25. New Friends

2.3K 82 17
                                    

Ipinagpatuloy nga ni Alexa ang panliligaw kay Aya. Palagi niya itong hatid-sundo sa pinapasukan dahil magkalapit lang naman pala ang pinagtatrabuhan nilang kumpanya.

Tulips became regular and Alexa had been sweeter and much annoying to Aya's displeasure. But she couldn't deny that Alexa made her happy and blushing all the time.

"Ganyan ka ba talagang manligaw, ha? Araw-araw mo na lang akong iniinis, eh..." gigil na nahampas na naman ni Aya ang braso ng palalong babae.

Tuwing walang pasok ay palagi na itong nasa bahay nila at umaakyat 'umano' ng ligaw.

"Hindi mo ba alam 'yong lines na 'hate me or love me, both are in my favor. Because either way I'm always on your mind'," Alexa wiggled her brows at Aya "at saka iyong... 'the more you hate, the more you love.'," she added playfully.

"Kung sipain kaya kitang palabas ng bahay, ha?" Lalong nanggigil na banta ni Aya.

"Huwag naman... gusto pa nga kitang makasama, eh," Alexa pouted.

"Kung anu-ano talagang kabaliwan ang naiisip mo. At tigil-tigilan mo 'yang pagpapa-cute mo. Hindi ka cute! Umalis ka na nga lang! Nakakasira ka ng araw eh," asar na taboy ng designer.

"Grabe ka naman... nanliligaw pa nga 'ko eh..." ika ni Alexa na tila batang nagtatampo.

"Hindi panliligaw ang ginagawa mo, kundi pambubwisit!" Angil ni Aya.

Aya kept her walls high but Alexa was persistent. So the designer decided to give them both a chance. It was about time to move on, but she told Alexa that they should take things slowly. She was too afraid to get in a relationship again. At gusto muna niyang makasigurado sa sarili na mahal nga niya ito bago sagutin. Pareho lang silang masasaktan kung magpapadalos-dalos siya sa pagdedesisyon.

"Okay, sige... payag na akong manligaw ka. But please... huwag mo akong mamadaliin. At hindi ko rin maipapangakong magugustuhan mo ang sagot ko sa huli," sa huli ay pagpayag niya.

Nang minsan kasi ay napagtarayan na naman niya ito ng matindi at may mga nasabi siyang masasakit, kaya nagtampo muli ang palalong babae.

"Talaga?" Tuwang-tuwa namang tanong ni Alexa, hindi makapaniwala.

"Oo nga... gusto mo bang bawiin ko?" Ang banta ni Aya rito.

"Teka lang! Huwag naman..." agad na pigil ni Alexa "Pero... huwag kang magpapaligaw sa iba, ha... i want to be the exclusive one," hirit pa ng makulit na babae.

"Sa tingin mo magdadagdag pa ako ng manliligaw? Sa'yo pa nga lang, sumasakit na ang ulo ko, eh..." pagtataray muli ni Aya.

Yuna on the other hand, still kept being her annoying self, but every time, Alexa was there to shield Aya from the witch. The designer couldn't understand what was Yuna's deal. She hated the witch's gut. Alexa's presence made it bearable for Aya to face her ex-girlfriend. That's another thing why Aya was grateful she had Alexa beside her.

"Ano ba talagang problema mo, Yuna? Puwede bang tigilan mo na si Aya? Alam mo, KSP ka lang eh... palibhasa hindi ka na niya pinapansin, kaya nagpapapansin ka," napupuno nang asik ni Alexa sa mangkukulam.

Tahimik kasi silang kumakain ni Aya ay bigla na naman itong sumulpot at naninira ng araw.

"At ano bang pakialam mong duwende ka? What right have you got to tell me not to get near her? Isa ka lang namang asong bubuntot-buntot sa kanya," Yuna retorted.

"Me and Aya are in a relationship. We are exclusively 'dating'. While you... you're just a psychotic ex-girlfriend. So, could you please... EX-cuse us?" Ani Alexa at hinila nang palayo and designer.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now