UNA

15.3K 205 8
                                    

"Agahan niyo bukas para madami kayong madikitan ng campaign materials" utos ng lider namin.

Summer kasi ngayon at panahon ng eleksiyon, ako naman ay sumasideline sa pamamagitan ng pagsama sa kampanya ng tumatakbong Gobernador dito sa amin. I'm a photographer and I have my own studio pero dahil kailangan ko ng extra income ay pati ito'y pinatos ko na.

"Thea" pagtawag ni sir Mito.

"Yes po?" Tumayo ako para makita niya ako ng mabuti.

"Sasama ka sa motorcade bukas kaya dapat maaga ka, dalhin mo yung camera mo, babayaran ka ni Governor para sa mga kuha mo" paliwanag niya.

Tumango tango naman ako. Ngumiti siya at nagsalita pa ng kung ano ano.

Naupo na ako at nakipag usap sa katabi.

"Darating daw yung anak ni Governor bukas" rinig kong wika ng katabi ko sa kausap niya.

"Oo, grabe. Sasama daw sa kampanya" halata ang kilig sa mga boses nila.

"Sino yun?" Pagsingit ko naman.

Bumaling silang dalawa sa akin at nagkwento.

"Yung anak ni Gov, yung nasa Canada!" Patili ngunit mahinang wika nila.

Napatawa nalang ako dahil doon. Mistula na silang maiihi sa kilig. Anak ni Gov?. Tatlong lalaki ang anak ni Gov, ang dalawa ay pulitiko din at ang isa ay nasa ibang bansa. Iyon ang hindi ko pa nakikita.

"Buti kapa nga eh. Makakasama mo sila sa motorcade bukas" may lungkot at inggit sa boses niya.

Nagkibit balikat nalang ako. Wala naman akong ibang balak kundi ang makahanap ng extra income. Bibili kasi ako ng isa pang Camera o kahit bagong lens nalang para mas okay.

"Picture'ran mo nga siya bukas" pag uutos nila sa akin.

"Fine, pero may bayad hah" pagbibiro ko naman pero parang sineryoso nilang dalawa.

"Oo, kahit magkano pa. Basta ah?" Paki usap nila. Tumango tango na lamang ako. Talaga namang kukunan ko sila ng larawan eh. Itong mga to talaga.

Pagkatapos ng meeting ay umuwi narin ako kaagad. Wala akong kotse pero may motor ako. Natuto ako noong high school dahil kay kuya. Ang sabi kasi niya dapat daw ay matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa kaya nga ito ako ngayon, nag aral ng photography at nagpatayo ng sariling studio, kumikita naman ako dahil marami parin namang nagpapapicture at nagpapagawa ng kung ano ano.

Sa studio ay may maliit na kwarto sa likod at doon ako natutulog.

Kina umagahan ay maaga ngang nag assemble ang grupo namin. Sumakay ako sa sasakyan kasama sila Gov at Vice Gov niya, dala dala ko ang camera, syempre dahil ako ang nakatoka doon ngayon.

"Oh, Althea!" Bungad ni Governor nang makasampa sila sa sasakyan. Nakipagkamay pa siya sa akin at ganun din ako syempre.

"Gov" bati ko naman. Tumabi ako ng bahagya para makapasok ang mga kasama nila. Si Gov at VG lang ang pulitiko sa sasakyan, ang iba'y mga campaign manager nila.

"Nasaan na ang anak mo, Gov?" Tanong ng isa sa mga campaign manager.

"Sandali nalang iyon, ang sabi niya sa akin ay hahabol siya" nakangiting wika ni Gov ngunit halata ang pagkainis. Dahil siguro sa tagal ng anak niya.

"I'm sorry" napatingin kaming lahat sa baba dahil sa taong nagsalita.

Narinig ko pa ang mahinang tili ng mga tao sa likod ko. Ang pwesto ko kasi ay nasa gilid, at sa baba noon ay nakalagay ang upuang dadaanan para makasampa sa sasakyan. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa upuang apakan. Ako naman ay nakatitig lamang sakanya. Nagulat ako nang bigla siyang tumingala at magtama ang mga mata naming dalawa kaya mabilis kong ibinaling ang tingin sa harapan.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon