43. Call-off

2.1K 79 10
                                    

“I’m sorry… pero wala nang kasalang magaganap.”

Ilang sandaling hindi nakahuma si Yuna sa sinabing iyon ni Aya. Maang na napatitig lang siya sa fiancée. Halos pitong buwan na din silang magkasintahan. At sa loob ng mga panahong iyon ay ginawa niya ang lahat upang makabawi dito. She announced to everyone that she’s gay and she remained faithful and loyal ever since.

Napaangat ng tingin si Aya nang hindi kumibo si Yuna.

Napakurap naman si Yuna. Hinihintay niyang sabihin ni Aya na nagbibiro lang ito. “You’re kidding, right? Are you having pre-wedding jitters now?” mahinahong tanong niya na hindi sineryoso ang sinabi ni Aya bagamat kinakabahan.

“I can’t marry you,” tanging naisagot ni Aya na mailap ang mga mata.

Muling natigagal ang kasintahan. “W-What? What do you mean ‘can’t marry’? Should we cancel it? Aren’t you ready yet?” sunod-sunod na tanong ni Yuna. Handa siyang mag-adjust para kay Aya at handa siyang maghintay kung kailan man nito gustong magpakasal.

Umiling si Aya. Napakagat-labi. Ayaw din naman niyang gawin ito kay Yuna, pero matapos ang lahat ng nalaman niya ay hindi na niya alam kung kaya pa niyang tumingin kay Yuna na hindi nakakaramdam ng galit, sakit at panghihinayang.

“No,” nag-iinit ang sulok ng matang wika niya “hindi na ako magpapakasal sa’yo. Gusto ko nang… gusto ko nang makipaghiwalay, Yuna.”

Ilang sandaling hindi makapagsalita si Yuna. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla-bigla na lang nakikipaghiwalay si Aya.

“M-Makipaghiwalay?” nginig ang boses na tanong niya “B-Bakit… A-anong… may nangyari ba? Why are you suddenly breaking up with me and stopping the wedding altogether? Aya naman… huwag mong gawin sa’kin ‘to,”nakikiusap na wika ni Yuna.

Hindi makatingin si Aya kay Yuna. Nasasaktan din siya para dito. Nakita niya ang pagbabago ng babae magmula nang magkabalikan silang muli. Malaki ang adjustment na ginawa nito para sa kanya.

“I’m sorry,” ang tanging nasabi ni Aya na nakatungo ang ulo.

Kinuha ni Yuna ang kamay ni Aya na nakapatong sa hita nito. “Hon, please… pag-usapan natin kung anong problema. Huwag naman ganito. Hindi ko kakayanin. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka sa’kin,” pagsusumamo niya.

Pilit na hinila ni Aya ang kamay mula sa fiancée.  “Tapusin na natin ‘to. Hindi ko na kayang makasama ka pa.”

“May nagawa ba ‘kong mali? Sabihin mo. I’m sorry kung may kasalanan man akong nagawa na hindi ko alam. But please… don’t do this,” emosyonal nang pahayag ni Yuna, pilit pa ring hinahawakan ang kamay ng kasintahan.

Hindi umimik si Aya at napaluha na lang habang nakayuko.

“Ano ba kasing dahilan ng lahat ng ‘to? hindi ko maintindihan…” patuloy ni Yuna na naiiyak na din. Hinawakan niya ng dalawang palad ang mukha ni Aya at pilit hinuli ang mga mata nito. “Kausapin mo naman ako ng maayos. Hindi itong basta-basta ka na lang nakikipaghiwalay na hindi man lang nagsasabi kung anong dahilan. I deserve some explanation,” giit pa niya.

Hilam ng luha na sinalubong ni Aya ang mga mata ni Yuna. Naninikip na ang dibdib niya sa pinipigil na damdamin. Naaawa siya sa kasintahan. Nakikita niya ang labis na sakit sa mga mata nito.

“Sabihin mo sa’kin…” pakiusap muli ni Yuna “magagawan natin ‘to ng paraan. Sabihin mo lang, please.”

“No. Hindi na natin ‘to magagawan ng paraan. Wala na siya,” mapait na wika ni Aya “patay na siya at dahil ‘yon sa mommy mo.”

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon