38. War

2.2K 80 7
                                    

Yuna couldn’t believe her eyes – Ibrahim and Helena Smith were here, standing right in front of her. They were still looking stoically and proud, but both were wearing unsure frown on their faces and Yuna found it odd. They also seemed a little off, like they were holding back their demeaning selves. Helena had her arms crossed while Ibrahim’s hands were inside his pockets.


Her mother looked rather very formal, wearing an all-white attire. Puting slacks at puti ring coat at maging ang pang-ilalim ay puti rin. That was so her. Helena liked to intimidate people. Nakalugay lang ang naningintab nitong itim na buhok na parang kagagaling lang ng salon. Her father on the other hand was only wearing a vertically-striped polo shirt. But he still looked intimidating with his glasses on and those laser-like eyes.


Tiningnan ni Yuna ang mga kasama. Mukhang tensyonado rin ang mga ito sa pagdating ng mga magulang niya. Pero parang hindi na masyadong nagulat ang mga ito. Napakunot siya ng noo.


“Alam niyo bang darating sila?” tanong niya sa mga ito.


“Actually, pinsan… first day pa lang nandito na sila,” pag-amin ni Jessica.


That came as a surprise for Yuna.


“Oh… is that so? And that suppose to cheer me up?” sarkastikang tanong ni Yuna. Tiningnan ang mga magulang na wala pa ring imik sa mga sandaling iyon. Isa na namang sorpresa para sa kanya. Wala man lang ‘hello, daughter’ or ‘how are you, daughter’ with matching icy tone and aristocratic voice. Surprising. Really surprising.


Tumikhim si Alexa para agawin ang atensyon ng lahat. “Uh… lalabas muna kaming tatlo para makapag-usap kayo ng masinsin – “


“ – walang lalabas,” putol kaagad ni Yuna dito. “I want you to see just how good my parents are to me,” aniya na puno ng sarkasmo ang tinig. 


“Yuna…” si Aya “Mas makakapag-usap kayo ng maayos kung wala kami.”


Napalingon dito si Yuna. Nag-iinit ang sulok ng mga mata. “But I don’t want to be left alone with them!” mariin niyang tanggi “Being with them is choking me and it’s even much worse than dying!” sabi pa niyang nakatingin pa rin kay Aya, pero hindi naman direkta dito ang galit niya kundi para sa mga magulang.


Helena, who was watching, blinked at what her daughter said. Itinuon sa iba ang tingin. “You talk as if we’re not here,” komento nito sa mahina ngunit mariing boses. Hindi malaman kung galit ba o nasasaktan sa sinabi ng anak.


Ibinaling dito ni Yuna ang mga mata. “Oh… I’m sorry, Mother. Forgive me for being disrespectful, but I don’t think you deserve any respect,” maanghang na wika niya.


Napakuyom ang mga kamay ni Helena. “You – “


Biglang pinigil ni Ibrahim ang braso ng asawa. “That’s enough,” saway nito sa mahina ngunit puno ng otoridad na boses.


“I won’t tolerate this impertinent child’s behavior!” mariing wika ni Helena.


“I said enough!” tumaas na ang boses ni Ibrahim “We’ve talked about this.”


Pagak na napatawa si Yuna. “It’s all right, Dad. You don’t have to pretend like you’re any good parents. You don’t have to be soft with me. That wasn’t in your vocabulary, anyway.You can just reprimand me like you would always do because that’s what you’re good at! Right?”


“You won’t talk to us like that, child. We’re still your parents,” si Ibrahim. Kalmado lang ang boses ngunit hindi nawawala ang makapangyarihang tono.


“Or what?” tanong ni Yuna na lalong nanlaki ang mga mata. “What will you do, huh?” paghamon pa niya.


“And please… I am not your daughter anymore! Have you forgotten? You already disowned me! So… I don’t understand why you keep bugging my life. Why won’t you just leave me alone? We don’t need each other!” gigil na saad pa niya, bakas ang labis na hinanakit sa boses.
 

Si Helena ay biglang winaksi ang kamay ng asawang nakahawak pa rin sa kanyang braso.


“We had been kind to visit you and yet you’re treating us like that? And we had been generous enough to let you stay here, because that’s what your friends asked! We’ve come here the instant we found out what happened and stayed since then. At ‘yan ang igaganti mo sa’min?” anitong tinapatan din ang panggigil ng anak.


“Sino ba kasing nagsabi sa inyo na gawin niyo ang lahat ng ‘yon! At ngayon isusumbat niyo lahat ng ‘yan sa’kin? Then just leave! I don’t even need you here!” sigaw naman ni Yuna sa mga ito sabay turo ng pinto.  


“Yuna…” saway dito ni Jessica. Nag-aalala siya para dito dahil baka mabinat pa.


Bumaling si Yuna sa pinsan. “Bakit ba hinayaan niyong magunta pa sila dito? Hindi ko sila kailangan dito! Sana hindi niyo na lang sinabi sa kanila ang nangyari sa ‘kin!”


“Girls… leave us alone please,” ang maawtorisadong wika ni Ibrahim.


“No!” agad na tanggi ni Yuna. Inalis niya ang kumot na nasa katawan. “Kung aalis sila ay aalis na din ako! Mas gugustuhin ko pang tumalon na lang sa building na ‘to kaysa maiwang kasama ninyo!”


Naalarma na si Jessica, maging sina Aya at Alexa.


“Tito, Tita, please… I think it wasn’t the right time to talk to her. Umalis na lang po muna kayo. Ako na ho ang nakikiusap sa inyo,” pagmamakaawa ni Jessica sa mag-asawa.


“No. I don’t want to see them ever again,” malamig na wika ni Yuna na umiwas ng tingin. Tumaas-baba ang dibdib. Hindi na muling nilingon ang mga magulang.


Tito, Tita… please… makakasama ho sa kalagayan niya,” pigil ni Jessica sa anumang gustong sabihin ng dalawa.


Helena was the first one to leave. She snorted before storming out of the room. Samantalang si Ibrahim ay nanatiling nakatingin sa anak. Tila may nais sabihin ngunit ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin nakapagsalita. Sa huli ay napabuntung-hininga na lang at sumunod na rin sa asawa.


“They’re such egotistical people. They couldn’t even say sorry,” mapait na wika ni Yuna. May mga luhang namuo sa mga mata pero agad na pinahid iyon. Nahiga nang muli at nagkumot. Tumalikod sa tatlong awang-awa namang nakatingin sa kanya.


Napailing na lang si Jessica. Sinabihan na kasi niya ang mag-asawa na huwag munang pumunta ngunit pumunta pa rin.


“What a mess…” napapabuntung-hiningang wika ni Alexa.


Si Aya ay lalo namang nakaramdam ng awa sa dating kasintahan. Nang mga sandaling iyon ay parang gusto na niya itong daluhan. Natigil lamang siya sa naisip nang makitang nakatitig sa kanya si Alexa.


“What?” mahina niyang tanong dito upang pagtakpan ang muntikan na sanang gawin.


Umiling lang si Alexa.








----








“You shouldn’t have shouted at her,” wika ni Ibrahim sa asawa pagkapasok sa hotel suite na tinutuluyan nila.


“At ako pa talaga ang may kasalanan, Ibrahim? Sisihin mo ‘yong anak mo na walang-respeto! That’s what she had become because of associating herself with those dykes!” galit namang tugon ni Helena sabay talikod sa asawa. Namaywang at nasapo ang noo. Sumakit ang ulo nito sa nangyari.


Napatitig dito si Ibrahim. Maganda ang asawa niya at kahit sa edad nitong singkuwenta ay napangalagaan pa rin nito iyon. Lahat ng katangiang-panlabas na hinahanap ng mga lalaki ay taglay na nito, ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya ito nagawang mahalin. At ganoon din ito sa kanya. Pareho silang nakulong sa isang pagsasamang wala namang pagmamahal dahil sa kasunduan ng kanilang mga magulang noon.


Naisip niya ang anak na si Yuna. Kaisa-isa itong babae sa tatlo nilang anak. At kahit hindi man niya naipakita ay ito ang paborito niya. At sa nangyayaring ito ay wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili.  


“No. It was us who did that to her, Helena. Not them,” ang wika niya.


Hindi makapaniwalang napalingon sa kanya si Helena. “What nonsense are you saying?”


“She had tried to kill herself because of us. It was us who had made her life miserable. We can’t even accept who she is. We disowned her. We were cruel parents… That’s the truth,” ang malungkot na saad ni Ibrahim.


Helena gave out a sarcastic laugh. “You’re saying that now? You’re the one who started this!” galit na duro sa asawa.


“That is why I want to fix this. I’m tired of being an evil father to my children. Aren’t you?” pangangatwiran ni Ibrahim.


“Fix it? Do you think you can fix this? There’s no way to fix this, Ibrahim,” mariing saad ni Helena.


“And why not? It is not too late, Helena.”


“Because I don’t want to!” biglang sigaw ng babae.


Natigilan naman si Ibrahim at kunot-noong napatitig sa asawa. Inayos ang salaming medyo nalalaglag na sa ilong. “What do you mean by that? Pangangatawanan mo talaga ang pagiging malupit mong ina? If you aren’t tired… well, I am! We aren’t getting any younger. Would we die being hated by our children? Just like how we are to our parents? Is that what you want?”


Galit na hinampas ni Helena ang kanang balikat ng asawa. “Wala kang karapatang magbait-baitan ngayon! You’re the one who made me cruel like this! – “


Nanginig ang mga labi ni Helena dahil sa labis na emosyon. Namumula na rin ang mga mata sa pinipigil na luha.


“ – For years… I had long to embrace my children; to care for them when they need me; to hold them when they’re crying or in pain; to read them bedtime stories and put them to bed; to pacify them when they got scared. I’ve long to be a good and loving mother…”


Gumaralgal ang boses niya at tuluyan nang pumatak ang luha.


“But you – “ duro niya sa asawa “ – you made me this cold and heartless! You would always tell me how to raise them,” paalala niya rito.


“—Punish them when they made a mistake! Don’t show too much emotion so that they won’t grow up soft. Teach them the hard way. Beat them if needed! You’re the one who manipulated me into becoming this despicable and loathsome mother!” galit niyang sigaw.


“—And now you’re telling me that you want to fix this?” tanong niya. She found it ridiculous. “Fuck you!” mura niya kay Ibrahim.


“—You cannot fix this. You’ve already ruined everything. You’ve ruined me. You’ve ruined us. This is your entire goddamn fault,” mariing-sisi pa niya.


“But you know what’s more worst?”  tanong pa ni Helena at tumigil sandali sa pagsasalita.


“—Among the two of us… I am the most hated,” hindi matanggap na wika ni Helena. “Ako ang nakikita nilang mas masama. While all along, it was you… How unfair was that?”


Lumapit pa siya sa asawa na halos hindi na nakapagsalita.


“At ngayon gusto mong ayusin ‘to?” aniyang hinawakan ang magkabilang kuwelyo ni Ibrahim “Sabihin mo… matapos ang lahat ng nagawa ko sa kanila, pa’no ako makakalapit ng ganoon kadali sa kanila, humingi ng tawad at magpaka-ina! Ha! Pa’no!” sigaw niya sa mukha nito.


Helena gritted her teeth.


“Sa tingin mo ba paniniwalaan pa nila ako at patatawarin?” aniya sa mas mababang tinig. Tuluyan na rin siyang napahagulhol at sinuntok-suntok ang dibdib ng asawa. Sumisigaw.


Tinanggap ni Ibrahim lahat ng suntok. Nag-iinit na rin ang sulok ng mga mata.


“I’m sorry…” ang tanging nasabi niya. Niyakap ang asawang patuloy naman sa pagpalahaw.


It was the first time, after so many years that they got intimate like this.









----








“She doesn’t want to talk to you. I’m sorry,” wika ni Jessica.


She was inside a restaurant with Yuna’s parents.


Helena and Ibrahim looked dejected when they heard that. Bigla namang naawa si Jessica sa mga ito. Parang may nagbago sa dalawa at gusto niyang ikatuwa iyon.


“Is she all right now? Where would she stay?” tanong ni Ibrahim.


Nakikita ni Jessica na parang genuine naman ang concern na nasa mukha ng ama ni Yuna. She internally shook her head. Kailangan pang mag-suicide ng pinsan para lamang matauhan ang mga ito.


“She’s fine. And she’s going to stay with me, para mabantayan ko din siya. I’ve only one request though…” tugon ni Jessica. Sa Vermont din kasi ito tumutuloy dahil nandito ang negosyo nila.


“What is it?” tanong ni Ibrahim.


“Puwede po bang papuntahin niyo si Nana Razon dito? I think she can help Yuna. May trabaho din ho kasi ako at hindi ko siya laging mababantayan.”


Nagkatinginan ang mag-asawa. A hint of pain crossed their eyes. Siguro ay nasasaktan ang mga ito na ibang tao pa ang kailangan ng anak nila upang damayan ito.


Ibrahim released a deep sigh. “All right. I’ll bring her here right away. Please take care of her for us. We know we have not been good to her. But… we do care. If she would let us… we’d like to fix things between us. Please tell her that.”


Jessica studied the couple. They seemed serious about what they said. She still couldn’t believe that Helena and Ibrahim were capable of changing, but she could clearly see it.


Ngumiti si Jessica. “Makakarating po.”   


“Thank you Jessica,” ani Ibrahim at bumaling sa asawa “wala ka bang ibibilin sa kanya?”


Napatingin si Jessica kay Helena. Kanina pa itong walang-imik at ipinapaubaya lang kay Ibrahim ang pakikipag-usap. Usually ay ito ang mas maraming sinasabi sa dalawa.


Bakas ng pag-aalinlangan ang mukha ni Helena. Tila natatakot na magpakita ng anumang kahinaan.


“Helena…” untag dito ng asawa.


Napapitlag naman ang babae ngunit parang ayaw pa ring magsalita. “Fine…” anitong marahas na nagpakawala ng buntung-hininga. “Tell her… tell her na magpagaling na siya at umuwi na siya,” wika nitong nakaiwas ng tingin.


Gumuhit ang ngiti sa labi ni Jessica. “I’ll tell her, Tita,” aniyang nangingiti pa rin. Napansin iyon ni Helena at tinaliman siya ng tingin. Tumikhim naman si Jessica at pinagseryoso ang mukha.








----








Yuna was looking incredulously at her cousin. She thought Jessica was saying the biggest joke of her life.


She was still at the hospital. Dalawang araw na makalipas ang pagbisita ng mga magulang niya. Kinakailangan niyang mamalagi ng isang linggo sa ospital at pagkatapos ay maaari na siyang ma-discharge.


“Helena and Ibrahim Smith will say that? Oh come on, Sica… I’ve grown with them and I know them very well. For all I know, that could be all just a façade. They won’t say that without any ulterior motive. Malamang ay pinapasakay lang nila ako para bumalik na ako sa mansyon at makontrol muli ang buhay ko,” ani Yuna na hindi mapaniwalaan ang sinasabi ng pinsan.


“Yuna, nakaharap ko sila mismo at nakausap. I swear… they really looked sincere. They’ve change. Why don’t you talk to them so you’ll see for yourself?” paninindigan ni Jessica.


“I won’t be fooled by them,” mariing tanggi ni Yuna.


“Pero pinsan… susubukan mo lang naman. Malay mo ito na ang maging way upang maayos ang pamilya niyo.”


“This conversation is over. Alam mo naman ang kapasidad nila hindi ba? Hinding-hindi ako magpapauto sa palabas nila. Sigurado akong may binabalak lang sila,” tutol pa rin ni Yuna.


“Fine,” ani Jessica na itinaas ang dalawang kamay. Ayaw na niyang ma-stress pa ang pinsan “Ikaw ang bahala. Nagsasabi lang naman ako.”


Napailing na lang si Yuna. Magkamatayan na, pero hindi siya maniniwalang magpapakumbaba ang mga magulang. Napakalabong mangyari.








----








“Puwede ba tayong dumaan muna sa safehouse?”


Napalingon kay Yuna ang tatlong kasama niya sa tanong niyang iyon. Nasa loob na sila ng kotse at kasalukuyang paalis na ng ospital. Kaka-discharge lang ni Yuna at ihahatid nila ito sa penthouse kung saan tumutuloy si Jessica. Ito rin ang private penthouse ng CUBS.


“Seryoso ka ba, pinsan?” si Jessica.


“Bakit? May masama bang magpunta ako roon? Am I not welcome anymore?” tanong naman ni Yuna.


“No, it’s not that,” si Alexa ang agad na sumagot “You are always welcome there but, that’s the place where…” hindi na itinuloy ni Alexa “ – you know… baka kasi ma-trigger ka pa ‘di ba…” medyo alanganing saad pa.


“Whether I go there or not, nakatatak na sa isipan ko ang ginawa ko. Tingin niyo ba ay makakalimutan ko ‘yon?” ani Yuna.


“Bakit ba gusto mong bumalik do’n?” si Aya.


Medyo nag-alangan pang sumagot si Yuna.


“Gusto ko lang magpasalamat sa dalawang matanda. Sa pag-aalaga nila sa’kin… at sa pagliligtas,” sagot ni Yuna sabay iwas ng tingin.


Napaarko ang kilay ni Aya sa sagot nito. “Tingnan mo nga naman… may puso ka din pala,” komento niya.


Si Alexa na katabi niya sa backseat ay bahagya siyang siniko.


“Ano ka ba…” mahinang saway nito.


“May sinabi ba akong masama?” painosenteng tanong ni Aya.


Si Yuna naman ay napabusangot ang mukha. “Grabe ka talaga sa’kin… may puso naman ako kahit papa’no. Nagawa nga kitang mahalin ‘di ba?” pambawi nito sa huli.


“Oy, teka… hindi pa tayo official na nagsisimula ah. Huwag ka munang bumanat diyan,” si Alexa naman ang umalma.


“Official na nagsisimula saan?” taas ang kilay na tanong ni Aya.


“Sa panliligaw sa’yo…” sagot ni Alexa.


“Matapos kang makipag-break, manliligaw ka ngayon? Kung upakan kaya kita?” asar na saad ni Aya.


“Teka… napapansin ko lang… parang nagiging sadista ka na yata ngayon. Dati naman nang  tayo ang sweet-sweet mo ah…” hirit ni Alexa.


“Hey! Akala ko ba hindi pa official na nagsisimula?” si Yuna naman ang nagreklamo na nilingon si Alexa sa likod.


“Ikaw kaya itong nauna,” sagot naman ng makulit na babae.


“Hoy, kayong dalawa… kung mag-usap kayo parang wala ako dito ah?” Sita ni Aya.


“Heyy!” biglang sumigaw si Jessica na siyang nasa manibela “Ano ba kayo? Magbabangayan na lang ba kayo o aalis na tayo?” naririnding tanong niya. Ngayon pa lang ay nakikinita na niya ang disaster na mangyayari.


Bigla namang nagsitahimik ang tatlo.


“Mag-away-away kayo kung wala ako sa harapan niyo! Ayoko sa maingay!” angil pa ng pinsan ni Yuna.


“Ikaw kaya itong sumisigaw…” nakangusong turan ni Alexa sa mahinang tinig.


Animo’y nanggigigil na inilabas ni Jessica ang mga ngipin. “Magsitahimik na kasi kayo!”


“Grabe… dami ko namang halimaw na kasama dito. May witch, dragon at tigre… Tsk. Tsk. Tsk,” wika ni Alexa sa sarili na inisa-isa pa sa daliri ang mga nabanggit. Napapalatak at napapailing.


Sa sinabi niyang iyon ay matalim na napatingin sa kanya ang tatlo.


Napasiksik naman si Alexa sa gilid na animo’y natakot. “Oo na, oo na… maawa naman kayo sa’kin… isa lamang akong hamak na payaso…” anitong parang bata.


Nagkatinginan ang tatlo.


Maya-maya pa’y sabay-sabay na napabunghalit ng tawa. Nakitawa na rin si Alexa.


“Jesus… wala ka talagang katulad,” ani Yuna nang humupa ang tawanan.


“At hello… mas nakakatakot kaya ang payaso, ano?” ang wika naman ni Jessica na anyong nanginginig pa.


“Anong ginawa ng payaso? Wala naman siyang ginawa kundi ang magpatawa,” kontra ni Alexa.


“Oo na, oo na. Umalis na nga lang tayo at wala nang kuwenta ang pinag-uusapan natin,” si Aya.


“Mabuti pa nga.” At sinimulan na ngang paandarin ni Jessica ang kotse. Papunta ng safehouse.










Samantalang sa safehouse ay abala naman ang mag-asawang katiwala at dalawa pang katulong na on-call lamang tuwing may mga bisitang dumarating. Hindi na kaya ni Lourdes lahat ng gawain kung mag-isa lang siya kaya naman ay binigyan siya ng makakatulong ng mag-asawang Madrigal.


Madalian silang nagluto nang tumawag si Alexa na darating ang mga ito.


Ilang sandali pa ay narinig na nila ang pagtigil ng sasakyan. Mula roon ay lumabas na ang apat na babae. Lumabas si Lourdes upang salubungin ang mga ito.


“Mabuti naman ay dumating na kayo,” ang bati ng matanda.


Nagmano dito si Alexa at sumunod na din ang iba. Nahuling lumapit si Yuna na tila nahihiya pa.


“Mano po,” aniya na nahihiyang ngumiti.


Biglang niyakap ni Lourdes ang dalaga. Tinapik-tapik sa likod. “Salamat sa diyos at nakaligtas ka,” ang maluha-luhang wika ng matanda.


Nagulat naman si Yuna ngunit gumanti na rin ng yakap.


“Pasensya na ho kayo sa abalang ginawa ko. Nangako pa akong hindi magiging pabigat sa inyo pero kabaligtaran ho ang nangyari,” tungo ang ulong paumanhin ni Yuna nang pakawalan na siya ni Lourdes.


Marahang tinapik ng matanda ang kanyang kanyang kamay na hawak pa nito.


“Wala iyong anuman, hija. Isa pa ay nauunawaan naman namin kung bakit mo iyon nagawa. Huwag mo na lamang sanang uulitin. Pinag-aalala mo kami ng labis. At may pagsisisi din naman ako dahil hindi kita pinilit na ilabas ang nararamdaman mo noon,” wika ni Lourdes.


“Wala ho kayong kasalanan doon,” agad na sagot ni Yuna “kasalanan ko ang lahat at hindi niyo dapat sisihin ang sarili niyo.”


“Siya… kalimutan na natin iyon. Kumain na lamang muna kayo at may inihanda kaming merienda,” anang matanda na inakay na din si Yuna. Nakasunod naman ang tatlo.


Nang matapos ang merienda ay inihatid na din nila si Yuna sa penthouse.


Tumuloy muna sila sa suite ni Jessica.


“Will you two stay?” tanong ni Jessica kina Aya at Alexa.


“We can stay at my suite,” si Alexa ang sumagot.


“You two alone together?” ani Yuna na bakas ang pagtutol sa mukha “I think that wasn’t fair.” Lumapit kay Alexa habang magka-krus ang dalawang braso. “I thought you said you are going to give me a fair fight?” tanong pa.


“Kesa naman magsiksikan tayo ‘di ba?” pagrarason naman ni Alexa na hindi natinag sa pang-iintimidate ni Yuna. Nakatingala siya dahil sa tangkad ng huli.


“Excuse me… ano bang pinag-uusapang niyong dalawa ha?” ani Aya na lumapit na din sa dalawa. “I don’t remember giving you two a consent to curt me.”


Bumaling kay Alexa. “You. Ikaw itong nakipag-break sa’kin ng basta-basta. Do you think you can get back to me anytime you want?”


Sunod na tiningnan si Yuna. “At ikaw… napakarami mong kasalanan sa’kin. Hindi ko pa napapatawad lahat ng ‘yon. I’m here to help you, yes. But that doesn’t mean I want to be romantically involve with you again.”


Pagkatapos ay pinaglipat-lipat na ang tingin sa dalawa at nakaduro pa. “Kaya kayong dalawa… huwag kayong umasang magpapaligaw ako sa sinuman sa inyo.”


Nagkatinginan sina Alexa at Yuna.


“Kung tayo na lang kaya ang magligawang dalawa?” biglang biro ni Alexa na nakakiling pa ang ulo at animo’y seryoso sa sinasabi. “Ayaw niyang magpaligaw eh…”


“Kung kalbuhin ko kaya ‘yang napakagulo mong buhok? Gusto mo?” malamig na turan naman ni Yuna. Hindi natutuwa sa biro ng makulit na babae.


Napailing naman si Aya. “Bakit hindi niyo nga subukan? Tamang-tama, pareho kayong maliligalig. Bagay kayo,” anito at tumalikod na upang iwan ang dalawa. Dumeretso sa sofang naroon.


Nagpasadahan ng tingin ang dalawa mula ulo hanggang paa.


“Yuck! I wouldn’t even dare! Lumayo ka nga sa ‘kin,” si Yuna na bahagyang tinulak si Alexa. Sumunod din kay Aya na maupo.


Sinundan ito ni Alexa. “Aba… ginaganyan-ganyan mo ‘ko ha, matapos ang lahat ng tulong na binigay ko sa ‘yo?” pang-g-guilt trip niya dito pero hindi siya inintindi nito.


Naupo na din si Alexa at sa tabi pa ni Aya. Si Yuna ay nasa pang-isahang sofa.


Matalim na tinitigan ni Yuna si Alexa. “Huwag ka ngang tumabi kay Aya,” aniya.


“Bakit? Sa gusto ko eh…” pambabalewala naman ng isa na itinaas pa ang dalawang braso at ipinatong sa ibabaw ng backrest ng upuan. Nang-aasar pa lalo.


Lalong naningkit ang mga mata ni Yuna. “Umalis ka diyan,” utos nito.


Napaikot naman ang mga mata ni Aya sa dalawa. “Tumigil na nga kayong dalawa. Kung hindi ay ako ang aalis,” banta niya.


Napaayos naman ng upo si Alexa. Ibinaba ang mga braso at bahagyang umisod palayo. Bumaling kay Yuna. “Happy?”


Inirapan lang siya ng isa.


Si Jessica naman ay nakasandal sa hamba ng pinto at tahimik lang na pinagmamasdan ang tatlo. Napapailing sa sarili. “Para lang akong nanonood ng teleserye. At sa nakikita ko ay mukhang hindi niyo ako patatahimikin dito,” anito at lumapit na din sa mga ito. Umupo sa isa pang pang-isahang sofa na katapat ni Yuna.


“So, saan na kayo matutulog na dalawa? I’ve only one bed. There was a spare bed if you want to sleep on the floor,” ani Jessica na bumaling kina Aya at Alexa.


Napagpasyahan kasi ng dalawa na manatili muna sa Vermont at samahan si Yuna. Ayaw na nilang maulit ang nangyari. Ngunit magkakasundo naman kaya sila? Mukhang laging giyera ang eksena nilang tatlo.


“As I’ve said, we can sleep on my suite. Dalawang kuwarto lang naman ang pagitan no’n mula rito,” si Alexa.


“No deal. Baka mam’ya aswangin mo pa si Aya,” tutol ni Yuna “why don’t you sleep there yourself? Dito lang si Aya.”


“And leave her with you? Nah… no can’t do,” paismid na hirit naman ni Alexa.


“Hindi ba talaga kayo titigil na dalawa??” yamot nang saad ni Aya “Tatamaan na kayo sa’kin.”


“Okay, okay. Puwede bang kumalma lang tayong lahat?” sawata ni Jessica sa mga ito “Dahil mukhang wala naman sa inyo ang gustong magpatalo… dito na lang kayo matulog, Alexa. Pero kami ni Aya ang magkatabi. At kayong dalawa naman ang magkatabi, Yuna at Alexa. Use the spare bed.”


“Hindi ako tatabi sa baliw na ‘yan,” reklamo ni Yuna.


“Mas lalo namang ayokong tumabi sa’yo ‘no. Witch,” ganti naman ni Alexa.


Balik na naman sa pagiging aso’t pusa ang dalawa.


Si Aya ay yamot na napatayo at naglakad patungo sa pinto.


“Oy, Aya… sa’n ka pupunta?” tanong ni Alexa.


“Uuwi na ng Maynila,” walang lingon-lingon na tugon nito.


Bigla namang napatayo si Alexa para pigilin ito. Nang maabutan ay pinigil sa braso. “Oy, teka lang… nagbibiruan lang naman kami. Hindi ba, Yuna?” nilingon nito ang isa na nakatayo na din.


“Di ba?” ulit pa na bahagyang pinandilatan ang witch.


Umismid naman si Yuna. “Oo na. Hindi na kami mag-aaway. Huwag ka nang umalis,” anito.


Lumapit na din si Jessica kay Aya. “Pagpasensyahan mo na ‘yang dalawa. Pareho kasing isip-bata,” napaikot ang matang wika “Hey… I really need you here. Please stay,” mahina ang tinig na pakiusap niya kay Aya.


Napabuntung-hininga na lang si Aya at tumango. Binigyan ng matalim na tingin ang dalawa bilang babala.








----








“Nasa’n ‘yong dalawa?” tanong ni Yuna na palinga-linga sa paligid. Kakatapos lang niyang mag-shower.


“Mauuna na daw sa roof deck,” sagot ni Jessica. Bihis na din ito. Nakasuot ng flowy dress na peach ang kulay at hanggang tuhod ang haba, pinaresan ng hindi kataasang heels. Nakalugay lang ang mahabang buhok.


Nagpahanda sila ng pagkain sa roof deck. Ang kabuuan nito ay natatamnan ng mga halaman  at mga bulaklak at nagsisilbi na ding garden ng penthouse.


“Let’s go then,” yakag ni Yuna. Maging ito ay naka-dress din. Itim, as usual. Litaw na litaw ang makurba at mapang-akit nitong katawan. Ang mahabang pulang buhok ay nakatali namang paitaas.


Paalis na sana sila nang biglang tumunog ang landline phone.


“I’ll just get it,” ika ni Jessica.


Ilang sandali itong nakipag-usap at naiinip na si Yuna.


“Sica…” tawag niya dito.


Itinaas ng pinsan ang hintuturo at saglit munang inalis sa tenga ang telepono. “Mauna ka na lang roon. May hinihingi sa aking files si Daddy. I-s-send ko lang,” anito at bumalik na sa kausap.


Iniwan na ito ni Yuna at umakyat na sa roof deck. The place was beautiful. Puno ng mga namumulaklak na halaman at iba pang mga puno ang lugar. Marami ding mesa at upuan na maayos na nakapalibot sa lugar. At ang kisame ng buong roof deck ay salamin lamang kaya naman ay kitang-kita ang mga nagkikislapang bituin sa taas.


Napangiti si Yuna sa nasilayan. Kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam niya at na-a-appreciate na niyang muli ang kagandahan ng paligid. Ngunit nang ibaba niya ang mga mata ay kaagad ding napalis ang kanyang ngiti.


She saw Aya and Alexa at the farmost side. Lip-locked.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now