50. The Final

5K 114 87
                                    

Six years later….



Aya gasped in shock when she entered the kitchen, “what did you do this time?!” windang na sigaw niya habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo.

Parang binagyo ang kusina – nagkalat ang mga basag na itlog, harina at mga utensils. May bakas din ng honey at ketchup ang mga dingding at counter. Pati ang bago niyang gawang cupcakes ay sira-sira na. Sobrang effort pa naman ang ginawa niya para mapasarap at mapaganda ang mga ‘yon, tapos sa isang iglap ay nawala lang lahat.

Ang salarin naman ay hintakot na nakatingin lamang sa kanya. Nanlalaki ang mga mata at parang naninigas na hindi makagalaw.

“ALEXIS…” Aya stressed the culprit’s name in a firm and stern voice.

Hindi makapagsalita ang salarin at parang tuod pa ring nakatayo. Walang anu-ano pa ay bigla itong nagtatakbo palabas ng kusina.

“Alexis, bumalik ka rito! Alexis!” tawag ni Aya dito ngunit nagtuloy-tuloy na itong tumakbo kung saan. Hindi na niya ito nagawang sundan at napahilamos na lang sa mukha sa nakikitang itsura ng kusina niya.

“Hon?” ilang sandali ang lumipas ay biglang dumungaw ang asawa niya, “ano bang nangyayari? Bakit takot na takot si Alexis? Pinagalitan mo na naman – “ nabitin sa ere ang sinasabi nito nang tuluyang mapagmasdan ang kusina “ – holy cow…”

“Ngayon alam mo na kung bakit?” mataray na turan ni Aya sa asawa, “look at what she’s done!”

“Uh…” napamaang na lang ang asawa.

“Lumabas lang ako sandali tapos ito n na ang naabutan ko. My god!” gigil na wika ni Aya.

“Hon… intindihin mo na lang. Bata lang ‘yon.”

“But look at this!” turo ni Aya sa delubyong nangyari. Nilapitan ang mga cupcakes niyang durog-durog na at dinampot ang isa niyon, “at ito… alam mo bang gumising pa ‘ko ng 3am para gawin lahat ng ‘to? First birthday ng anak nina Maxie at Carl. These were supposed to be my gift! Maxie was expecting these,” galit na litanya niya.

Napahimas sa batok ang asawa. “Gumawa na lang tayo ng bago. I’ll help you.”

“Pero anong oras na. Ala-una ang party. Hindi matatapos ‘to sa loob ng tatlong oras. Bibyahe pa tayo. These are a hundred pieces, Yuna. Hundred pieces! My God!” nag-iinit ang ulong wika ni Aya. Kung may altapresyon lang siya ay baka inatake na siya.

“You could have locked the door. You know she’s especially difficult, you should have foreseen this.”

“At ako pa talaga ang sisisihin mo ngayon? Where was that kid! Talagang tatamaan na sa’kin ang batang ‘yon!” aniyang anyong lalabas ng kusina upang hanapin ang anak subalit pinigilan siya sa braso ng asawa.

“Hayan ka na naman… pinapairal mo na naman ang init ng ulo mo,” ani Yuna na iniharap ang asawa sa kanya, “pagkatapos mo siyang mapagalitan, ano? Iiyak ka at i-c-condemn ang sarili mo dahil hindi ka nakapagtimpi?”

Bigla namang natigil si Aya.

“ – Ilang beses nang nangyari ‘yan,” si Yuna pa rin, “at kung itutuloy mo ang balak mong pagalitan at parusahan siya, alam mo kung anong iisipin niya? Iisipin niyang mas importante pa sa’yo ang mga cupcakes na ‘yan at ang anak ni Maxie kesa sa kanya. Gusto mo ba ‘yon?”

Napaismid si Aya. “Hindi,” aniyang medyo inis pa rin, “pero kasi naman… tingnan mo ‘tong ginawa niya!”

“She’s just a kid,” pangangatwiran ni Yuna, “gano’n talaga.”

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Kde žijí příběhy. Začni objevovat