IKA TATLUMPU'T PITO

3.4K 66 10
                                    

"Kaya, I am letting you go" tumingin siya sa akin. Bumaling naman din ako sa kanya. Nasilayan ko ang mga sakit sa mga mata niya. Pinaasa ko ba siya?. Nagbigay ba ako ng motibo sa kanya? Is it my fault?.

"You deserve the world and I know that Jacob can give you that" nakangiting wika niya.

Napakurap nalang ako sa kanya.

"Pero pag sinaktan ka niya. . I'll come back here" nakangiting wika niya.

Napangiti nalang ako ng tipid.

"Sira" mahinang wika ko.

Natigil kami sa pag - uusap nang biglang tumunog ang isang wine glass dahil sa kutsara. Napatingin kaming lahat sa harapan. Napangiti ako nang makita si Jacob na nakatingin sa akin.

"Good evening, everyone" nakangiting wika ni Jacob.

"Thank you all, for coming. . Salamat din sa mga kapatid ko, who organized this party for me. . Today, is a very special day because my girlfriend. . " wika niya tsaka naglakad palapit sa akin.

The spotlight was focused on him at ngayon ay palapit na sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tumingin ako doon at sa paligid. They were all looking at us. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Ano bang plano niya?.

"Love" wika niya.

Inabot ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Nang makatayo ako ay nagsalita siyang muli.

"My girlfriend, Althea Andrea, fin'lly said YES" nakangiti niyang wika habang nakatingin sa akin. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga baso dahil sa kutsara.

"Congratulations" bungad naman ng mga katrabaho ko.

Yumakap sila at bumeso sa aming dalawa ni Jacob.

Nahihiya man ay malugod ko silang yinakap.

Natigil naman ang lahat ng may nag slow clap sa likuran kaya napalingon lahat doon.

"Congrats" punong puno ng pag uuyam ang mukha ng bagong dating.

Hindi ko alam pero napakagaling naman talagang manira ng gabi ng mga ito.

Naglakad palapit ang bagong dating at bumeso kay Jacob. "Happy birthday, son"

"Thank you, ma" hilaw ang ngiti ni Jacob.

"And? What is this announcement? You are engaged?" Tanong niya tsaka tumingin sa akin.

"Ma" pagpipigil ni Jacob sa kanyang ina.

She looked at me with disgust. Ano bang nagawa ko sa buhay at ganito nalang ako kamuhian ng ina ni Jacob.

"So totoo nga? Itinuloy mo parin? Akala ko ba, matino kang babae?" Mahinahong wika ng nanay niya ngunit halata ang pagkainis.

Hinawakan ako sa bewang ni Jacob at hindi ko siya pinigilang gawin iyon. Nakita naman iyon ng kanyang ina kaya mas lalong pumait ang tingin niya sa akin.

"Jacob, Mary is waiting, pupunta kayo ng Canada para sa isang business deal, why are you like this, anak?"

Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Tanco. Anong business deal?. Akala ko ba ay wala na si Jacob sa kompanya?.

Tumingin ako kay Jacob at nagtiim bagang siya. Nakatingin siya ng matalim sa kanyang ina. Kasabay noon ay ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.

"This is my stand, ma" matigas niyang wika.

"Jacob" bulong ko sa kanya.

"You're choosing your downfall"

Umirap ang ina niya sa akin at lumapit pa hanggang isang hakbang nalang ay magkakalapit na kami.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon