5. Yuna's Story

4K 104 26
                                    

'No. You are not alone' iyon ang mga salitang namutawi mula sa bibig ni Aya.

Yuna looked at Aya questioningly, wishing na tama ang pagkakaintindi niya rito. "What do you mean?" She asked Aya with hopeful eyes, her face still wet with tears.

Aya wiped Yuna's face despite her own being drenched too and smiled. "You have me," she said sweetly.

Yuna held Aya at arm's length. "You're forgiving me? Really?" Di pa rin makapaniwalang tanong nito. Lalo nanlaki ang malaki na nitong mata.

"Ayaw mo yata eh. Gusto mo bawiin ko nalang?" Birong tanong ni Aya at pinahid na rin ang luha sa pisngi.

Yuna chuckled. "I just wasn't expecting this to be so easy, really," Yuna stated, still dumbfounded. "I thought there's gonna be some blood bath!" She exclaimed slightly chuckling.

"Ah ganun... This is easy for you, huh? Gusto mo ng take two?" Aya playfully asked. "Labas!" She gestured at the door with her head but a smile is playing on her lips.

Bigla namang nagpa-cute si Yuna. She pouted. "Ang harsh mo naman sakin. Hindi ka ba naaawa? Pagod na pagod na kaya ako. Alam mo bang naglakad lang ako mula sa labasan? Hanggang doon lang kasi yung jeep," kunwa'y nagtatampo nitong sabi.

Napakunot ang noo ni Aya. "Nag-jeep ka? Anong nangyari sa mga kotse mo - " bigla niyang naalala ang nangyari rito " - oh. Right." Naawa tuloy siya bigla rito pero maya-maya'y natawa. "Ikaw? Si Yuna Smith, sumakay ng jeep??? At naglakad ng malayo?" Di pa rin makapaniwalang tanong niya. Maarte kasi ito. Ilang metro din mula sa labasan ang bahay nina Aya. "I can't imagine," natatawa pa ring saad niya. "Saka may tricycle naman sa labasan, bat di ka nalang sumakay?"

Lalong napabusangot si Yuna. "Sige pagtawanan mo lang ako. Akala mo ba, iyon lang ang pinagdaanan ko? Marami pang bagay na sa tanang buhay ko di ko akalaing gagawin ko." Yuna wrapped her hands on Aya's waist and leaned her head on Aya's shoulder. "And I'm so exhausted." She sighed heavily. Bigla itong may naaalala at napaangat ng mukha. "Hindi ko napansin na may tricycle pala dun sa labasan. Ang layo ng nilakad ko. Ang sakit-sakit na ng paa ko," reklamo pa niya. Yuna leaned on Aya again and hugged the smaller woman tight.

Aya patted Yuna's head. "Sorry kung pinagtawanan kita." Hinaplos niya ang buhok nitong wala sa ayos. Yuna moaned. Aya could smell Yuna's scent. Amoy mamahaling pabango pa rin ito. The smaller woman sighed. She missed being this close with the red-head. Naramdaman niyang parang bumigat ang katawan nito. Hala, nakatulog na yata. Bahagya niya itong niyugyog. "Yuna... Hey..." Yuna just grunted. "Uy... Dun na tayo sa kama."

Upon hearing that, Yuna slowly lifted her head. "So... Puwede na akong tumabi sayo? Hindi mo na ako sa kalye patutulugin?" Bagamat pagod na pagod ay nagawa pang magbiro.

"Puwede rin naman kung gusto mo," ganting biro ni Aya "gusto mo ba?" Dagdag pa niya sa kunwari'y seryosong tinig. Yuna pouted. Hinila na ito ni Aya palapit sa kama. "Halika na nga. As if I have a heart to do that to you. Ikaw lang naman itong mahilig manakit sa'kin," wala sa sariling wika niya.

Natigil sa paglakad si Yuna and she stared at Aya. "I'm so sorry. Really," she said full of guilt.

Nagsisi tuloy si Aya na nabanggit pa niya, nakakaawa kasi ang itsura nito. "Ano ka ba, tapos na 'yun," she tried to brush it off "Pinapatawad na kita. Just don't do it again," she said pointedly "or I'm gonna skin you alive," banta pa niya sa nagbibirong tono.

Not minding the joke, Yuna smiled weakly and just nodded, maybe in exhaustion. So Aya laid her on the bed but not before removing her jacket.

"G'night, Aya. Thank you," Yuna faintly said. Then the red-head completely closed her eyes.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon