37. Suicide

2.3K 74 10
                                    

Sana pala noong nasa terasa si Yuna ay kinausap na siya ni Tiya Lourdes. Sana pala ay naglakas-loob na si Yuna na sabihin sa matanda na kailangan niya ng makakausap ng mga sandaling iyon.

Nakikita ni Yuna ang awang nakabalot sa mga mata ni Tiya Lourdes habang nakatingin sa kanya. Ramdam niyang parang may gusto itong sabihin sa kanya…

At hinintay niya iyon.

The old couple was nice not to pry on her. Not to ask her too many questions that will trigger the pain. But deep inside, Yuna wished they did. She longed to have someone whom she could talk and share her pains.

‘Go ahead. Ask.’ Yuna thought in her mind.

She couldn’t bring herself to say that out loud. She put a wall around her and she knew the old couple could feel it. But now, she was willing to put it down.

‘Just ask.’ She thought again.

But the old woman didn’t.

“Sige, hija. Maiwan na muna kita. Tawagin mo na lamang ako kung may kailangan ka,” ang paalam ng matanda.

‘No!’ Yuna mentally screamed. ‘Please don’t leave me! Talk to me, please… I really needed someone right now. Talk to me please.’ She thought weakly.

But the old lady had already turned her back.

Ibinalik muli ni Yuna ang mga mata sa hardin. They were really colorful and beautiful. She could also smell the sweet scent the flowers were emanating. Pero tila wala iyong dating sa kanyang mga mata at ilong. Instead of the colorful appearance, the color she was seeing was all gray. And instead of the sweet smell, the scent she smelled was death.

Death. It was calling upon her.

Yuna’s eyes turned at the direction of her room. Her feet took a step forward and walked as if it had life of its own. Sa bawat hakbang, pakiramdam niya ay isa ring hakbang patungo sa isang walang katapusang kadiliman. At sa bawat hakbang, unti-unti na ring binabalot ng kadilimang iyon ang kanyang katawan.

At sa pagbukas ng pinto ay tuluyan na nga niyang niyakap ang katapusang naghihintay sa kanya.

Itinaas niya ang mga mata sa kisame. Sa gitna niyon ay may isang hindi kalakihang chandelier. Pero hindi iyon ang tinitingnan niya, kundi ang bagay na nakasabit doon – isang mahabang piraso ng tela. Madali lamang sa kanya na maipuslit ang hagdan mula sa likod ng bahay na siyang ginamit niya upang itali iyon doon.

Yuna closed the door, making sure to lock it.

This was it. There was no turning back.

----

“Manuel! Manuel!!!” paulit-ulit na tinawag ni Lourdes ang asawa. Nakaluhod na siya sa sahig at halos hindi malaman ang gagawin. Umiiyak habang nakatingin sa itaas, sa bandang gitna ng kuwarto.

Parang horror sa totoong buhay ang nakikita niya.

Si Yuna… nakabigti. Ang mahabang pulang buhok nito ay halos tumakip sa maganda nitong mukha. Nang dumating ito ay kulay itim ang buhok ngunit agad ring pinalitan ng pula. Mukhang namumutla na ito at tila tuluyan nang tinakasan ng buhay.

“Manuel……” napapahagulhol nang tawag ni Lourdes.

Mula sa ibaba ay narinig naman niya ang mabibilis na hakbang ng papalapit na asawa.

Loring… ano ba ‘yon???” alalang-alalang tanong ni Manuel sa asawa. May itinuro ito sa itaas at anong panghihilakbot niya ng makita ang tila wala nang buhay na si Yuna. “O, diyos ko…” ang nasambit ng lalaki.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now