32. Saving Yuna

2.3K 77 2
                                    

"Are you sure you want to do this?" Tanong ni Aya kay Alexa.

Hinila niya sa isang sulok ang kasintahan, matapos ang pag-uusap nito at ng mga pinsan ni Yuna.

"Aya, look... I'm gonna do this because it's the right thing to do. Ayaw mo bang tulungan si Yuna?" Hindi maintindihan ni Alexa kung bakit ganoon na lang ang pagtutol ng kasintahan. Kung tutuusin ay mas ito dapat ang magmalasakit kay Yuna dahil kahit papano'y may pinagsamahan ang mga ito.

Oo nga't itinuturing pa rin niyang karibal si Yuna. Ilang beses na rin niya itong nakaalitan, subalit hindi naman gugustuhin ni Alexa na may mangyari ditong masama. At kung kailangan niya itong tulungan ay gagawin niya.

"I'm just worried about you. Hindi mo na rin kailangang sumama pa roon. Magpadala ka na lang ng mga tao para makatulong sa kanila," giit ng designer.

"I want to help, Aya. Gusto kong makita mismo na ligtas siya."

"Why do you need to?" Maging si Aya ay hindi maintindihan ang pagpupumilit ni Alexa "She isn't Clarisse, Alexa," mariing turan niya.

Bahagya namang natigilan si Alexa dahil sa sinabi ng kasintahan. May munting kurot siyang naramdaman sa alaala ng matalik na kaibigan.

"I'm sorry... but maybe subconsciously, you are thinking about Clarisse, kaya ka nagkakaganyan. You have no responsibility on Yuna. Isolated case lang naman 'to. We aren't even sure if Mike was really holding her hostage. For all we know, they could have just been on a vacation," ang saad pa ng designer.

Napailing naman si Alexa. Siguro nga'y may katotohanan ang mga sinabi ni Aya pero ayaw niyang wala man lang gawin. Isa pa'y nakapagbitiw na siya ng pangako sa mag-pinsan. Kaibigan din naman niya si Jessica. At pakiramdam niya talaga'y nasa panganib si Yuna.

"Si Clarisse man siya o hindi... gusto ko pa ring tumulong, Aya," may diin sa tono ng makulit na babae.

"Yeah. All right. That's great. Pero hindi mo naman nga kailangang sumama pa roon!" Naiinis na si Aya sa kakulitan ng kasintahan.

"I told you, I want to see for myself," paninindigan pa rin ni Alexa.

Napapailing si Aya sa desisyon ng kasintahan. "Bakit ba napakakulit mo?"

"Gusto ko lang namang makatulong. Tama ka, iniisip ko ang nangyari kay Clarisse. I don't want to repeat history. Kaya kung may magagawa ako para pigilan ang isa na namang trahedya, gagawin ko," Alexa said stubbornly.

"I should be the one insisting to help her, not you," napipika nang turan ni Aya.

"Exactly," pagpupunto ni Alexa "then why are you preventing me to?"

"Baka nakakalimutan mo ang mga ginawa niya sa 'kin. But it's not because I hold grudges against her. She's my ex, okay? And you're my girlfriend now. Don't you think it would be too awkward for me? Isa pa, ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kanya. Oo, nando'n na 'ko. Kailangan pa rin natin siyang tulungan. Gusto ko siyang tulungan," pag-amin ng designer "ngunit hindi ko na gustong gawing kumplikado pa ang lahat. So, please... let's just stay out of it. Let your friend help her. You don't have to be there," mariing turan niya sa huling pangungusap.

"I'm still going," pagmamatigas pa rin ni Alexa.

"Alexa!" Si Aya. Hindi makapaniwalang ipipilit pa rin ng kasintahan ang gusto.

An undeterred look was on the silly woman's face.

Aya released a defeated sigh. Mukhang hindi na talaga ito magpapapigil pa.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now