36. Death

2.2K 65 8
                                    

Nakakabingi. May ilang sandaling parang tumigil ang lahat. Halos lahat ng sasakyan ay napabusina ng malakas. Dinig na dinig ang rumaragasang gulong ng mga sasakyan, marahil sa pag-iwas o sa biglaang pagpreno.




Sa loob ng sasakyan - magkatitigan pa rin sina Alexa at Jessica, parehong nanlalaki ang mga mata. Ang kaliwang kamay ni Jessica ay nakakapit sa driver's seat habang ang isa'y nakahawak sa manibela. Nakaangat pa rin ang kanyang katawan at sa ilalim niya ay si Alexa na hindi pa rin nagawang lumipat ng upuan.




Ilang pulgada na lang ang layo ng truck. Mula sa sideview-mirror ay makikita ang sasakyan ng mga bodyguard na humahabol sa kanila. Halos kabuntot na rin nila ito.




Sa backseat ay parehong nakaawang ng pasigaw ang mga bibig nina Yuna at Reign.




Biglang bumalik sa normal ang takbo ng orasan.




"We're gonna die!!!" si Jessica.




"There's a truck, damn it!!" si Yuna.




Halos magkasabay na napasigaw ng malakas ang dalawa.




Napakurap naman ang dalawa pang nasa unahan. Si Jessica na unang nag-angat ng mukha ay kaagad kinabig pakanan ang manibela, ngunit naging dahilan naman iyon para masagi ang likuran ng isang kotse. Bahagyang tumagilid ang kotseng iyon. Mabuti na lamang at kaagad na nakapagpreno ang driver kaya hindi iyon sumalpok sa isa pang nasa unahan. Ngunit nabangga rin ito ng kasunod pa ngunit hindi naman ganoon kalakas. Napatigil na rin ang iba pang mga nakasunod sa likod.




Bahagyang nagpagewang-gewang naman ang sasakyan nina Alexa. Ganoon pa man ay nagawan pa rin nila ng paraan na makatakbo ng maayos pagkatapos. Ang humahabol sa kanila ay nakasunod pa rin.




"Holy fuck! I don't want to die!" naiiyak nang sigaw ni Reign. Mahigpit na kumapit sa kung ano mang maaaring kapitan. Nakapikit.




Patuloy pa rin ang pag-andar nila. Sina Jessica at Alexa ay pinipilit pa ring magpalit ng puwesto.




"Jessica, ano ba! Itigil mo na ang kahibangang iyan!" si Yuna.




Ngunit sa wakas ay nakapagpalit na rin ng puwesto ang dalawa.




"Shut up, bitches! No one's gonna die!" si Jessica nang tagumpay na makalipat ng puwesto.




"That was so much fun!" parang nag-i-enjoy pang wika ni Alexa.




Matalim namang napatingin sa kanya ang dalawa pang nasa likuran.




Nagulat sila nang biglang banggain ng nakasunod sa kanila ang sasakyan.




"Shit!" napamura si Jessica. Bumaling kay Alexa. "Buckle up!" utos nito.




Sumunod naman agad si Alexa. Isinunod na rin niyang ikabit ang seatbelt nito.




"Thanks," pasasalamat naman ni Jessica. "Now... it's show time," pagkuwa'y sambit nito at mariing tinapakan ang gas.




Animo'y parang kidlat sa bilis na humarurot ang sasakyan. Eksperto at walang kahirap-hirap na naiwasan ni Jessica ang mga kotseng nasa unahan.




Ang dalawang lalaking nakasunod sa kanila ay bigla namang napanganga. Muntik pang bumangga ang kotse ng mga ito sa kasalubong na sasakyan nang dahil sa pagkamangha. Tuluyan na din silang naiwan ng sasakyan nina Alexa.




"Yeah! That's what you call driving!" sigaw ng tagumpay ni Jessica sabay tawa. Hindi na rin nila nakita ang anino ng kotse ng mga bodyguard. Nilingon niya ang mga kasama.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon