tim..." Aya said warningly. Nakikita niyang nakiki-tune-in din ang ilan sa mga pattern-makers at sewer sa pinag-uusapan nila. "Me and Yuna are only friends, all right? Ayokong may issue na kumakalat tungkol sa'ming dalawa, ha; kundi, ikaw ang una kong babalikan," banta niya na itinuro pa dito ang hawak na karayom.

"Nakakatakot naman..." wika naman nito na napatakip pa sa bibig kuno. Bumaling naman ito sa mga tauhang naroon. "O, narinig niyo 'yon, ha. Walang magkakalat ng issue, kundi... Ump." Maarte pa nitong ikinuyom ang kamay.

Tawanan na lang din ang mga kasamahang naroon.

Napailing na lang si Aya at hindi na ito pinansin. She secretly sighed. Nahihirapan na rin siyang isekreto sa lahat ang relasyon nila. Nakakapagod ding umembento ng kung anu-anong excuses. Madalas na nga silang nagkakasama ni Yuna sa kumpanya man o sa labas. Kung dati ay bibihira lang siyang magpunta sa mga parties, dahil kay Yuna ay kinailangan niyang mag-adjust. Kabaligtaran niya ay parang buhay na nito ang pakikipag-socialize. Marami na rin ang taong nagtatanong kung ano ba talagang real score nila, maraming nagdududa, but she and Yuna kept the innocent façade. Kagaya ng sinabi ni Yuna noon, walang mapapatunayan ang mga tao kung hindi sila aamin. Pero hindi rin ibig sabihin na masaya siya sa ganoong sitwasyon.

"Damn it!" Napamura siya nang bigla siyang matusok ng hawak na karayom. Sa sobrang pag-iisip ay nawala na siya sa ginagawa.

Hindi alam ni Aya na madadagdagan pa pala ang frustration niya pagdating ng lunchbreak. She saw Yuna again with some guy. Para i-divert ang usapan sa kanilang dalawa ay kung kani-kaninong lalaki ito dumidikit. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa iyon. Nakakapangitngit lang ng kalooban.

HANGGANG sa pag-uwi sa bahay ay dala-dala niya ang pagka-badtrip. Dumeretso siya sa kuwarto. Matapos magbihis ay ibinagsak sa kama ang katawan. Ilang sandali lang siyang nakatitig sa kisame. She groaned frustratingly. Napahawak siya sa noo at nanatiling nakapikit.

Nasa ganoon siyang posisyon nang marinig niyang may tumikhim.

Bukas ang pinto niya dahil kabilin-bilinan ng mama niya, upang sisigaw na lang daw kapag oras na ng dinner. Ayaw na daw kasi nitong umakyat pa ng hagdan, dahil marahil sa katabaan. Then who...

Her head snapped at the door.

Standing there was Yuna, clad in a black dress that stopped an inch below the knees, matched with pointed heels. Nakalugay lang ang mahaba at makapal nitong buhok. Biglang napabalikwas ng upo si Aya. Hindi niya inaasahang darating ito. "What are you doing here?" she asked in surprise.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now