46. Commemoration

1.9K 72 15
                                    

Biglang bumulaga sa harapan ni Aya si Yuna. Mukhang kanina pa ito doon at hindi man lang niya namalayan. Nakasandal ito sa entrada ng kusina. Nakasuot ito ng long-sleeve na turtle neck at hapit na jeans.

A surge of something suddenly crept from inside of Aya’s chest onto her face. She squinted her eyes at Yuna. “Why would I miss you? This day had been peaceful until you show up,” mataray na sagot niya pero sa loob naman ay kinakabog ang dibdib. Kaagad niyang kinalma iyon dahil pakiramdam niya ay mali iyon.

“Ouch…” ani Yuna pero tila hindi naman gaanong affected. Mukhang immune na ito sa pagtataray ni Aya. At sa halip na patulan ang babae, “I see you haven’t changed. Kumusta ka na?” tanong na lamang nito.

Naglakad si Aya palapit sa dining table at hindi ito sinagot. “Bakit ka nandito?” aniya bago maupo sa silya. Hindi na muling sinulyapan si Yuna.

Tahimik namang sumunod si Yuna at naupo sa tapat niya. Balita ko ay birthday ni Mrs. Madrigal ngayon at pupunta ka raw,” anito.

“Ano naman ngayon?” ani Aya na hindi pa rin sumusulyap dito. Parang walang-anumang sumubo ng pizza matapos paghiwa-hiwain iyon sa maliliit na piraso. Hindi man lang nag-abalang anyayahan ang isa.

“She invited me too.”

Doon napatingin si Aya dito. Napataas ang kilay. Hindi niya alam na may kumunikasyon pala ito ang mama ni Alexa. “O, tapos? Eh di magpunta ka.”

“Sabi niya sabay na raw tayong pumunta. May susundo daw sa’tin dito.”

Natigil sa pagsubo si Aya at ibinaba muna ang tinidor. Ayokong kasabay ka.”

“Pero iyon ang bilin ni Mrs. Madrigal. Pasusunduin na daw niya tayo sa chopper para hindi na tayo maipit sa traffic.”

“Then, pabalikin mo na lang ang chopper. Basta ayokong kasabay ka.”

“Aya…”

Umalis ka na.”

Natahimik ng ilang sandali si Yuna. “Lagi mo na lang akong itinataboy,” wika nito sa malungkot at mahinang tinig.

“At hindi ka pa rin nadadala.”

Hindi na umimik si Yuna at napatitig na lang kay Aya. Bigla na ring tumayo ang huli, bitbit ang plato. Madami pang natira kaya’t tinakpan niya iyon at ibinalik sa ref. Ayaw na ayaw ng kanyang inang nagtatapon ng pagkain. Matapos iyon ay naglakad na patungong hagdanan.

Kailangang hindi na kita makita dito pagbaba ko mamaya,” aniya nang madaanan si Yuna at tuluyan nang iniwan ito.

Napahugot na lang ng malalim na hininga si Yuna. Malapit na… malapit na talaga siyang sumuko kay Aya. Sa tindi ng nararanasan niyang pag-aalipusta mula rito ay baka wala nang matira sa kanya. Nasapo niya ang gilid ng tiyan nang biglang sumigid ang kirot mula roon. Hindi pa tuluyang naghihilom ang tinamo niyang bugbog mula kay Cleo. Kaya siya naka-turtle neck ay para itago ang mga pasa. Masyadong hassle kung pag-aabalahan pa niyang lagyan ng concealer lahat ng iyon. Ito rin ang dahilan kung bakit mahigit isang linggo siyang hindi muna nagpakita kay Aya.

“O, Yuna… nasa’n na si Aya? Nagkausap na ba kayo?”

Napalingon si Yuna sa biglang pagdating ng mama ni Aya. Umakyat na ho, ‘Ma,” mama na ang tawag niya dito ngayon dahil na rin sa sana ay engagement nila ni Aya “ – pinapalayas na nga ho ako,” matamlay na wika niya.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now