30. Shadow of the past

2.2K 84 0
                                    

Isinama si Aya ng kasintahan sa probinsya ng ama nito. Naroon din ang mga magulang ni Alexa pati na ang mga kapatid. Taliwas sa inaasahan ng designer ay sa isang bahay-kubo sila tumuloy. Literally. Isang bahay-kubo na nasa gitna ng malaking farm.

Malaki naman ang bahay at may pangalawang palapag din iyon. May sari-sariling kuwarto ang tatlong magkakapatid at isa rin para sa mga magulang ng mga ito. Para sa mga anak ng mga kapatid ni Alexa ay mayroon ding magkahiwalay na kuwarto para sa babae at lalaki.

Nasa ibaba ang kuwarto ng mag-asawang Madrigal gayundin ang kay Alexa. Ang sa dalawang kapatid at sa mga bata ang siyang nasa itaas.

Gawa lamang sa kawayan ang kabuuhan ng bahay pati na mga kasangkapan at muwebles.

The house was an epitome of simplicity.

"Ang ganda... ang ganda ng bahay ninyo," humahangang papuri ni Aya.

Nakaupo sila sa pahingahang nasa gilid ng bahay. Gawa iyon sa tila itinapon nang parte ng troso, ginawang upuan at pinahiran ng barnis. May anim na upuan na nakapalibot sa isang mesang ganoon rin ang pagkakayari.

"You said it was your main house here in the Philippines, right? Who would have thought that you guys actually live here. Dalawa sa pinakamayaman at pinaka-influential na tao sa Pilipinas, nakatira sa isang bahay-kubo. Ipagpaumanhin mo, pero hindi ko pa rin mapaniwalaan," mangha pa ring turan ng designer.

"Believe it. Dito na rin kami halos lumaki. May bahay kami sa China at Maynila, pero mostly kapag nandito sa Pilipinas ay dito talaga kami nag-i-stay," tugon naman ni Alexa na nakapangalumbaba sa mesa habang nakatitig sa kasintahan.

"Kahanga-hanga. Namamangha pa rin ako sa mga magulang mo," ani Aya.

Naagaw ang atensyon ng designer sa kapatid na lalaki ni Alexa. May bitbit itong balde, kasama ang isang anak na babae. Papunta ito sa likurang bahagi ng bahay.

"Anong gagawin nila?" Curious na tanong ni Aya.

"Mag-iigib. Oo nga pala, hindi ko nasabi sa'yo. Walang gripo dito. Tanging poso lang ang pinagkukunan ng tubig. Kung napansin mo ay wala ring sari-sariling banyo ang mga kuwarto. Nasa likod ng bahay ang CR at bathroom," sagot ni Alexa.

"Poso? Uso pa ba 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ng designer.

Natawa si Alexa sa reaksyon ng nobya. "Oo. Sa'min. Alam mo kasi, ayaw ng mga magulang ko na kalimutan namin ang simpleng buhay. Mula sa maliliit na bagay, ipinaranas nila sa 'min. Sadyang hindi sila nagpakabit ng gripo para maranasan namin na mag-igib, kagaya ng kinalakhan ng Papa ko. Mula sa paghugas ng pinggan, pagwawalis, paglilinis ng bahay at paglalaba... kapag nandito kami ay obligado kaming gumawa. Wala kaming kasambahay dito," aniyang nakangiti at proud pa na inilahad sa kasintahan ang klase ng pamumuhay nila.

"As in? Grabe... ang lupit ng mga magulang mo ah," komento ni Aya.

"Nah. They're just being wise. They taught us the hard ways of life para makatayo kami sa sarili naming mga paa. They believe that everything we have right now can vanished in just an instant, but they were not afraid of it, rather... they trained us to be ready for that. For anything that can happen. I am so proud they're my parents," may pagmamalaki sa mga matang pahayag ni Alexa.

Hinawakan ni Aya ang magkabilang-pisngi ng kasintahan at ginawaran ng masuyong halik ang labi nito. "Alam mo... habang tumatagal, lalo kitang minamahal. Napaka-busilak kasi ng puso mo," aniya sa kasintahan

Napangiti si Alexa. "Alam mo, habang tumatagal lalo ka yatang nagiging sweet. Sige ka, hahanap-hanapin ko na 'yan," wika naman ni Alexa na pinisil ang baba ng nobya.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Onde as histórias ganham vida. Descobre agora