33. Saving Yuna Part 2

2K 76 21
                                    

"You need to stop this... This isn't you. Please... J-just let me go." Nagmamakaawa si Yuna habang nakatingala kay Mike. Nasa ibabaw siya ng kama habang ang isang kamay ay nakatali sa bedpost. Bumakat na ang lubid sa palapulsuhan niya. Namumula na iyon at ramdam niya ang hapdi. Her other hand was free and she had tried numerous times to unbound her left hand, but to no avail. Mahigpit ang pagkakatali niyon. At kung sakali mang makawala nga siya ay hindi rin siya makakalabas dahil naka-lock din ang pinto mula sa labas. Pinalagyan din ni Mike ng rehas ang mga bintana.

Matiim lang na nakatingin sa kanya si Mike. Blangko ang mukha. "Then... pakakasalan mo na ba ako?" Tanong nito.

"I told you... I don't want to marry you!" May diing sagot ni Yuna. Her throat was sore. For crying. For fighting and screaming at Mike. Halos dalawang linggo na siyang kinukulong nito sa kuwartong iyon. Her face and body were covered in bruises. Courtesy of Mike. Lahat ng paraang alam nito para pagbaguhin ang desisyon niya ay ginawa na nito.

Yuna hadn't expected that Mike was capable of such brutality. Gone was the man she used to love. Hindi na niya ito kilala.

Mike grabbed the redhead's face with force. "Then you're staying here, my love. Hanggang sa matutunan mo ang mga tamang sagot. You understand?" Matigas na pahayag ng lalaki pagkatapos ay pabalyang binitawan ang mukha ni Yuna.

Nanlisik ang mga mata ng babae dahil sa labis na pagkamuhi. "H-how could you do this to me, you bastard! I've loved you. But this is what you did to me!" Kahit hirap sa pagsasalita ay sigaw ni Yuna rito.

"Loved. It was in the past tense, my dear. I want you to still 'love' me. Now. After everything that I've given up for you, you'll leave me? No, no, no, I couldn't let that happen." Tila wala na sa sarili si Mike habang nagsasalita.

Totoong marami itong isinakripisyo para kay Yuna. Tinakwil ito ng pamilya nang piliin niya si Yuna at atrasan ang dapat sana'y arranged marriage na itinakda ng mga magulang. Bago ang kaarawan ng kapatid ni Yuna ay kinausap muli ng mga magulang si Mike. Nagkasundo silang tatanggapin muli ang lalaki sa pamilya kung pakakasalan nito si Yuna. Palugi na ang negosyo ng mga magulang at kailangan nila ng magsasalba nito. Malaking kahihiyan ang kinasadlakan ng mga ito nang dahil sa pag-atras ni Mike sa kasal. At hindi nakatulong sa bumabagsak nang negosyo ang galit ng mga magulang ng babaeng dapat ay pakakasalan ni Mike. But the Smiths were just as rich, so Mike's parents reconsidered. Mike was more than willing to comply, problem is... Yuna decided to broke up with him. Kaya sila humantong sa ganitong sitwasyon.

"You have to marry me. Just as we dreamed when we were young, right?" Patuloy ni Mike.

"Over my dead body! Matapos mong ipakita sa 'kin ang tunay mong kulay... there's no way in hell that I'm going to marry you! Mamamatay muna ako!" Tumaas-baba ang dibdib ni Yuna sa pagsigaw.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng babae mula kay Mike. "You were asking for it." Pinuno nito ng hangin ang dibdib at marahas na ibinuga iyon. Napasabunot sa ulo.

"I never wanted to hurt you, but you did it first. Sinaktan mo ako, Yuna. Akala mo ba hindi ko napapansin ang panlalamig mo sa 'kin? All those times I didn't complain. As long as you're with me. As long as you're mine. But what? You had to cut it off! Iyon ang hindi ko matanggap. You're choosing a woman over me?" Mapaklang napatawa ito. Napailing.

"A woman? Really, Yuna? Mas matatanggap ko pa kung lalaki ang ipinalit mo sa 'kin. But it had to be a fucking woman!" He shouted on Yuna's face.

Napapikit naman ang babae.

Muling tumayo ng tuwid si Mike. "Alam mo ba kung gaano kalaking insulto sa pagkalalaki ko 'yon? Tinanggap ko no'ng una dahil mahal kita. I even shared you with her. Gano'n kita kamahal. Pero sa huli pala... babalik ka din sa kanya?"

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now